Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

10 August 2013

Must Die or Must Exist: First Half of 2013’s Major Trending Hits.

8/3/2013 12:44:50 PM

Maraming nauusong bagay sa ating mundo kada taon, ke artista man yan, programa, kanta, libro o kung anuman. At narito ang ilan sa aking patutsada sa mga ito. Well, iko-correct ko lang, sa mga pumatok sa unang kalahati ng taon ngayong 2013.

The Perks of Losing Your Job.

7/29/2013 6:06:02 PM

Alam ko, hindi maganda ang dating nito sa inyo. Pero anong pake n’yo anyway? Kayo ba nagsulat? HA?! ‘De. Hindi naman sa ganun.

Kung tutuusin, isa ito sa mga pinakamasakit na pangyayari sa buhay ng sinuman, unless kung talagang trip mong umalis sa trabaho dahil: una, hindi ka na masaya; pangalawa, inaabuso ka ng mga nasa paligid mo; at pangatlo, karampot lang ang sinasahod mo; at pang-apat, iba pang personal na dahilan na ikaw na lamang ang nakaaalam.

Sa totoo lang, ang inyong lingkod ay nakaranas ng matinding depresyon magmula noong nagsara ang kumpanya na pinagtatrabahuan niya. Masakit nga naman. Wala kang kikitaing pera, wala kang pagga-galaan, dadagdag ka pa sa populasyon ng mga tambay sa ating bansa, makikipagsaparalan ka pa sa kalbaryo ng paghahanap ng trabaho, kukutyain ka na naman ng mga matapobre sa paligid, at kung anu-ano pang hindi magagandang bagay na posibleng maranasan mo.

Pero sa totoo lang, walang maidudulot na maganda kung maglulupasay ka sa sitwasyon mo. Walang maidudulot na maganda ang pighati, sakit ng ulo, luha at kung anuman. Magugutom ka lalo, mapaparanoid, baka nanaisin mo na lang na suntukin ang bakal na pader dyan. Kung hindi man, baka kumapit ka sa patalim, bagay na ayaw na ayaw ng konsensya mo.

05 August 2013

Ang Scandal At Ang Pagiging Tunay Na Lalake ni Chito Miranda


8/5/2013 1:47:06 PM

Isa sa mga matitinding problema na posibleng makasira sa pagsasama ng ating mga karelasyon ay ang pagkakalabas ng isang “sex scandal.” Ito ang realidad ng buhay: marami ang nahihilig na panoorin ang bidyo ng pagtatalik ng dalawang magkasintahan; pero pag ikaw ang pinagpepyestahan, sa malamang ay baka mahiya ka nang sobra-sobra sa buhay mo.

Buti pa si Alfonso “Chito” Miranda Jr. e. Isang tunay na lalake kahit na malaking pagkakamali ang nagawa niya sa panahon ngayon. Ang pagkalat ng sex video nila ng kanyang girlfriend na si Neri Naig.
 
screen grab mula sa instagram account ni Chito Miranda
Bakit ko nasabi na isa siyang TNL? Simple lang. kahit hindi niya kasalanan ang lahat, umamin siya ng paumanhin. Humble kung maituturin. Mapagpakumbaba. At makikita ang menshae ng kanyang paghihingi ng paumanhin sa kanyang instagram account.

Aftermath Of A Loss

8/5/2013 1:28:59 PM

Pag-usapan nga natin ang nangyari noong Sabado, Agosto 3, 2013. Natalo ang Pilipinas sa Chinese Taipei, ang isang laro sa FIBA Asia Championship na tula may halong pamumutika ang tingin ng magkabilang bansa. Come from behind ang resulta pabor sa CT, 84-79. Yan ay sa kabila ng palitan ng malaking kalamangan sa pagitan nila sa unang tatlong quarter.

Double-Sided Tape: PNP

8/5/2013 12:51:17 PM

May dalawang mukhang hinaharap ang PNP. Ang isa’y papuri, habang isa naman’y malaking dagok sa kanilang reputasyon.

Just My Opinion: BOC Corruption

8/5/2013 1:07:11 PM

Saan kayo nakakakuha ng kapal ng mukha?” Yan ang isang matunog na bira ni P-Noy sa isa sa mga tiwaling grupo sa kanyang pamhalaan – ang Bureau of Customs. Walang pakundangan na tinira niya ang BOC sa kanyang State Of The Nation Address nitong Hulyo 22, 2013.

Pacquiao For President? WHAT?!

8/1/2013 12:49:08 PM

Tama. Ang isang batikang boksingero na naging kongresista, may planong tumakbo bilang pinuno ng bansang Pilipinas sa 2016. Tama, ang tinaguriang pambansang kamao at ang dati rin na binansagang “pound for pound king” na si Manny Pacquiao, ay nagsalita na possible raw siyang tumakbo bilang Pangulo ngating republika sa susunod na national elections.

ANO?! What the hell? Seryoso?!

Nagbibiro ka ba? Hindi, at kahit biro man 'to o hindi, alam ko... ang corny.

04 August 2013

Patok o Bulok?: Genelyn Sandanga’s Covers

8/4/2013 1:48:17 PM

Isang internet sensation na naman ang naging matunog sa mga netizens. Halos lahat sa mga ito ay may say sa isang Genelyn Sandanga at ang kanyang mga covers sa YouTube. All for fame’s sake, ika nga. Naging viral hit ang kanyang mga videos sa naturang kilalang video streaming site, at pati na rin sa Facebook.


Pero, bakit nga ba naging viral hit ang babaeng ito? Dahil ba sa kanyang pagkanta? Well, yun naman ang kadalasang talento ng mga nagko-cover ng mga kanta e. Subalit, anong meron sa mga ito? Sinilip ng inyong lingkod ang ilan sa mga cover niya at ito lang ang aking mga napagtanto.

Just My Opinion: Manila Bus Ban

7/29/2013 3:26:08 PM

Noong nakaraang linggo, inimplementa ng pamahalaan ng lungsod ng Maynila ang isang “bus ban.” Naglayon ito na ipagbawal ang pamamasada ng mga pamapasaherong bus sa naturang lungsod kung wala itong mga terminal. Ibig sabihin, ang mga bus na ang ruta ay naapektuhan ng naturang ordinansa ay hindi makapapasok ng lungsod. Hanggang city boundary lang sila, tapos ba-byahe na sila pabalik sa kani-kanilang mga destinasyon, ke Cavite man yan, Fairview o Cainta.

02 August 2013

The Problem with SK?!

8/2/2013 11:29:05 AM

Sinabi na ni Rizal noon na “Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.” Pero alam mo, kung buhay pa siguro ang mamang ito, baka magbago ito ng pananaw tulad ng sinuman sa atin na naging kabataan at nagmamasid sa kabataan.

Teka, ano nga bang problema sa Sangguniang Kabataan? Sinasabi na dito na rin nag-uugat ang corruption sa ating bansa. Simula sa kabtaan sa baranggay, na umuusbong pa diumano hanggang sa lokal at national level ng pulitika.