Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

08 June 2012

Isang liham ng aking pag-ibig para sa isang nagngangalang "Happiness."

06/10/2012 1:34 PM


Dear “haps,”

Kumusta ka na? Sana nasa maayos ka na kalagayan. Alam ko na abalang-abala ka pag-aaral mo, at hindi mo prayoridad ang mga bagay na ukol sa pag-ibig. Ayos lang, makakapasa ka sa board exam mo. Naniniwala ako na kakayanin mo ang lahat-lahat ng pinagdadaanan mo, at hihintayin ko ang panahon na iyun.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ko nasulat ito. Kakaiba lang, kasi hindi naman ako sumusulat ng mga istoryang may kinalaman sa pag-ibig. Ni literal ang pangit ng sulat-kamay ko nung nilalapat ito sa papel. At walang arte-arte di tulad ng ibang naka-stationary set, ito?Nasa gusgusing yellow paper at antigong Word document.

Nagkamalas-malas ang halos lahat sa akin nun. Mag-iisang taon mula nung nagtapos ako ng pag-aaral pero hanggang nung panahon na yun e wala pa rin akong trabaho. Nababalisa din ako kasi nag-iisa akong namumuhay sa probinsya nun. Hanggang sa minsan napauwi ako ng Maynila, tinawagan para sa isang interview, at inaantay ang panahon na uuwi ako ng Bulacan matapos nun.

Akalain mo, sa lahat-lahat ng possibleng lugar na makilala kita, sa Facebook pa. Ni hindi nga tayo nagpapansinan noon? (Sino nga ba ako, di ba, kundi isa lang sa mga online tropa ng dating boyfriend mo?) Hindi ko alam kung anong nakain ko at bigla akong tinamaan sa iyo, nung nagsimula tayo sa wall-to-wall na usapan isang Sabado ng umaga, Marso a-31 nun, ilang araw mula ng pagkagradwyet mo sa pag-aaral nun. Hanggang sa mga sumunod na araw at gabi, nauwi sa pagtetext, hanggang sa madamagang tawagan. Kulang na lang talaga, ang magkita ng tuluyan.

Hindi ko nga inaasahan na may magkakagusto at mahuhulog pala sa akin e, magmula nung minsan sinendan mo ko ng mensahe sa Facebook na tila kakaiba para sa isang na babae na magpahiwatig ng ganung nararamdaman (sabagay, kahit naman ako e hindi rin naniniwala sa online romantic relationship nun e). Nung una, hindi ko mawari yan, pasikot-sikot kasing yan. Hanggang sa dumating ang mga sumunod na araw at pag-uusap nating dalawa.

Aminado ako, ganun din ang nararamdaman ko sa iyo bagamat napapangunahan ako ng takot. Hindi na ako natahimik, pero mula nun, nakakangiti ulit ako ng tulad ng dati. Tulad nga ng pangalan mo, ikaw ang kasiyahan.  Kung banatan ang usapan, parang Coke, ikaw ang “happiness” ko.
Akalain mo oh, hindi ka nga nagkamali sa pag-assume mo, kasi aminado ako na nag-assume din ako.
Ang tagal kong inaantay ito bagamat hindi ko pinagtutuunan ng pansin ang buhay pag-ibig noon. Siguro dala nung mabasted ako limang taon na ang nakakalipas at nagiging busy na rin ako sa mga makamundong bagay mula noon. At kung may naramdaman nga sa iba, nawala rin ito bigla. Kaya ayun, mula pagkapanganak, namuhay na salat sa pag-ibig na inaasam.

Ikaw lang ang nagpatunay sa akin na mali ako. Hindi pala ako anti-romantic na tao. Siguro sadyang malalim lang talaga ang madalas nilalaman ng utak ko, at dun mo yata ako nakilala at hinangaan. May taong magmamahal pala sa akin na tulad ng ganito. Ang pagkakalaam ko lang kasi e mga kaibigan, kapamilya at kamag-anak lang ang magpaparamdam sa akin ng pagmamahal. Akala ko wala…. Hanggang sa dumating ka. At wala kang kasalanan dun ha? Wag mong sisihin sarili mo.

Marami sana akong gustong ipahiwatig sa iyo, maliban pa sa mga banatan at kwentuhan natin sa telepono at pagmention ko palagi sayo sa kada pagtitweet ko ng mga ganyang kataga sa Twitter. Ni hindi ko alintana ang distansya ng ating mga lugar na kinatitirikan at mga bagay sa ating dalawa, o ang mga bagay-bagay na nakakapagpa-busy sa ating dalawa.

04 June 2012

Kalandian Nga Ba?

06/04/2012 09:43:00PM

Minsan ako nagmasid sa mga bagay-bagay noon. At sa unang pagkakataon, bigla akong na-culture shock. 

Hindi Lahat Ng Mga Lalake Ay Manloloko

06.04.2011 | 03:31 pm 

Babala: Ang mababasa niyo po ay isang akda na naglalaman ng napakasensitibong usapin at matitinding tirada. Wastong pag-unawa ang kinakailangan.

