Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

08 March 2013

Kwentong Monthsary.

03/08/2013 | 11:16 PM 

Photo credits: (see above)

Monthsary. Isa sa mga nausong salita sa panahon ngayon. Isang salita na ginagawang big deal sa konstekto ng relasyon.

Monthsary? Parang month or 1/12 version lang ng salitang “anniversary?” Oo, meron pa nga d’yan e “weeksary.” Pero parang ang sobrang OA naman nun. Parang tinataningan mo sa bilang ng linggo lang ang pagsasama n’yo. Over-romantic much?

Pero bakit nga ba nauso ang salitang “monthsary?” Anak ng pating naman, e salita lang naman ito para sa mga hindi sobrang babaw at hindi sobrang pusok na nilalang sa pag-ibig ah?

The Comical Problem on the Philippine Primetime TV Nowadays.



12: 53 PM | 03/08/2013

“Is the Philippine comedy dead?”

Yan ang isang tanong na pumasok sa isipan ko matapos ko mapansin ang ganitong bagay. Una, panay romantic bullshits na ang umeere sa primetime slots. At pangalawa, masyado nang madrama at nega ang karamihan, dala ng pagtutok sa TV (siyempre, naiimpluwesyahan e lalo na kapag either nakakarelate sila o no choice dahil yun lang ang matinong reception). Karagdagan na lamang na dahilan ang pagpanaw ng mga alamat sa industriya ng pagpapatawa sa telebisyon tulad nila Palito, Redford White ang Hari na si Dolphy, at iba pa.

Kasabay kasi ng pag-usbong ng mga romantikong telenovela at teleseryeng may pantasya ang tema ay ang tila pagkamatay ng mga sitcoms. Kung dati panay gabi-gabi mo sila nakikita, ngayon ay weekend na lang sila nagpapakita sa ere. Kung dati nasa lugar ang pagiging wholesome, ngayon alaws na. Kung dati, may mapapanood ka na may pahapyaw na kumento sa isyung napapanahon, ngayon sa balita ka na lang makakakuha. At kung dati ang titindi ng patawa, ngayon panay mas mababaw pa sa pamimilosopo at slapstick na ang napapansing taktika.

Kaya minsan, ito pa ang karagdagang tanong ko. “Bakit dapat ibalik ang mga situational comedy programs sa primetime?” at ito rin ang mga sagot ko.

07 March 2013

Chicks ang isang broadcaster kapag...

11:50 PM | 03/07/2013

Ito ang napala ko sa kakatingin sa ilang mga memorabilia sa dekada ’80. Akalain mo, ang mga seryosong personalidad sa paghahatid ng balita, mga mala-beauty queen din pala nun? Tulad ng napanood ko na isang episode ng Goin’ Bananas (na umere sa Studio 23 noong Huwebes ng tanghali bilang parte ng Tawa Way Zone ng Jeepney TV timeslot) na kung saan ay tampok na guest nun ang mga babaeng anchor ng TV Patrol na si Angelique Lazo at Korina Sanchez.

At kung ihahambing mo ito sa kaasalukuyan, hindi mo mahahalata sa mga ‘to ang itsura nila tulad nooong isang commercial ng dating TV news personality ngayo’y senador Loren Legrada. Aba.
Kung panahon kasi ngayon ang pagbabasehan, halos wala kang makikilalalang news anchor na nasa late 20s pa lang. Madalas mo na lang mapapansin ang mga tsikas sa news department kapag reporter ito sa samu’t saring mga beat.

Kaya ito lang ang aking napagtanto, ang mga senyales na chicks ang isang broadcaster sa TV. Kapag...

06 March 2013

Silang mga mapanghusgang tanga.


12:31 PM | 03/06/2013

Ika nga ng kasabihan, “Ang lalakas ng taong manghusga, pero bulag naman sila sa sarili nilang kamalian.”
Grabe lang ano?

Oo nga, ang lalakas nilang manghusga. So sobrang tindi lang nila, hindi na tatalab sa kanila ang kasabihang “Don’t judge the book by its cover.” Sabagay, Dahil mga tao nga naman sila at hindi sila libro. Kung makapanumbat ng salita sa kanilang kapwa, akala mo siya lang ang anak ng Diyos, siya lang ang itinalagang sugo ng kani-kanilang mga anito, mga tao kung tawagin ay “prodigal son” kuno. Mga perpektong nilalang bang maituturing? Ewan.

Ito siguro ang mahirap sa mga taong hindi makontrol ang kanilang mga bunganga porket Malaya silang nakakapagsalita o ni maglahad sa papel o internet.

Mga taong dinaig pa ang mga komedyante (straight man o bading) kung manlait. Mga tao kung makapuna dinaig pa ang mga kritiko. Mga kung akala mo ay mga husgado, hukom o ni mahistrado sa Korte Suprema kung makapagbigay ng hatol. Mga taong ang lalakas manghusga...

The “Cyber-Big Brother” Mentality

03/06/2013 12:35 AM 
 
Pwede rin itong pamagatan bilang the “Paparazzi Syndrome.”

Ang mundo ngayon ay parang isang malaking bahay ni Big Brother – lahat may camera, lahat may capable na gumawa ng sariling video at YouTube channel, lahat may karapatn bilang maging isang “citizen journalist (kuno),” at lahat ay may karapatan para magkaroon ng sariling pangalan (as in maging celebrity ba). At kung hindi man lahat ay ganito, e di “karamihan.”

Ayos na sana e, lalo na kung sa kabutihan ito ginagamit ng mangilan-ngilang tao, o kung worth it naman ang anomalyang expose mo (yung tipong may surveillance shot ka ng isang “jamming session ng mga adik sa ipinagbabawal na droga). Kaso, may mali lang sa pagiging a la Big Brother kung ito’y wala sa lugar. Marami ang mga umaabusong nilalang. Siguro kating-kati sa kanilang mga cellphone at wannabe videographer sila. 

