2:27:01 PM 6/25/2013 Tuesday
Ika nga ng Word Of The Lourd, sadyang maiksi
ang shelf life ng mga bagay na may kinalaman sa popular na kultura. Kung mabilis
itong lumutang, mabilis din itong lulubog. Kaya ang tanong natin ngayong araw,
naalala mo pa ba ang isang alamat ng popular na musika? Sino ang tinutukoy ko? Ang
mamang ito lang naman.
Parang kelan lang ano? Naalala ko nun, mag-tse-check
pa lang ako ng e-mail ko nun sa Yahoo nang tumubad sa harapan ko ang headline
na may kinalaman sa biglaang pagkamatay ni Michael Jackson. Kasabay rin nito
ang pagcehck ko sa Fcebook at agad tumumbad sa aking news feed ang sandamukal
na mga post na may kinalaman rin dito.
Pero bakit nga ba naging trending ang
balita ng pagkamatay ni Michael Jackson? Aba, isang batikang singer/songwriter/entertainer/controversial
icon ba naman ang namatay e. Pero, bakit nga ba ganun?
Dapat kasi ay may isa pa siyang konsyerto
na gagawin nun sa London sa taon na rin na iyun. Ang THIS IS IT. Naging isang
documentary-musical ang ilang mga clip sa kanyang rehearsal. Naipalabas ito
noong Oktubre 28, 2009 sa buong mundo. At naalala ko nga na napanood ko pa ito
ilang araw bago matapos ang aking semestral break.