7:00:45 PM | 5/21/2013 | Tuesday
Ang feeling rin nila, ano? Pagkaliit-liit lang naman ng
lugar, pero akala mo kung sinong Goliath kung mag-angas?
Pero bakit nga ba humantong sa ganitong kaanghang na
relasyon ang dalawang bansang ito? Minsan tuloy naisip ko, pagkamalas-malas nga
naman ng kasalukuyang administrasyon pagdating sa usaping diplomatika, ano?
Pambihira lang, lagi na lang kasi tayong binubully ng ating mga kapitbahay,
lalo na sa usapin ng teritoryo. At nitong Mayo a-9 ay nasangkot na naman ang
Pilipinas, at sino ang kalaban? Ang bansang Taiwan .