30 May 2012

Vintage.


Vintage.

I just can’t imagine how the San Antonio Spurs made another stunning run at the game 1 of the Western Conference Finals against a perennial contender named Oklahoma City Thunder.
They won 19 straight, something that is quite not familiar to the team that had been relying on the key veterans. Maybe experience helped them winning it.

I have to admit, when these two teams about to squared up in the said stage, I have to pick the younger Thunder squad over Spurs. Hmmm…. maybe because they can outrun the defensive team and not to mention, Kevin Durant scored in various and even mysterious ways. How many times have he nailed a game winner despite the outstretched arms of his opponent? How athletic can he be when he gets banged up in the air and still throws it down? Wow.

Playback: Loonie – Tao Lang

05/29/2012 10:24 AM


Honestly, I don’t know why the hell I am making another review. From rap battles to a movie and now to one of the songs that I am having a so-called Last Song Syndrome. And maybe I’m jumping the hip-hop bandwagon after this song had struck into my mind for some time lately. Well, who cares anyway? I used to dig rap since childhood.

Loonie came up with a new album after huge hits in his FlipTop battle videos turned him from an underrated star into a perennial battle master with undefeated on his individual record, and still competing with another legit star Abra on dos por dos tournament. And one of its tracks that caught my attention is “Tao Lang.”
Well, forgive me for raping the playback button after hearing this track which he has collaboration with RnB star Quest entitled Tao Lang for the first time when I was browsing around YouTube lately.

Second single after “From Saudi with Love” featuring AJKA’s female vocalist, Tao Lang speaks different. Maybe that is the type of the song that I wanted to hear for most of the time. Something that tackles human nature and the story behind, err, something that can motivate me to do something (nah, maybe the same title of Michael Jackson or Kyla track but I’m more pertaining to the meaning).

So, I took the free download off the website soulfiesta.blogspot.com and tried listening to sometime.
Each stanza has its own different story. 

26 May 2012

Going gaga on Lady Gaga?

Hindi ako fan ng popular na musika, pero hindi ko rin maituturing ang sarili ko na “hater.” Teka. Isang pasada muna sa mainit na gaga.

Kamakailanlang ay naging mainit ang pangalan ng international artist na si Lady Gaga matapos akusahan ng iba’t ibang mga grupo at personalidad na tila “Satanic” daw ang nasabing mang-aawit. Ayon sa isang post na nahanap ko sa Facebook, pinopromote daw ni Lady Gaga ang kanyang album na “Born This Way” na tila naghihikayat di umano sa mga tagapagtangkilik nito ng imoralidad sa sekswal na aspeto. (source: https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150789508806568&set=t.574739689&type=3&theater)

17 May 2012

Salpukan sa NAIA

05/17/2012 | 12:21 p.m

Kaya pala nagtataka ako kung bakit nagtrend ang pangalan ng nakaktandang utol sa Twitter nung araw na yun.

May 6, 2012. Linggo ng tanghali nun, sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, may magulong insidente na kinasangkutan ng isang mamahayag at mag-asawang artista.

Napakagulo nga lang ng mga istorya para malaman kung sino talaga ang nagpasimuno ng komosyon, bagtamat sa isang kumalat na bidyo sa YouTube, pinagtulungan di umano ng grupo ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago ang beteranong mamahayag na si Ramon Tulfo. At ang mga pinakaugat ng insidente? Ang reklamo ni Claudine sa isang staff sa Cebu Pacific at ang pagkuha ng mga litrato ni Mon sa nasabing pangyayari.

Napakakumplikado lang para maikwento bagamat mas lumala pa kamo ang sigalot pagkatapos ng isang napakainit ng Linggo ng tanghali nun.

Everyone chokes.


Let’s face it, people of the NBA fan community. Everyone chokes.

I think every playoff time there will be a player who will step up their game level at the start, but to falter in the end. After all, they were human. Not everyone’s a perfect athlete that will guarantee wining games and championships at will.

16 May 2012

When a bull lost its rose.

Just a piece of observation on the series though I never witnessed everything game per game.

When Derrick Roses loses himself to injury at the very first game of the 2012 National Basketball Association Playoffs, it changed the fate of his team and the entire competition on the Eastern Conference.

Chicago Bulls was known for a championship contender before, especially when they had their MVP on their lineup. They even win games during the time he’s at sick bay though. But the fact that this is playoff time, the intensity level rises, players mature even and every one’s fighting at a higher risk.

13 May 2012

Ang Ugat ng Mga Tunog na Kabaduyan

01:45 PM | 05/05/2012

Sa panahon ngayon, madalas mapapansin mo sa radyo ang mga ganitong bagay. Musika na ang genre ay love songs, novelty pop, at kahit papano’y may halong r-n-b at rock, pati na rin ang dance music na ibang-iba sa mga tipikal na trance at house music. Isama mo na dyan ang mga contest sa radyo, sponsored na events, mga practical jokes, at mga DJs na ibang iba na sa mga tipkial na napapakinggan natin noon.

