Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

04 April 2013

First Quarter Storm – 4


4:46:09 PM | 4/4/2013 | Thursday

Ano ang mga in na balita? Alin naman din ang mga wlaang kaato-atorya? At sa aking pagratsada muli, narito ang aking pasada ng mga tirada sa ika-apat na installment ng aking pinamagatang First Quarter Storm.

Anti-Bullying Anthem.


6:44:27 AM | 4/4/2013 | Thursday


“Hindi lahat ng mahina, nananatiling mahina. Hindi lahat ng malakas, palaging malakas. Hindi lahat ng mahina, mananatiling mahina. Mata mo’y iyong buksan, bumangon ka’t makialam.”

Hindi ko mawari kung paano ako nabighani sa boses ni Zia Quizon sa pagkanta ng chorus part ng kantang ito. Pero mas namangha ako sa mensaheng dala ng mga rap ni Gloc-9. Naglalarawan ng mga masasalimuot na karanasan ng isang batang tahasanag nilalait, inaalipusta, o sinisindak ng kapwa niyang kamag-aral. Kung ano ang epekto nito sa kanyang buhay, at pakikitungo sa tao. Sa sobrang lakas lang ng pangtitrip sa kanya, ito ay maituturing na isang kaso ng bullying.

Basta ang alam ko lang ay may matitiding mensahe ang nilalaman ng kantang ito. Parang pakikibaka ba? Oo, pero isang matinding hakbang laban sa hindi matapos-tapos na pakikidigma sa kaso ng paninindak.
Nagsama ang dalawa para sa isang awitin na may pinaparating na mensahe mula sa isang organisasyon na may adbokasiyang labanan ang pangbubully.

02 April 2013

First Quarter Storm - 3


5:27:20 PM | 4/2/2013

Sa nakalipas na tatlong buwan, ano ang mga balita na masarap pag-usapan at ang mga balita na hindi na dapat pang umaalingawngaw sa ere? Narito na ang aking pasada ng mga tirada ukol sa mga maiinit at mallmig na kaganapan sa unang tatlong buwan ng taong dos mil trese. (In no particular order)

First Quarter Storm - 2


4:43:09 PM | 4/2/2013 | Tuesday


Sa nakalipas na tatlong buwan, ano ang mga balita na masarap pag-usapan at ang mga balita na hindi na dapat pang umaalingawngaw sa ere? Narito na ang aking pasada ng mga tirada ukol sa mga maiinit at mallmig na kaganapan sa unang tatlong buwan ng taong dos mil trese. (In no particular order)

First Quarter Storm - 1


3:38:39 PM | 4/2/2013 | Tuesday

Sa nakalipas na tatlong buwan, ano ang mga balita na masarap pag-usapan at ang mga balita n hindi na dapat pang umaalingawngaw sa ere? Narito na ang aking pasada ng mga tirada ukol sa mga maiinit at mallmig na kaganapan sa unang tatlong buwan ng taong dos mil trese. (In no particular order)

31 March 2013

Matapos ang Pagpepenitensya...


12:09:28 PM | 3/31/2013 | Sunday

Well, tapos na ang panahon ng pagluluksa. Tapos na ang panahon ng pamamanata. Nabuhay na ulit si Jesus Christ. Magbubunyi na naman ang sangkatauhan. May Easter egg pa na kasama. Buhay na naman ang negosyo, opisina, at mga himpilan ng radio, TV at pahayagan.

Kaso, ang tanong... matapos ang Lenten Season, ano na ang mangyayari? Babalik ka ba sa dating gawi? Natural, pero sa dating gawi na hindi na ka na naman magsisimba? Gagawa ka na naman ba ng kalokohan? Mambabalahura ka naman ba sa iyong kapwa? Tapos pagdating ulit ng Semana Santa sa susunod na taon e parang mga santo’t santita kung umasta? Bait-baitan na naman ang peg?

Ang plastic mo din ano? Ayos sana kung hindi ka talagang relihiyosong nilalang e. Kaso aasal na parang gago ka na naman tulad ng dati?