Kaya siguro dapat ay ituro na sa lahat ng bata ngayon ang mga bagay na may kinalaman sa media ethics.
Ang daming mga feelingerong citizen journalist, yung tipong may maipagmalaki lang sa Facebook, Twitter, Tumblr, o kung saang mga websites pa iyan. Parang 'tong mga gagong ito:

05 March 2013

Humiliation on-air.


11:16 AM | 03/05/2013

Hindi ako fan ng sinumang artista ng palabas na ito. Nakuha nga lang ang atensyon ko nito matapos lumabas sa popular feed ng tropa kong si YouTube ang videong ito. 


“YOU DON’T DO THAT TO ME!”


04 March 2013

Just My Opinion: Ang malanding fangirl at mga inskeyurang fangirl.


9:18 AM | 03/04/2013

Pagbigyan n’yo na ako na pasadahan ko ang isang usapin sa showbiz. Hindi sa maiba naman ha? Pero dapat yata e once and for most, may sasaway sa mga mapusok na bata ngayon dala ng panunood nila ng sobra-sobra sa mainstream. Kaya yun, isang halikan ang naganap sa isang singing stint ng isang binatang artista at nagtrend ito sa Twitter, dala ng mga taong hindi makaget over sa naganap.

Ito ang problema sa pagiging malading fangirl, pagiging promineneteng pigura (ha? Talaga lang ha?) sa panahon ngayon, at pagbibigay ng media ng sobra-sobrang hype at atensyon sa showbiz news.
Isa sa mga biglang sumulpot na hashtag sa trending list ng Twitter sa Pilipinas ang #RespectDanielPadilla at dahil nacurious bigla ang inyong lingkod (dahil ano na namang pautot ito, mga jeje’t sobrang mainstream na nilalang, ha?) at dito ko nalaman ang istorya.

26 February 2013

Tales From the City Lights: Sleepless nights at Eastwood City – 1: Graveyard shift.


04:09 AM | 02/26/2013

Babala: hindi ko nilalahad sa blog na ito ang pangakalahatan ng lifestyle ng mga nagtatrabaho sa graveyard shift. Dahil una, magkakaiba kami ng trabaho; Pangalawa, iba-iba kami ng kumpanyang sineserbisyuhan; Pangatlo, magkakaiba kami ng oras kahit pareho kaming nasa graveyard shift; at pang-apat,  magkakaiba ang aming mga pagkatao. At panglima, kung hinuhusgahan mo kami masyado, nagkakamali ka sa inaakala mo – TANGA ka lang talaga.

Lunes ng gabi, panibagong linggo para maghanap-buhay at ito na ang hudyat ng panibagong oras sa aking pagtatrabaho – ang graveyard shift. Sa totoo lang, sanay na ako sa puyatan bagamat aminado ako na sa malamang e mag-aadjust pa rin ako sa gusto ko at sa mas gugustuhin ko.

25 February 2013

Silang Mga Mapang-Abusong Demokratiko.

12:42 PM | 02/25/2013

Abusado ka masyado e. Ayan tuloy.

Ang daming naganap sa rehimeng hindi makakalimutan ng bawat Pilipino na nabuhay noong dekada ‘80, mula sa isang marahas na diktadurya hanggang sa snap elections hanggang sa nadaya diumano ang resulta, hanggang sa isang napakalaking pakikibaka sa kalsada na kung tawaging ay Epifanio Delos Santos Avenue, hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang isang diktadurya at naibalik ang demokrasya sa ating bansa.
Pero, dalawampu’t pitong taon na ang nakalipas... at ano na nga ba ang nangyari mula pa noong Pebrero 25, 1986, maliban sa nagging over-crowd ang EDSA dahil sa MRT, naglipanang mga mall, condominium, nagtataasang mga billboard at pasaway na mga drayber?

Oo nga, anyare? Hindi naman yata tayo natuto e.

22 February 2013

“Who’s to blame?” (Just My Opinion: Political Drama)


01:57 PM | 02/22/2013

Sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos at sa gabi-gabing umiikot ang mundo, ito na lang palagai ang isa sa mga nilalaman ng mga balita: Ang dramatikang eksena sa pamumulitika, bow.

Si Senador Juan, tinira ni Senador Maria. Sa kabilang banda, nagkaroon ng resbakan at kampihan sa kani-kanilang panig mula sa hanay ng mga Kongresista hanggang sa mga Gabinete. At ano ang pinag-aawayan? Mula sa mga pondo sa proyektong di matapos-tapos kahit ang kontrata’y nagkakaupos na sa pagkakapaso, hanggang sa mga walang kakwenta-kwentang bagay tulad ng mga isyu na labas na sa mga argumentong tinatalakay, hanggang sa mas lalong personal na sumbatan, bangayan, trashtalk, laglagan sa partido, lipatan ng kampo, at iba pa.

Kaya tuloy ang dating e hindi masyadong magaling sa pakikipagtalo ang iilang mga pulitiko. Parang mga ewan lang, kaya tuloy ang mga mamamayan na tumututok sa TV e mas pipiliin pa na manood ng mga telenobela (kahit na mas bullshit pa rin siya sa pananaw ko). Ke “pare-pareho lang naman sila d’yan e.” O hindi naman kaya ay “asus, eksena lang ang mga yan! Para may mapag-usapan na naman!” O kung anu-ano pa.

Pero sino ba ang dapat sisihin sa mga ganitong kaganapan sa pamahalaan?