Memories Of An Old Summer Love

05/13/2012; 07:30 a.m.

March 31, 2007. It was then a sunny Saturday afternoon, just 2 days after my high school graduation. A kind of feeling that says “Yes! I’ve finally get over the hump.” Well, at least, for a while I did. My parents set us up a graduation party at our other place in Bulacan because 3 of us 4 siblings did already graduated from a certain level of schooling (with the eldest finishing Tourism course in college, me on high school, and the youngest at pre-school). But out of all the guests that my parents invited to come, there’s this certain girl whom made me felt something better for the first time in my life. I even thought that I could be infatuated then since relationships started from that aspect anyway (even if at some cases, things ended up making love at his or her bed). Yes, I’ve fallen in love.

07 May 2012

Disiplina vs. Demokrasya

05/07/2012 12:32 PM



Minsan naisip ko ito: "Ang kalaban ng DISIPLINA ay ang DEMOKRASYA." 

Bakit? Ewan ko. Napakakumplikadong suliranin lang naman. Dulot ng magulong sistema, at sobrang layang mga mamamayanan. Hindi matantsya kung saan sasakto sana ang lahat para tumino naman tayo.

04 April 2012

"FIRST" Ka Nga Mag-Comment, Eh Ano Naman Ngayon?

04/04/2012, 06:01 PM

Ito ay isa sa mga pauso ngayon sa mundo ng social networking (minsan pa nga e sa iba pang mga websites) makikita ito sa comment thread ng isang post o di naman kaya’y sa isang artikulong nakalathala sa isang website o di naman kaya’y mga video sa YouTube.

Ang salitang FIRST. Sa dating pa lang, superior na. Paano kasi, una. Mabilis pa sa alas-kwatro. As in, nauna lang siya magkumento. At masaklap nga lang, e yun din lang ang nilalaman ng comment niya.

31 March 2012

Ang Mga Bagay Na Mamimiss Ko Sa Pansamantalang Pagkawala Ng Impeachment Trial

03/31/2012 09:30 AM

Actually, parang mali nga yung term na “pagkawala.” E di let’s say pagka-suspend (or pag-adjourn, rather) ng trial. Problema ba yan? Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ko napag-isipan na isulat ito. E hindi naman ako pala-tutok palagi sa impeachment trial. In fact, sa mga newscasts lang ako nakakakuha ng mga update, samantalang maraming available dyan sa free tv ng mga coverage ukol sa pag-i-impeach sa punong mahistrado ng Korte Suprema na si Renatio Corona. Sabagay, nung una kong pinanood ko ang mga yun, most of the times nung coverage e parang ang boring naman. Pero may pagkakataon talaga na parang mabubulatlat na lang ng bunganga ko na “ay, mali ako.” May exciting part din pala, at hindi ko tinutukoy ditto ang mga paglantad ng mga testigo, mga ebidensya, at kung ano pa.

Minsan ako nagpost sa account ko sa Facebook ng 5 bagay na mamimiss ko sa pag-adjourn ng impeachment trail ni Chief Justice Renato Corona. Buti na lang, naretrieve ko ang mga yun. Pero hindi ko na lang gagawan ng pamagat na “5” dahil may mga honorable mention e (besides, parang iilan lang naman yata talaga ang mas madalas kong nakikita). Pero same idea pa rin e. ewan ko mga tol, pakiwari ko lang yan, ha?

27 March 2012

Why Sorry, Jimmy?

03-27-2012 | 04:06 PM

Papasadahan ko lang ito. Nag-alburoto na naman ang halos lahat ng netizens ng Pilipinas noong lumabas ang video ng isang nagngagalang Jimmy Sieczka. Ang ginawa lang naman ni Sieczka ay “20 things I dislike about the Philippines.” Isa sa dalawang bersyon niya ng mga feature na palbas ukol sa Pilipinas (ang isa naman ay 20 things I like about the Phiilippines.)At dahil nga umani ito ng sari-sari pero madalas ay negatibong remarks sa internet, halos i-kunsidera na ng isang konsehal ng Cebu City bilang “persona non grata.” Pero hindi nito itinuloy at sa halip, humingi ito ng paumanhin ang taong ni Sieczka via sa kanyang video sa Channelfix.

Bagamat marami ang tumuligsa sa taong ito, marami rin naman ang nakakaintindi. Marami nga naman ang dapat ayusin sa bansang ito. Hindi naman pwede sa lahat ng oras ay maganda lang ang nakikita natin. Kung may pangit dyan, ano? Magbubulag-bulagan tayo? E ba’t pa tayo nanonood ng mga balita kung ganun din naman e, marami rin naming negatibong pangyayayri dun?At ito pa, dapat nasa lugar ang ating “pride” bilang mga Filipino.