Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

27 September 2012

Martial law in the cyberspace? (The Online Libel Story)

Noong Sabado, a-15 ng Setyembre, 2012 ay nilagdaan ng Pangulo ng bansa na si benigno Aquino III ang batas na susupil sa mga krimeng nagaganap sa internet. Ang Cybercrime Protection Act of 2012 ay may saklawa sa ilang mga kaso ukol sa child pornography, cyber-bullying, identity theft, fraud at online defamation o online libel, at ang mga parusa sa sinumang lalabag ay 6 hanggang 12 taon na pagkakabilanggo at may multa na hindi bababa sa P20,000 pero hindi lalagpas sa P10 Milyon.

Bagamat may mga ulat na irerepaso ang ilang mga probisyon sa part eng online libel. Marami naman ang umaalma. Maari daw kasi nito masupil ang karapatan ng isang tao na maglahad o magsalita.

Parang ang dating ba ay pag nagsalita ang mga pulitko, wala nang karapatan ang mga mamayan na magreact. Sabagay may punto nga din naman, lalo na kung mga “epal” ang mga ito at ang sagot ng mga netizens sa kanila ay ang pamamraan ng pangba-bash.

Hmmm… masasagasaan nga. Kasi isa sa pinakaprimarong karapatan natin ayon sa mata ng batas ay ang maglahad. OO nga naman, bakit mo ko tatanggalan ng karapatan na maglahad. Marami ang maapektuhan nito, lalo na ang inyong lingkod na umiikot sa mga usapin sa lipunan madalas umikot ang mundo ng pagba-blog ko. Parang binigyan mo kami ng piring sa aming bunganga at maging piping saksi sa lahat ng kaganapan. Literally, it’s a big SHUT UP on me.

Pero sa kabilang banda tingin ko, may dahilan kasi kung bakit kailangan maghigpit ang batas lalo na sa ngayon. Pero duda ako na a la Martial Law ang dating nito, unless kung sobrang higpit talaga. At mahihirapan sila na supilin ito, hindi dahil a kung anu-anong mga teknikalaidad at terminolohiyang may kinalaman sa Information Technology ang kinakailangan, kundi dahil sa walang malinaw na level of tolerance. May mga bagay kasi na masasabi na libel ng isa pero hindi naman sa panig ng iba. At bilang tao, magkakaiba tayo ng pamantayan kung ano ang nakakatawa sa nakakaasar sa ating mga kanya-kanyang pananaw, lalo na sa mga social networking sites na ginagawang libangan ng karamihan, o panakas mula sa mga masasamang kaganapan sa realidad ng buhay. Ditto na lang nila nagagawang tawanan ang problema.

Pero… may rerepasuhin man o hindi, kailangan na rin kasi ng batas na ito e, kahit sa totoo lang ay mahirap sugpuin ang mga cyber crime, dahil sa sobrang daming mga terminolohiya at teknikalidad ang kinakailangan para maresolba ang krimen. Dumarami pa ang mga abusado, ke trip lang man yan o sadyang may layunin.

Matanong ko lang, yung totoo… labag ba talaga ito sa freedom of expression ng tao o dahil hindi lang ito matanggap ng mga asal-gago sa internet? Yung mga taong mapang-abuso. Mga siraulo kasi kung makapagkumento sa mga web sites, ke discussion forum man o sa isang simpleng Facebook post. Hindi pa ganap na nagpapakilala, madali lang kasi ang magpanggap sa harap ng computer e.

Isip-isip muna.

At isa pa, may manipis kasi na linya na naghihiwalay sa pagitan ng pagsasabi ng totoo at sa tahasang pangungutya. Halos wala itong pinagkaiba sa aktwal na libel o defamation.

Alalahanin natin na sa kada salitang binibitawan natin, maliban pa sa ito ang maglalarawan kung anong klase tayo, ay may responsibilidad tayo na pinanghahawakan sa mga ito. Kaya mag-ingat palagi sa mga sasabihin at ipopost.

Huling bara: hati ang opinyon ko. Pabor ako, maliban lang sa mga probisyon sa libel. Kung kailangan man ito repasuhain, aba e dapat lang siguro. Dahil pare-pareho lang tayo talo dito. At nilalahad ko pala ito ng nasa ayos.

Author: slickmaster | Date: 09/27/2012 | Time 12:04 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

Tatanda Ka Na Naman… (Birthday Mo Na Naman, E Ano Ngayon?)

09/27/2012  11:16 AM

Lumampas na naman ang isang taon sa buhay mo. Madadagdagan na naman ng isa ang numero ng edad mo. Isa ito sa pinakamasayang araw sa karamihan, maliban na lang kung nagdiriwang ka din ng mga espesyal na araw told ng Pasko, Bagong Taon, Valentine’s Day, o ultimo month-sary at iba pa.