28 March 2013

Ampong Hamog

4:57:23 AM | 3/28/2013 | Thrusday

Mapapatawad mo ba ang isang taong kinupkop mo, kung malalaman mo siya rin pala ang kumitil ng buhay ng anak mo?


Naging miserable ang buhay para sa isang Simon Celestino, 49 anyos, mula noong namatay ang kanyang unica hijang si Mariah. Ang dalagita ay napaslang dahil sa hindi niya hinayaan na makuha ng isang batang hamog ang kanyang pitaka nang ganun-ganun lang. Ang tanging alam lang niya ay bata ang nakapatay, pero hindi pa ito lubusang makilala ng otoridad sa panahon na iyun. At hindi rin siya masasakdal kung sakali man dahil sa menor de edad ang suspek.

Halos isang taon na ang nakalipas, pero sariwa pa rin sa alaala niya ang mga nangyari. At naghahanap pa rin siya ng hustisya. Umaasa na darating ang isang araw at makakamit niya ang inaasam na katarungan para sa kanyang lumisang anak.

Isang sabado ng umaga, dakong alas-9 nang nadatnan niya ang batang hamog na si Jimmy, 11 anyos, mababangga  niya si Mang Simon habang tumatakbo at tila hinahabol siya. Nabitawan ni Jimmy ang hawak na cellphone na halatang hinablot niya mula sa ibang tao.

26 March 2013

Kumpisal Ng Isang Nagbabanal-Banalan

11:05:13 PM | 3/24/2013 | Sunday

Iba ang tunay na pananampalataya sa pagiging hipokrito. Hindi porket lagi kang nagsisimba ay banal ka na. Yan ang isa sa mga kwentong aking natunghayan nung minsan ay nagkumpisal at humingi ng payo sa akin ang isang taong saksakan ng pagiging madasalin sa loob-pero-nuknukan ng sama sa labas.

23 March 2013

Enough of Excessive Publicity, please?


9:08:48 AM | 3/23/2013

Ang daming balita na dapat ibalita sa radyo at TV. Ang daming mga pangyayari na dapat bigyang pansin. Ang daming mga sigalot sa lipunan ang dapat masolusyunan. At sa lahat-lahat ng mga istorya na umiikot sa nakalipas na mga araw, bakit ito pa? Ang conflict sa dating mag-asawa? Ang isa ay sikat na basketbolista at ang isa nama’y sikat na personalidad sa tinaguriang “fourth estate.” Ang isa na sumikat sa larangan ng palakasan sa kanyang sariling pagsisikap at ang isa nama’y pinasok ang mundo ng artista kahit siya ay anak ng isang dating senador at isang dating pangulo?

22 March 2013

EARTH HOUR: It’s not just an hour, it’s an attitude.

3/22/2013 2:27:54 PM 

Pasadahan natin ‘to tutal sa (ika-7 taon at sa ika-7 pagkakataon na rin) ay gaganapin ang tinatawag na “Earth Hour.” At magaganap yan bukas, a-23 ng Marso, taong 2013, mula alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi.

Maganda rin ang may mga tinatawag an EARTH HOUR kada taon. Ito rin kasi ang nagbibigay babala sa atin sa mga nangyayari sa ating kalikasan. Na dapat maging aware tayo sa ganun at pangalagahan natin ang ating mundo.

Ayon sa kanilang website, tayo ngayon ay humaharap sa mga kritikal na pangayayari at pagbabago sa ating kalikasan sa mundong ito. Isama mo na ang matinding sigalot na kung tawagin ay climate change.
Unang isinagawa ang Earth Hour sa Sydney, Australia noong Marso 31, 2007. Humigit-kumulang 2 milyon katao ang nakilahok sa pagpatay ng ilaw nun sa oras na alas-7:30 hanggang alas-8:30 ng gabi. At sa sumunod na taon, ito ay idinaraos sa mahigit 35 bansa. Hanggang sa lumago pa ito sa mga nagdaang mga taon. Kasama ang Pilipinas sa napakaraming bansa na lumalahok sa nasabing event.

Pero para sa akin, ang Earth Hour ay hindi lang ginaganap sa isang Sabado sa kada isang taon. Kailan dapat?