Bago po ang lahat, hinihikayat ko po ang lahat na maglahad ng opinyon sa isyung ito sa maayos na pamamaraan. Igalan po natin ang pananaw ng bawat isa at wag pong mamemersonal. Maraming Salamat po, mga tol.
Babala: Ang mga nailahad sa blog na ito ay pawang opinyon lamang ng awtor. Striktong Pag-unawa at pag-Galang ko ang kailangan.
- Reproductive Health Bill (Photo credit: kuro-kuro.org)
Ang tagal na nito ah! Ilang taon nang pinaguusapan to. Nagbago na rin ang mga pamagat at administrasyon. Nakatatlong SONA na ang kuya mo. Pero ang tanong, bakit hindi maipasa-pasa ang House Bill No. 4244 or An Act Providing for a Comprehensive Policy on Responsible Parenthood, Reproductive Health, and Population and Development, and For Other Purposes, o sa medaling salita, ang RH Bill?
Ang HB 4244 ay unang inilatag sa Kamara de Representantes ni Albay Congressman Edcel Lagman, habang si Miriam Defensor Santiago ay may Senate Bill No. 2378 or An Act Providing For a National Policy on Reproductive Health and Population and Development. Unang prinoposed ang RH Bill noong 1998 sa nasa panahon pa ng 15th Congressat ang mga taong nagpanukala nito ay sina House Minority Leader Edcel Lagman of Albay, HB 96; Iloilo Rep. Dale Bernard Tuddao, HB 101, Akbayan Representatives Kaka Bag-ao & Walden Bello; HB 513, Muntinlupa Representative Rodolfo Biazon, HB 1160, Iloilo Representative Augusto Syjuco, HB 1520, Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan. **
Pero 1998 pa yun. Anong petsa na? nauna pa nilang iimpeach sina dating Ombudsman Merceditas Guttierez at ex-Supreme Court Chief Justice Renato Corona? Nakulong na nga ang kabaro nila at nakalaya na nga ulit lahat-lahat, natalo na si Pacquiao na isa rin sa mga colleague nila sa Kongreso. Pero itong isa sa mga dapat pinagtutuunan ng pansin na panukalang batas… PENDING pa rin? Anak ng pating naman oh.
14 years na naipanukala ito kaya sa malamang long overdue na rin ito kung maituturing. Halos walang pinagkaiba sa mga batas na napagiwanan na ng panahon at kung recent issues ang usapan, isama mo na ang National Artist Award para kay Comedy King (pero hindi na nila saklaw yun).
Buti na lang, isa ang Reproductive Health Bill sa mga top priority bills ngayong taon. Aba, dapat lang, ano. Pero yun nga lang, may bibira dyan, hindi kaya hinahapit na ang ganitong klaseng panukala? Sa lipunang napakalaya at iilang naghahanap ng butas, hindi na ko magtataka sa mga ganitong klaseng sentimiyento. Inunahan ko na lang.
Isa ang RH bill sa mga pinakakailangang batas ng bansa ngayon. Yun nga lang, kailangan itong maimplementa ng maayos at huwag san matulad sa pumaplya na tulad ng RA 9344 o ang batas ukol sa Juvenile Justice.
Maraming mga tinig na umalingawngaw mula sa magkakabilang panig ng nasabing isyu. Mula kay Carlos Celdran hanggang sa mga pari sa Catholics Bishops Conference of the Philippines, hanggang sa mga business groups, mga kilalang personalidad sa lipunan at pulitika, at pati na rin sa mga netizens sa mga social networking sites. Kung meron man walang pakialam dito, yan ay yung mga taong salat pa sa isyung ito. (aray ko po!) Malamang, dapat asahan mo nay an, lalo na sa isang demokratikong lipunan tulad ng Republika ng Pilipinas. “It’s a free country, you can do whatever you want,” ika nga ng isang tanyag na noontime show.**
Hindi kaya ito rin ang dahilan kung bakit hindi madesisyunan ang RH Bill? Sa sobrang dami ng opinion, argument at nakikialam, e hindi makausad o masagot kung dapat ba itong ipasa o hindi?
Hindi rin e. dahil hindi naman lahat ay either YES or NO ang boses sa RH Bill. Yung iba dyan, katulad ng sinabi ko kanina, “wapakels.” (Aray na naman, double black eye na ha?) ‘de, ito yung sa akin. Hindi ko pa tuluyang mailalahad ang sagot ko. Noong una kong sumulat ng blog ukol sa batas na iyun, sa “neutral” side pa ako. Hindi naman saw ala akong pakialam. Pero aminado po ang inyong lingkod na bago ako ilahad ang pananaw ko ukol sa isyung ito e kailangan ko ng mabusising pag-aaral sa batas na ito. At kailangan ko din na timbangin ang mga opinion ng iba na posibleng makaimpluwensya rin. Kung rpo-choice ba, o pro-life.
Minsan, kinwestiyon ko ang pakikialam ng Simbahan ukol sa nasabing batas na ito. Ayon sa isa sa mga kaibigan ko na blogger din dito sa Definitely Filipino, hindi naman sa nakikialam ang simbahan pagdating sa teknikalidad, pero kapag moralidad na raw ang usapan, ditto na raw sila nanghihimasok. Hmmm… may punto rin pala. Pero saklaw pa rin ba kaya yun ng separation of the church and state? Hindi ko masasabi kahit napag-aralan ko ng husto ang Pol Sci noon. Nalalabuan pa rin ako parang mata ko lang sa isyung ito.
Sa pag-oobserba ko, ang mga kaibigan ko ay PRO sa RH Bill. At meron din naming ANTI, pero aabutin tayo ng siyam-siyam kasi sa pagbibilang ng mga dahilan nito e. Blog post lang ang kaya kong isulat sa oras na ito, hindi po chapter ng nobela. Hehehe! **
Isang magandang batas pala na pagtalunan ang RH bill, pero utang na loob, dapt matapos na ang pag-aaway ng mga tao ukol sa isyu na ito soon. Pero, isang magandang batas nga ba ito para sa bansa kung ganoon? Masasabi na rin na oo. Kaya lang, mahirap pumanig sa isang side nang hindi mo lubusang naiintindihan ang paksang pinagtatalunan. Napakasensitibo ang topic na ito, sa sobrang sensitive, yung iba, halos magpatayan na sa salita.
Kaya para sa neutral pa na tulad ko, ito na lang siguro.
Welcome po na sumagot kayo sa isyung ito, pero hinihinikayat kop o na walang personalan na mga tirada, ha? Igalang po natin ang opinion ng bawat isa, que ANTI man kayo o PRO. Yun lang, maramaing salamat po sa mga sasagot, at Mabuhay po kayo.
Sources:
Author: slickmaster
Date: 08/06/2012
Time: 01: 25 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions