07:47 PM | 02/16/2013
Si Calvin Baterna, 9 anyos, may katangkaran ang itsura pero patpatin. Hindi mo siya makikitaan sa itsura ng isang bully. In fact, parang ngang hindi siya makabasag ng pinggan e. At ang kanyang nickname ay “bakal” at “batas.” May tirahan siya pero madalas sa bawat araw e namumuhay siya sa isang sulok ng kanto sa Maynila. As in doon siya tumatambay, nanonood ng TV sa tapat ng kapitbahay, kasama ang mga kapwa tambay, at kahit nag-aaral. Namulat siya sa mga makamundong bagay na nakikita niya sa kalye. Mga taong nakikipagbangayan sa isa’t-isa, mga taong mali-mali na nga asal e lulusot pa sa kanilang mga kalokohan, pagkalap ng tsismis, mga kapwa niyang bata na nagiging tambay at kawatan na lang porket lagi silang nabubungangaan at naabuso ng kanilang mga nakatatanda.
Pero pinili pa rin ni Calvin ang maging matino sa kabila ng lahat. Natuto siyang maging mabuting nilalang sa tulong ng kanyang pag-aaral sa eskwela. Sumunod sa utos ng magulang kahit lagi siyang nasisigawan (dahil nga sa hirap ng katayuan niya sa buhay), magdasal ng mataimtim. Actualy, halos matinong bata naman siya e.
Pero kung may bagay siya na natutunan niya sa kanyang mga kabaro at kaedad – yun ay ang umasta na parang siga. Bagay na lagi namang kinokontra ng nanay niya, ke wala pa siya sae dad para umasta na parang ang nagas niya. Hindi na lang nagsasalita si Calvin pero tinutloy-tuloy niya ang kanyang pag-aangas sa kalye basta nasa tama siya, tulad ng isang sitwasyon na ito.
Reader Advisory
Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
16 February 2013
14 February 2013
First Break
02/14/2013 01:21 AM
It was the only time in my life when I celebrated Valentines Day – and at the same time, having my first break on of the things I loved doing – writing. Specifically, about sports.
12 February 2013
Valentine’s Day Na! E Ano Ngayon? (v. 2013)
07:50 PM | 02/12/2013
Warning: This is an anti-romantic post. Pasintabi at pasensya na ho sa mga matatamaan dyan. Opinyon lang po.
Warning: This is an anti-romantic post. Pasintabi at pasensya na ho sa mga matatamaan dyan. Opinyon lang po.
Sa totoo lang, ano naman kung February 14 na? Ano naman
ngayon kung Valentine’s Day na?
Bakit ang daming mga tanga na ginagawang big deal ang isang
araw na hindi naman talaga kino-consider ng lipunang ito (pati na rin ng relihiyon)
bilang isang “holiday?”
Pucha, ang hihilig kasing makiuso e.
Kung last year, nag-rant ako sa mga kalokohan at pautot na laging
nauuso twing Valentines’ Day, ngayon… same thing pa rin e. HAHAHA! Pero pwera
biro. Tutal nauuso naman ang katangahan sa mundong ito ngayon.
Misconceptions by heart – Valentines’ Day
04:10 PM | 02/12/2013
This may be an anti-romantic post. So before
you rant, MAKE SURE YOU HAVE READ AND UNDERSTAND EVERYTHING FIRST.
Valentine’s Day IS JUST A VALENTINES DAY.
I was barely inspired by a bunch of
bloggers who dared to blog their insights against Valentine’s Day. Thanks a
lot. Anyway...
Okay, so February 14 is just around the
corner. And so... what? I mean so the fuck what?
11 February 2013
How SUPLADO TIPS Changed My Life
07:37 PM | 02/11/2013
Ang blog na ito ay naglalaman ng mga patawa na nakalakip sa
mga matitinding mga pangungusap at salita. Ang magseseryoso ng sobra-sobra sa
blog na ito... tanga!