Silang mga balasubas…


Tila hindi na sila mawawala sa sistema. Kumbaga sa sakit, pang-terminal na ito. Parte na kasi ito ng pang-araw-araw na buhay ng ilan. Hindi na bago ang mga pangyayari dahil noon man o ngayon, nariyan pa rin ang mga taong ito. Sa ngalan ng material na yaman, manlalamang sila, at minsan pa nga e handang makipagpatayan makuha lang ang mga bagay na tutugon sa kanilang mga halang na sikmura, isipang kinakalawang at pusong mas matigas pa sa pader na gawa sa  pinaghalong semento at bakal.

Sa kada pagkakataon ng pakikipagsaparalan ko sa lungsod, nakikita ko ang mga ito. Akala mo mga patpating tambay, yun pala ay magnanakaw ng pitaka. Sa kalye man o sa mala-Sardinas na pampasaherong sasakyan, umaatake sila nang hindi mo nalalaman. At ika nga ng kasabihan, “malalaman mo lang ang halaga ang isang bagay kapag wala na ito…” sa tabi mo. As in literal.

At sa gabi naman, ang akala mong simpleng madilim na espasyo, may kahiwagaang nagaganap. Dalawang bagay lang, may naglalampungang mga puta o may tumitimbreng kawatan. Mga nag-aantay na may mabiktima. Kapag pumalag, patay na kung patay. Parang hindi man lang naisip ng mga ito kung gaano kahirap ang bumuhay ng isang tao tapos kikitilan na lang sa isang iglap gamit ang makalawang na lanseta o ng tinggang may pulbura.

Sa kabilang dako naman, malulutong na murahan ang eksena. May kamuntikan na magbanggaan kasi na mga sasakyan sa isang interseksyon doon. Hindi pa nakuntento, nagmaanagas pa ang parehong kanto sa gitna ng kalye. Ay, kasarap sagasaaan ang mga bwakananginang mga ‘to. Pwede bang magsitabi kayo? Hindi lang kayo ang hari ng kalsada, alam nyo po.

Sa simpleng pagpila nga lang e pakapalan na ng mukha, makasingit lang. Kapag sinita mo, wala! Babaligtarin ka pa. Ikaw pa ang maeechepwera. Mas makapal pa sa isang ream ng papel ang mga pangit na pagmumukha nila.

Yung mga taong gumagawa ng tama sa lipunan ngayon, ewan ko kung bakit pa sila pa ang mas naagrabyado? Kung bakit sila pa ang mas hindi nagagantimpalaan? Ang simpleng pamamaraan yata na magsabi nga lang ng katotohanan e pinapatay na, kung hindi man e hinaharass. At ang mga tumatanggap ng lagay dyan e sila pa ang mas nangingibabaw. Sabagay, pera-perahan e. Samahan mo pa ng palakasan sa tao. Ang magandang budhi sa panloob at panlabas na anyo? Asus, asa.

Kaya minsan, hindi ko masisisi ang mga taong pumili na tumahimik na lang at maging pipi’t bulag na saksi sa mga kaganapan. Mga lumugar sa “walang pakialam,” kahit ang ilan sa kanila ay ilang beses na binabastos, sa likuran man o harap-harapang ginagawa.

Ang buhay kasi ng isang tao ngayon ay nakadepende na sa diskarte nito. Kapag wala siya nito, ano na lang ang kakainin niya pagdating na lang ng dapit-hapon?

Author: slickmaster | Date: 09/27/2012 | Time: 10:23 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

The love of doing video mixes.


It’s been two years when I last made a highlight reel video. I am talking about basketball here, by the way. Specifically, NBA. Way back then, doing some video editing is one of my favorite things that I used to do during my past time. And if I’m not mistaken, mixtape was one of the terms used as referring to a video showcasing a basketball highlight mix.

For years, I’ve seen a lot of them before in the video streaming site called YouTube. Whether it is a fan made or for the league’s promotional use; and for other leagues as well such as the local PBA or the famous streetball known as AND1. I remember owning a video compact disc of one of its volumes that my sister’s ex-boyfriend gave me.

Well, on that type of video you can see a lot of more than just a super-typical move. A shake-and-bake act called crossover, a circus-like lay-up, or a thunderous, or monstrous shot called dunk, or even a game-winning play with most of them were the so-called buzzer beaters.

For some people, they may be entertained by the way the video is executed. Camera angles, video effects and transitions and any other technicalities, you name it. Though at some aspect, it is more than just a beautification of each sequence. Like for some people, especially the players and those aspiring ones, seeing highlight reels like that can be a basketball 101 to them. They learn how to move like Kobe, LeBron, or any other superstar (or even an ordinary player) on a single play. So it’s like an infotainment, or information and entertainment in one. (Now I’m talking like Sports Science here, huh?)

