Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

02 July 2012

The This-Is-a-Crazy-Planets Experience.






Yes, the title is right even if you argue that there’s something wrong with its last word. There’s a story behind that so make sure you at least reads that (or much better get a copy) before you make any prejudgments per se.

I was once curious on what the hell this book is all about when I first saw the post related to this book on a Facebook page.

Until one fateful day on January 2012, as I passed by at the National Book Store’s Superstore branch in Cubao Quezon City, Lourd’s book is something I noticed the most at one of its stands. Without thinking twice, I bought the copy.

I came home and ended up reading the entire piece in almost the entire day then.

“This is a Crazy Planets” is apparently a book of selected blog posts of the Radioactive Sago Project frontman-slash-TV personality Lourd Ernest H. de Veyra, all of his compiled write-ups can be seen at the website spot.ph dated 2009 to 2011.

As I read the book, few things come into my mind: it’s like… uhm, unexpectedly my imagination runs as if I’m visualizing that every single word that my mind utters, the Lourd speaks as if he’s on another Word Of The Lourd episode airing on either TV5 or YouTube.

25 June 2012

Ang patutsada sa isyu ng opisina’t relihiyon.

Isang pasada sa isang kamakailang mainit na balita. Kamakailan lang ay may panukala ang isang kongresista na ipagbawal ang anumang mga bagay na may kinalaman sa relihiyon sa loob ng mga opisina ng pamahalaan. Ayon kay Kabataan partylist representative Mong Palatino, ang House Bill 6330 ay naglalayon na i-ban ang ang mga gawaing may kinalaman sa relihiyon, kasama ang mga panalangin, misa, pagbababasbas at paglalagay ng mga anumang bagay na tulad ng crucifix, Bibliya, Koran at iba pa sa loob ng mga tanggapan ng gobyerno.

Ayon kasi kay Palatino, ang mga relihiyosong simbolong nakikita sa mga lugar na ito ay tila nagendorse ng isang particular na pananampalataya. Yung ibang empeyado daw e napipilitan daw na umattend ng mga misa at iba pang mga relihiyosong aktibidades ng kanilang mga superiors. Yung iba, hindi makagawa ng mga dapat na transaksyon tuwing lunch break dahil sa nasa misa ang mga kawani nito.

Naging isang mainit na balita na naman to sa iba. Kaliwa’t kanan ang mga taong naglahad ng opinion sa panukalang ito sa mga social networking sites tulad ng Facebook, Twitter at iba pa; at pati na rin sa mga blogs, at diyaryo sa iba’t ibang panig ng bansa.

24 June 2012

MIAMI Heat on total redemption.

One of the most scrutinized teams in the past 2 years; the Miami Heat made all the way to the NBA finals and nailed a championship.

They were barely criticized when they landed LeBron James and Chris Bosh to the South Florida squad join their draft-mate superstar Dwyane Wade, and still failed to manage to take home the championship then after losing to their once-upon-a-finale-rival Dallas Mavericks in the 2011 NBA finals.

Everything has changed then. They faced their finals opponent on their very first NBA regular assignment on Christmas day and won over them. It’s not just a revenge spelling on their acts anymore then, it started a circus run. Going up and down of the first four spots of the Eastern conference and eventually finished at the second spot prior to the post season party.

Sa sobrang luto ng laban....

(side A ng aking opinion ukol sa Pacquiao-Bradley series)

LUTO!!!!!


Yan ang sentimiyento ng karamihan ng mga boxing fans sa buong mundo noong nanalo di umano si Timothy Bradley kay Manny Pacquiao. Na-strip-off-an si Manny ng isa sa kanyang world-record 8 boxing titles sa kontorbersyal na pagkatalo nito sa Amerikanong boxer.

At walang kinalaman ditto ang pagkanta ni Jessica Sanchez sa panig ng Estados Unidos, ha? (wag shunga, mga pare)

Luto nga daw maituturing ang laban, e pano ba naman? Dalawa sa tatlong hurado ang nagbigay ng iskor na pabor kay Bradley, na tila taliwas ito sa mga nakapanood ng laban mismo. Mas lamang pa nga daw ang mga yakap ni Bradley kay Pacquiao. At sa majority ng mga parte o round ng laban e lamang daw talaga si Pacquiao. Ayon na rin yan sa iba’t ibang mga punch stats, pati na rin ang scoring ng media sa nasabing laban.