Hindi ako fan ni Stanley Chi dati. In fact, naisip ko nun
na “sino ba ‘tong Tsinoy na ‘to?” Suplado ba masyado ang dating? Maari, kung
pagbabasehan mo ang statement na iyan (pero utang-sa-boundary, magbasa ka naman
muna bago manghusga no!) Una, noong naispatan ko siya sa event ni Ramon
Bautista, at salamat sa tropa ko na may halos sing-interes ng utak na tulad sa
akin at nalaman ko na “ahh, siya pala yun.” Nakakatawa nga e, noong una ko
siyang napansin e suplado pose din ang pictorial peg niya kasama ang sandamukal
na mga lalake at nag-iisang babae na nakatingin lang sa camera nun.
Positive lang.
11:39 AM | 02/11/2013
psyblogger.com |
(Maliban sa mga usaping tulad ng pregnancy test, ha?)
Hindi ako isang sikolohista o ni isang eksperto sa anumang
larangan. Bagkus ay ang mga ilalahad ko lang dito ay resulta ng aking
obrserbasyon sa lipunan at sa tingin ko ay ang aking posibleng maiambag o
maitulong sa sinumang magbabasa nito.
Sa lipunan na kung saan ay naglipana na ang mga negatibong
bagay at ideya, isang bagay lang ang tila gamot sa sakit o ang solusyon sa mga
nagbabagang hinaing. Ang maging positibo ang pananaw sa buhay. Yan ay kahit sa
kabila ng mga hindi magagndang nangyari sa ating buhay.
Sabagay, ito ang kailangan ng tao lalo na kung lagi niyang nararanasan
ang mga ito.
10 February 2013
Vice Ganda's 2010 Election Jokes.
10:42 PM | 02/10/2013
Flashback to 2010. Hindi ako fan ni Vice Ganda, at aminado
ako na hindi na ako masyadong fan ng kanyang “makapilosopong-babaw na jokes”
(na nauso salamat sa Showtime at natampok sa Vice Ganda Syndrome ni Juan
Mandaraya).
Pero mas trip ko ang mga komedyante na bumibitaw ng satire
comedy jokes. Tulad nito, ang simpleng pamimilosopo sa mga sa mga tagline ng
mga campaign ads sa mga pulitko, lalo na umaakma ito sa panahon ng eleksyon
noon.
Ang ilan sa mga kataga na binitawan niya sa videong ito na
kinunan sa gig ng nasabing komedyante sa Islang Cove at inupload sa YouTube
channel ni Ivan Sinsin noong Abril 27, 2010 ay mga ito...
Playback: Sino Si Ramon Bautista? (Yung Pogi)
02:28 PM |
02/10/2013
Well, maiba
naman tayo, ito ang nasa aking spotlight ngayon. Magkahalong intellectual wit, pop
culture, at rap music (na parang may pagkanovelty pa ang dating) ang aking nasa
primerong listahan ngayon. Ayo slang ito kesa naman sa mga pautot na nakikita
ko sa mainstream talaga no?
Hindi lang
ito usapin ukol sa pagiging Pogi o Tunay Na Lalake.
Video: Sino Si Ramon Bautista? ('Yung Pogi) Official Music Video
Teka, sino
nga ba si Ramon Bautista? Yung Pogi!
09 February 2013
EDSA After 27 Years... anyare?
11:29 AM | 02/09/2013
Halos 27 na
taon na mula noong naganap ang isa sa mga nag-iwan ng matinding marka sa kasyasayan
ng mga akto ng rebolusyon sa ika-21 siglo, hindi lang dito sa Pilipinas, kundi
sa buong mundo na rin.
Pero, ano
na nga ba ang nangyari sa ating bansa?
EDSA after
27 years... anyare?
08 February 2013
“LIKE” CONTEST.
04:42 PM | 02/08/2013
Hindi na kataka-taka na mula pa noong unang nauso ang social
networking site na Facebook sa ating banse, e ang salitang ito ay lumalabas sa
news feed at ultimo mga message mo.
“Palike.”
Mula sa status na patama-sa-kanyang-exboyfriend hanggang sa mga
“photo contest” (yung maraming like by deadline e panalo na) hanggang sa mga
link ng artikulong binasa, sa mga page na panay kababawan lang ang pinopost, sa
mga “cause”....
...hanggang sa mga kundisyon ng kanilang mga magulang!
Subscribe to:
Posts (Atom)