Aba, ang musika ng Pilipino, mamamatay?
Ows, hindi nga?
Sa totoo lang, hindi ako isang maalam na tao sa musika. In fact, isang hamak na music lover lang po ako. At sadayng opinonated na tao. Pero para sabihin na patay na ang Original Pilipino Music? Teka, parang kaduda-duda yata yan ah.
Kamakailan lang, naglabasan ang mga artikulo na naglalahad ng kani-kanilang mga opinyon na tila bumabagsak na daw ang local music industry sa Pilipinas. At sa reaksyon ng karamihan ng mayorya, pinutakte ang artikulong “OPM is dead, so sue me” ng GMA News*. Tila hindi nila ito nagustuhan, at yung iba dyan, as usual... (naku, asa pa kong mawawala ang mga putok-sa-buho na iyan ano?) mga wala sa hulog na banat na kung tumira.
Sa totoo lang, may punto rin kung bakit nila maituturing na patay na para sa kanila ang musika sa Pinas. Sa trend kasi ngayon, usong-uso ang mga revival, at mahahlata mo iyan sa kaliwa’t kanang mga cover sa YouTube na nagiging avenue na rin para sa mga ilang artista para sumikat at gumawa ng sariling record.
Kung makikinig ka ng mga radyo sa ngayon, ano ang madalas mong mapapakinggan, maliban sa mga tulad ng K-Pop, iba pang mga musikang pang-banyaga na galing sa mga bansa sa Europa at Estados Unidos, at ang mga nakakakuliling sa tenga na mga novelty na kanta, isama mo na ang mga romantikong ballad dyan na gasgas na sa tenga. Mga halatang pang-benta lang na bagay at isama mo na rin dyan ang mga artista mula sa ibang panig ng showbiz na hindi ko alam kung nahasa ba talaga ito sa laranagan ng pagkanta o para may dagdag pogi o ganda points lang.
Isa pang malaking dagok dyan ay yung pag-sara ng isang recording company na tila isang knock-out sa indutriya, kumeptisyon sa negosyo at karera ng mga talent at mga prospect.
Pero sapat na ba iyan para sabihin na patay na ang OPM?
Sa tingin ko, hindi. Oo, HINDI talaga. At marami pang mga bagay dyan ang magpapatunay kung bakit buhay na buhay talaga ang OPM.
Maraming mga lokal na mang-aawit ang nagtatagumpay sa pakikipagsaparalan sa ibayong dagat at may magagandang karera pa sa mga nasabing lugar. Isa pa, world-class kaya ang talent ng mga Pinoy.
Kung pagbabasehan mo ang mainstream, e marami kayang mga artista ang namamayagpag sa indusriya. Be it rapper, soloist, romantic balladeer, at mga banda. Siguro kung may kulang sa mga ganuitong bagay? Yun yung mga kanta na may kabuluhan. Yung mga may mensahe. Hindi lang yung pang-benta lang. Society needs, ika nga, instead of their wants. Kelangan ang mga ganyang klaseng musika ng exposure. Maraming mga magagaling, dyan lang sila kulang... sa pagpansin ng nakararami. Kung papansin mo kasi ang mga ipinapakita ng media sa iyo ngayon, e... karamihan dyan, panay hangin ang laman e. Walang kalidad ba. Yung iba, pinasikat kahit hindi pa ganun kahasa. Yan siguro ang bad side. I mean, baka maituturing pa na naghihingalo na ang OPM industry dahil dyan. Pero linawin ko lang ha. Sa mainstream yan. Kung pangkalahatan ang usapan, iba ang sitwasyon.
Ito lang siguro, ano po. Bago mo sabihin na patay na ang OPM, subukan mo munang gumala sa gabi, papunta sa mga bar dyan tulad ng 19 East, 70s Bistro, Cafe Lupe, Blue Wave, Metrowalk, at iba pa. At baka doon mo lang malaman na buhay na buhay ang musika sa Pinasn kahit alam natin kung gaani kahirap ang mag-produce ng album kung pera-pera ang usapan. Hindi lang pang-Pop ang OPM. Maraming mga may magagaling at may potensyal kesa sa mga ipinapakita sa TV at naririnig sa radyo.
At buti na lang, may mga magagandang hakbang pa at least ang ginagawa ng mga taga-mainstream. May ginanap na song-writing contest, may mga event para i-promote ang kani-kanilang mga genre, at ultimo ang website na pwede ka na bumuli ng mga kanta sa tingi na halaga. Kahit sabihin na natin na “parang iTunes lang e” mas ok naman na ang ganito kesa sa umasa sa mga libre pero ilegal na download. Buti sana kung pinayagan yan ng mga artista mismo. Sabihin man antin na “it’s business, after all” e may beneficial factor naman para sa parehong mang-aawit at mga tagapakinig na hindi kayang higitan ng halaga ng pera.
Isa pang bira, kung sinumana nag nagsabi na OPM is dead, e... wala tayong magagawa. Opinyon niya yan e. Pero mawalang galang lang din, sa tingin ko may mga punto na tama sa sinabi niya PERO KARAMIHAN DUN AY KAYANG PATUNAYAN NG REALIDAD NG BUHAY NA HINDI NAKIKITA NG LENTE O NAPAPAKINGGAN SA RADYO NA WALIWAS SA OPINYON NIYA. Pero bagamat taliwas ang aking pananaw sa sinabi niya, nirerespeto ko iyun at naiintindihan. Hindi natin kailangan na masyadong mag-rant para lang mapatunayan na mali siya. At huwag din natin siya personalin at maging sadista. Diyan tayo sasablay.
Inuulit ko po. Hindi po patay ang industriya ng Orihinal na Pilipinong Musika. In fact, buhay na buhay pa nga ito. At darating din ang panahon na aangat pa lalo ang OPM.
*
http://www.gmanetwork.com/news/story/271491/opinion/blogs/opm-is-dead-so-sue-me
Author: slickmaster | Date: 09-10-2011 | Time: 05.31 p.m.