Teka, statistika ba ang usapan? Ba, ayon sa artikulo ng isa sa aking mga idolo ng si Quinito Henson, taliwas nga sa mga puntos ng hurado ang mga numerong lumabansa performance ng laban. Wala pa nga sa kalahati ng mga nagawa ni Manny ang kay Timothy, mula sa punches landed (253-139), percentage ng accuracy ng mga ito (34-19), more connected jabs (63-51) at power shots (190-108).
(source: Roach calls for investigation, pp. A-33 of the June 11, 2012 issue of The Philippine STAR)

Sa sobrang luto ng laban e nag-alburoto ang mga tao sa social networking sites, mula sa mga ordinaryong tao na first time gumamit ng Facebook hanggang sa mga celebrity na tweet lang ng tweet ng kani-kanilang mga blow-by-blow account sa buhay nila. Ang expresyon nila, pagka-dismaya sa resulta ng laban.

Sa sobrang luto ng laban, ang unang hininging bagay ni Freddie Roach, ang coach ni Pacman? IMBESTIGASYON. Ayon kay manong Freddie, dapat daw ma-expel ang mga huradong humusga sa laban na tila bumura sa malinis na record ni Pacquiao sa nakalipas na 7 taon. Pero hind isinisisi ni Roach ang Kano dun.

Call me maybe?


Call me maybe?

Familiar sa tenga mo no? Aminin mo.

Isa sa mga catchy tunes sa panahon ng pop music ngayon ay ang kanta ni Carly Rae Japsen na “Call Me Maybe.” Teka, ano nga ba ito?Isang kanta ng pagkahumaling ng isang babae sa isang lalake na unang beses niya nakita at napapaisip kung paano siya gagawa ng paraan para mapalapit sa kanya? Hmm…

Sabagay, para nga naman mapalapit ang tao sa kapwa, kailangan may matapang na magpapakilala. May mag-eeffort, in short. Kung babae sa lalake yan, pakikipaglandi ay isang pwedeng makukunsidera na termino. Pero anthem bang kalandian ito? Hindi ah. Grabe naman. Masyado naman yata tayong mapanghusga. Kala mo mga music major.

May konek? Oo, siyempre naman. Kaya nga nagiging hurado ang mga batikang mang-aawit sa isang singing contest di ba? Hindi naman sila instant celebrity na walang pormal na training.

Pero mabalik tayo sa usapan, napakapatok ng kantang ito.

23 June 2012

Lebron nails it. Now what?

This is it. LeBron James finally got his own ring! After that triple double and an insane 3rd quarter run, the MIAMI HEAT were crowned the 2012 National Basketball Association champions. Thanks to that tune of 121-106 score after those 48 minutes in Game #5 of the NBA finals.

Well, let me guess what are those critics and haters of the 3-time MVP will tell. He won MVP and finals MVP.

Ang Litanya ng Isang Desperadong Mangingibig

06/23/2012 09:03 AM

Ayokong itoma ang lahat, hindi rin naman makakatulong kahit mawasak pa ko sa kalasingan. Hindi naman na mababago nito ang takbo ng aking kasaysayan. Isa na nga kong desperadong romatiko sa panahon na ito.

Hindi ko alam kung bakit ganito katindi ang aking nadarama. Siguro dahil matagal na ring tulog ang kamalayan ko ukol sa pag-ibig. At nang dahil sa iyo, nagising ito. Pero linawin ko lang, wala kang kasalanan dun. Ang tagal ko hinihintay ang ganito.

Pero, sa isang iglap na hindi ko inaasahan,  tila nawala na. Wala na naman. Malulungkot na naman ako sa isang sulok. Iiyak. Magmumukmok  sa kada gabing hindi makatulog. Nag-iiba ang estado ng emosyon at pag-iisip. Mababaliw. Masisiraan ng ulo. Mawawalan ng gana. Hindi matiis ang sakit na nadarama. Ilang beses na ko nasaktan, hindi dahil sa iniwan ako, pero dahil sa katotohanan na hindi na naman ako nagtagumpay makalipas ang mahabang panahon.

Na naman? Oo, na naman! (sabay sabunot sa sariling buhok)

13 June 2012

Thunder on a surprise run?

Well, not totally.
The HEAT is on once again for the Miami and Thunder will strike again for the Oklahoma City squad as the stage is set for the National Basketball Association finals game 1 today Manila time.

The Western Conference has been the home of the powerhouse ball clubs lately, and one of them is the Oklahoma City Thunder whom had been a major force to reckon since they almost surprise the Dallas Mavericks on their battle fro supremacy, which they had lost, by the way.

The Thunder had won 47 games in a shortened 66-game season, enough for the second spot in the Western Conference, plus a major addition to its roster – a big shot maker in a bulky point guard named Derek Fisher.

11 June 2012

What’s with the waiver?


What’s with the waiver?

Ah, Ewan.

Nagsimula sa impeachment trial ng dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona yan. Nung tumestigo ang isinasakdal mismo sa nasabing paglilitis. Akala mo, kung ano na namang che-che-bureche niya yan ano? Waiver-waiver pang nalalaman ampucha!

Pero bakit nga ba naging big deal na ang isyu ng waiver na yan? Well, simple lang. Para mapatunayan ang isang tao sa gobyerno na wala daw itong tinatago. Kung tatanungin kasi na hindi pa ba sapat ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth para dyan, e… ewan. Yung iba siguro kasi e magaling magtago kung totoo na corrupt man siya/sila. At sa panahon ngayon, tanghali na lang ang tapat. Ang mga pulitiko na yan? HMMM…. Mahirap husgahan e bagamat madaling magsalita na “Pucha! asa pa kong matino ang mga taong yan. Magnanakaw din naman yan pag naupo sa lugar ng mga kinauukulan.”

Hmmm…. Okay naman din pala e.

Why so upset on Manny’s loss, man?

Luto nga ang laban, kaso wala e. As in wala tayong magagawa dyan.

Alam kong sobrang badtrip ka nung natalo si Manny Pacquiao kay Timothy Bradley noong nakaraang Linggo. Hindi masama ang madismaya, lalo na kung masugid ka na tagahanga ng isang atleta sa sports. Kaw ba naman ang makapansin na mas marami pa ata ang yakap ng Kanong boxer kesa sa mga suntok mismo niya e.

Sa sobrang “luto” nga ng laban, ang daming naglabas ng matinding sama ng saloobin nito sa mga social networking sites, at isama mo na dyan ang tweet ng batikang sportscaster na si Ronnie Nathanielsz na tila nagpoprotesta ito. Ayon sa kanya, kahit ang mga estudyante sa k-12 e alam na panalo si Pacquiao sa laban na iyan. Kaya nung lumabas ang resulta e parang ninakawan daw ang dating nito sa pambansang kamao.
Sabagay, hindi naman natin masisisi ang pananaw ni Manong Ronnie dyan. Pananaw niya yan e.

Ika nga ng isang TV commentator na si Teddy Atlas, boxing is a corrupt sport. Actually, sa kahit anong sport naman ay nag-eexist ang corruption e, by all means of dirty politics man yan, game fixing scandals, off-sport issues, etc. Hindi na bago ang mga ito. Kung aalamin mo ang mga ganitong bagay sa larangan ng pampalakasan, pustahan, marami kang matutuklasan.

Pero alam mo, dito ka rin hahanga kay Manny kahit sa mata ng karamihan sa atin e nalamangan siya. Ipinakita niya ang pagiging sportsmanship. Tila maluwag itong tinanggap ni Pacquiao. Nakakapanibago ba? Sabagay, nagbabagong buhay siya e.

Kaya siguro nauso ang hashtag nun na #MannyPacquiaoIsStillTheWorldsBest. Sabagay, marami naming napatunayan si Manny. Isa na siyang alamat sa larang ng pagboboxing. Aabutin pa ng siyam-siyam bago maalpasan ng sinuman ang record na ginawa niya. Dun pa lang, marami na siyang napatunayan. At ang mga talong tulad nito? Nah, maliit na bagay na lang yan. Pero sabagay, pride din kasi ng bansa ang isa sa mga nakataya din e. At, come on, either way naman kikita pa rin si Pacman e.

10 June 2012

The thin line.


Mahirap sabihin kung kelan nagiging hindi tama ang pagmamahal. Kung kelan tayo sumosobra. Tumataliwas kasi yan sa kasabihan ng mga tipikal na tao na “walang mali sa pagmamahal.” Actually, kahit sa maniwala tayo o sa hindi, meron pa rin. Kung papansinin mo ang mga pangyayari sa mga nakapaligid sa iyo. Kailan pa naging tama ang pag-awayan ang mga bagay na napakababaw lang kung tutuusin. Kalian pa naging ok sa ating kamalayan ang pumatay ng tao nang dahil sa selos?

At pa’no, hindi naman kasi tayo makikinig sa payo ng iba pag nasa ganyang estado tayo e. Aminin niyo. Kahit tumawag ka pa kay Papa Jack, e sigurado ka bang magiging ok ka ba kinabukasan, o di naman kaya sa mga susunod na araw? Hindi garantiya, di ba?

Minsan ako nakipag-usap sa isang tropa ko na graduate sa sikolohiya. Tinanong ko siya sa mga bagay-bagay na tila anong pagkakaiba ng love sa obsession. Pero mahirap kasing tantiyahin e. Ayon sa kanya, unconsciously mo kasing mararamdaman yan. Yan yung tipong sa tindi ng pagmamahal mo e parang gusto mo na makontrol ang tao base sa gusto mo, at kahit taliwas ito sa mga gusto niya. Kaya hindi na rin ako magtataka kung minsan ang magsyota sa paligid e kung magtawagan akala mo mag-asawa na, kahit sa totoo lang naaalibadbaran ako sa mga ganung kataga. Wala sa akmang timing e. Pero sorry na lang ako, walang basagan ng trip kasi, slick!

Sabagay, minsan ako nakinig sa DJ ng isang istasyon ng radio, at pagnagmamahal ka daw e tila nawawala ang iyong sariling identity. May punto din siya. Nagshe-share ka pag ganun e. O minsan pa nga, ikaw mismo ang mag-gigive way para sa kagustuhan ng partner mo.

Kaya siguro nauso ang pangingialam ng wallet, cellphone, e-mail, Facebook account at iba pang mga bagay-bagay na pagmamay-ari ng mga kasintahan nila, no?

Que may lovelife o wala….


Alam ko na likas sa atin ang mahilig makialam sa buhay ng ibang tao. Yun nga lang, nilulugar ang mga yan, lalo na sa isa sa mga pinkapaboritong estado ng ating buhay – ang lovelife.

Ha?

Oo, lovelife nga. (Kulit!)

09 June 2012

Almost a numbers’ game.


Here I go again. I just noticed something about the NBA again. A part of me has been addicted to the sports’ statistics. Well, not totally though.

Well, the Oklahoma City Thunder had defeated the San Antonio Spurs in an incredible run. Look, the Spurs had won 20 straight games before losing the last 4 to the Thunder. It was almost a stunning run, coming out short of tying the Houston Rockets’ 22-game winning streak few years ago.

And asking about the Thunder’s finals appearance to the upcoming NBA Finals?

08 June 2012

Isang liham ng aking pag-ibig para sa isang nagngangalang "Happiness."

06/10/2012 1:34 PM


Dear “haps,”

Kumusta ka na? Sana nasa maayos ka na kalagayan. Alam ko na abalang-abala ka pag-aaral mo, at hindi mo prayoridad ang mga bagay na ukol sa pag-ibig. Ayos lang, makakapasa ka sa board exam mo. Naniniwala ako na kakayanin mo ang lahat-lahat ng pinagdadaanan mo, at hihintayin ko ang panahon na iyun.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ko nasulat ito. Kakaiba lang, kasi hindi naman ako sumusulat ng mga istoryang may kinalaman sa pag-ibig. Ni literal ang pangit ng sulat-kamay ko nung nilalapat ito sa papel. At walang arte-arte di tulad ng ibang naka-stationary set, ito?Nasa gusgusing yellow paper at antigong Word document.

Nagkamalas-malas ang halos lahat sa akin nun. Mag-iisang taon mula nung nagtapos ako ng pag-aaral pero hanggang nung panahon na yun e wala pa rin akong trabaho. Nababalisa din ako kasi nag-iisa akong namumuhay sa probinsya nun. Hanggang sa minsan napauwi ako ng Maynila, tinawagan para sa isang interview, at inaantay ang panahon na uuwi ako ng Bulacan matapos nun.

Akalain mo, sa lahat-lahat ng possibleng lugar na makilala kita, sa Facebook pa. Ni hindi nga tayo nagpapansinan noon? (Sino nga ba ako, di ba, kundi isa lang sa mga online tropa ng dating boyfriend mo?) Hindi ko alam kung anong nakain ko at bigla akong tinamaan sa iyo, nung nagsimula tayo sa wall-to-wall na usapan isang Sabado ng umaga, Marso a-31 nun, ilang araw mula ng pagkagradwyet mo sa pag-aaral nun. Hanggang sa mga sumunod na araw at gabi, nauwi sa pagtetext, hanggang sa madamagang tawagan. Kulang na lang talaga, ang magkita ng tuluyan.

Hindi ko nga inaasahan na may magkakagusto at mahuhulog pala sa akin e, magmula nung minsan sinendan mo ko ng mensahe sa Facebook na tila kakaiba para sa isang na babae na magpahiwatig ng ganung nararamdaman (sabagay, kahit naman ako e hindi rin naniniwala sa online romantic relationship nun e). Nung una, hindi ko mawari yan, pasikot-sikot kasing yan. Hanggang sa dumating ang mga sumunod na araw at pag-uusap nating dalawa.

Aminado ako, ganun din ang nararamdaman ko sa iyo bagamat napapangunahan ako ng takot. Hindi na ako natahimik, pero mula nun, nakakangiti ulit ako ng tulad ng dati. Tulad nga ng pangalan mo, ikaw ang kasiyahan.  Kung banatan ang usapan, parang Coke, ikaw ang “happiness” ko.
Akalain mo oh, hindi ka nga nagkamali sa pag-assume mo, kasi aminado ako na nag-assume din ako.
Ang tagal kong inaantay ito bagamat hindi ko pinagtutuunan ng pansin ang buhay pag-ibig noon. Siguro dala nung mabasted ako limang taon na ang nakakalipas at nagiging busy na rin ako sa mga makamundong bagay mula noon. At kung may naramdaman nga sa iba, nawala rin ito bigla. Kaya ayun, mula pagkapanganak, namuhay na salat sa pag-ibig na inaasam.

Ikaw lang ang nagpatunay sa akin na mali ako. Hindi pala ako anti-romantic na tao. Siguro sadyang malalim lang talaga ang madalas nilalaman ng utak ko, at dun mo yata ako nakilala at hinangaan. May taong magmamahal pala sa akin na tulad ng ganito. Ang pagkakalaam ko lang kasi e mga kaibigan, kapamilya at kamag-anak lang ang magpaparamdam sa akin ng pagmamahal. Akala ko wala…. Hanggang sa dumating ka. At wala kang kasalanan dun ha? Wag mong sisihin sarili mo.

Marami sana akong gustong ipahiwatig sa iyo, maliban pa sa mga banatan at kwentuhan natin sa telepono at pagmention ko palagi sayo sa kada pagtitweet ko ng mga ganyang kataga sa Twitter. Ni hindi ko alintana ang distansya ng ating mga lugar na kinatitirikan at mga bagay sa ating dalawa, o ang mga bagay-bagay na nakakapagpa-busy sa ating dalawa.

04 June 2012

Kalandian Nga Ba?

06/04/2012 09:43:00PM

Minsan ako nagmasid sa mga bagay-bagay noon. At sa unang pagkakataon, bigla akong na-culture shock.