Anyway, video editing is one of the things I learned even before I totally put my hand in pursuing a Mass Communications degree. Hence, it trigger to put more of my interest there, though it’s a self-study approach for me right there.

And so much for being a low-profile user, my personal computer can only afford a basic Movie Maker. And from there, it usually took me like 4 to 5 hours for an at least 3-and-a-half-minuter mixtape, from downloading the sources to rendering the project. At first, I received some good remarks. But then, I stopped doing that for public and if I made one, I made sure to put up a disclaimer. Because internet may be free, but let’s face it: we are subjective for copyright infringement, too.

So the only way to cope up with that is to either acknowleged your source, or to put up a disclaimer, claiming that the authorities of YouTube has a right to take the video down or alter the infringed part anytime as they wish once somebody flagged it out and proved that the uploader has a violation right there.

Anyway, that’s it. I just missed doing this stuff. Here I leave you with this last mixtape project that I made way back September 2010.


Author: slickmaster | Date: 09/27/2012 | Time: 10:56 a.m.

26 September 2012

When the Gang goes Gaga over Gangnam style.

Matapos ang “Call Me Maybe” ni Carly Rae Jepsen, isa na namang panibagong kaso ng LSS ang lumalaganap. At matapos ang “Teach Me How to Dougie” ng Cali Swag District, isang sayaw na naman ang nauuso. Usapang viral hit na naman ngayong 2012.

Nagsimula sa isang dance hit, naging viral ang isa sa mga panibagong kanta na umiikot sa sirkulasyon ng YouTube. At isa na namang panibagong isyu ito ng K-Pop invasion.

Ang kanta at sayaw ni Psy na “Oppa Gangnam Style” ay naging patok sa nasabing video streaming site. Ilang daang milyong hits na ang naitala nito. Naging trending na usapan din ito sa mga social networking sites worldwide. Hanggang sa kani-kanilang version ng nasabing dance hit ang nagsisulputan sa YouTube.

Sobrang patok ba ang usapan? Oo, kaya nga napasama na ‘to sa Guiness. Nah, siguro iyan talaga ang mangyayari kapag una nakukuha ng ritmo ang atensyon mo. Kahit hindi mo maintindihan ang liriko o kahit ilang salita lang ng wikang Ingles ang nabanggit at iyong naiintindihan, sige, go lang. Karaniwan kasi sa mga patok na kanta sa kahit anong lengwahe, basta naiintindihan mo ang mga sinasabi sa chorus o yung mas inuulit na parte man lang dun, ayun na. Ok sa alright na para sa ilan. Siguro, lalo na sa kaso ngayon na mararaming mga kanta mula sa Korean pop culture ang sumisikat hindi lang sa Pilipinas at sa ibang bansa sa Asya, kundi sa buong mundo.

Aba’y kayo na ang manghusga. Mula sa palabas sa telebisyon, lokal man o banyaga, hanggang sa mga sikat na personalidad, hanggang sa ultimo mga bata.

Pero kahit hindi po trip ng inyong lingkod ang mga ganitong klaseng tugtugin ay sinubukan ko pa rin na pakinggan ang nasabing kanta at panoorin ang music video nito. Hmmm… ayos din ha. Yung musika. Pero yung sayaw, aba, hindi na ko magkukumento.

Kung magpapaka-superficial ako, medyo astig din pala yung beat. Minsan nga naisip ko tuloy na baka next time na mag-download ako ng mga ringtones e baka mamaya ito na ang tumunog pag may “1 message received” ah.

Pero anyway, ayos lang yung kanta para sa akin. Pero hanggang dun lang. Mas ayos pa rin para sa akin ang lokal na musika.

Author: slickmaster | Date:  09/24/2012 | Time: 12:02 a.m.
© 2012 september twenty-eight productions

Tama na ang sisihan. (The LRT suicide story)


Suicide. Isang akto ng pagkitil ng tao sa kanyang sariling buhay. Madalas ito ay ginagawa sa isang pribadong lugar. Pero isa rin sa mga antigong pamamaraan ng pagpapatiwakal ng isa ay ang ipasagasa ang sarili sa isang sasakyan, particular sa tren.

Noong Agosto 30, 2012, ilang minuto bago mag alas-6 sa isang Huwebes na umaga, isang insidente ng suicide ang nangyari sa EDSA station ng Light Rail Transit line 1 sa Pasay City. Isang nangngangalang  Victoria Lucy Aroma, tinatayang nasa 50 taong gulang, ang tumalon sa riles sa eksaktong paparating na tren sa nasabing isatsyon. Nang dahil diyan, nasuspinde ang operasyon ng LRT sa ilang mga istasyon noong mga umagang iyon. Nalalagay din sa alanganin ang train operator nito dahil naharap siya sa kaso ukol dito.

Teka, ang operator, naasunto? Sira ba sila? Iba ang batas ng riles sa batas ng kalsada. Ano ba iyan! Kung sa mga tulad ng kotse, trak, bus, dyip o ultimo ang motorsiklo, pwede ka makapagpreno ng biglaan, sa tren… hindi kagad makakapagpigil iyan kahit nakatodo n gang pag-tangka na huminto. Nagii-slide pa nga yan e dahil sa riles nga ito dumadaan at iba rin ang makina niyan kung ikukumpara sa mga tipikal na sasakyan.

Ayon sa salaysay ng kamag-anak ng nagpatiwakal na biktima, ilang araw na itong balisa. May iniida kasi itong bukol o tumor sa kanyang mukha at umabot na ito ng dalawang dekada. Hmmm… kaya sa totoo lang, hindi mo rin siya masisisi kung bakit niya ginawa e. kasi pag once na dumapo sa isang depressed na tao ang patayin ang kanyang sarili, naku hindi pwedeng isawalang bahala iyan. At ‘pag once kasi na nasa ganung estado na ng pag-iisip, ay madalas sa pagkakataon, wala na sa katinuan yun e. Malakas ang suicidal tendencies ng isang tao kapag depressed ito.

Kaya sa totoo lang kung sinisisi mo siya kung bakit ka na-late sa trabaho o pasok sa klase mo, e ayun naman pala e. May pinagdadaanan ang ale. Hinay-hinay kasi sa pangangastigo dahil lahat tayo ay may kanya-kanyang pinagdadaanan sa buhay.

Pero sana nga naman ‘di ba? Kung pwede lang huwag na lang magpakamatay. Maraming mga magagandang bagay sa mundo na maari mong mapansin kahit sobrang down ka. At malay mo, isa sa mga ito ang makapagpanumbalik ng iyong sigla.

Sa datos ng Light Rail Transit Authority, 10 sa 24 na pangkalahatan na beses ng suicide attempts sa LRT, nagtagumpay. At ayon na rin sa kanila, isa sa mga taon noong dekada '90 ay 7 beses ang naitala ng pagpapatiwakal sa LRT, at 5 sa mga ito ay natuluyan.

Kung may ipapanukala na dapat daw ay may bagay na po-protekta sa mga pasahero sa LRT, I think dapat matagal na ito e. kahit noong panahon pa na wala pang nagtatangka na magpakamatay sa nasabing linya ng transportasyon. Nabuhay lang naman ang isyu na ito nang dahil diyan e. Ganun? Mag-aantay pa ba kayo na may maging successful sa kanilang pagtatangka ng pagpapakamatay bago niyo sabihin iyan? Naku naman.

Pero kung walang pondo ang usapan, e sa tingin ko ayos rin naman ang mga itsura ng mga platform area ng kasa isatsyon e. Ano lang kailangan? DISIPLINA ng mga pasahero. Kung may itinakdang linya na hindi pwedeng tapakan at tayuan ng mga pasahero dun, e dapat sumunod.

Pero kung titignan mo ang CCTV e biglaan ang mga nangyari e. Kagimbal-gimbal nga na a la horror scene ang dating sa morning TV. Nyai. Inay kupo!

Wala e. Nangyari na. Huwag na tayo magpin-point ng mga daliri. Matuto na lang sana tayo sa mga nangyari.

Author: slickmaster | Date: 09/23/2012 | Time: 11:45 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions


21 September 2012

What If Martial Law Still Exists Today?

09/21/2012 3:30 PM

Babala: maaring hindi lahat ng mga bagay na nangyari noon ay mailalahad sa blog na ito. Kung may kulang man, puwede niyong idagdag sa pamamagitan ng pagkumento sa blog post na ito. Salamat.

Kweeeeeestiyun! Este, Ang tanong… paano kapag ang batas militar ay umiiral pa rin hanggang ngayon?

40 Years After Martial Law…

09/21/2012 12:27 AM


September 21, 1972. Araw ng Huwebes. Sa bisa ng Proclamation #1081, idineklara ng Pangulo noon ng Pilipinas na si Ferdinad Edralin Marcos ang Martial Law. Ang pinakapangunahing dahilan sa pagdeklara nito ay ang labis na karahasang nagaganap sa kanyang panunungkulan. Ayon naman sa ilang mga kritiko niya, ito ay naisabatas para magtagal siya sa kanyang kapangyarihan. Tuluyang naimplementa ang batas-militar nang alas-9 ng gabi ng Setyembre 22, araw ng Biyernes; at inanunsiyo niya ito sa lahat ng istasyon ng radio at telebisyon na umeere sa buong bansa sa oras na alas-7:30 ng gabi noong Sabado, a-23 ng Setyembre, 1972.

20 September 2012

The Senator and The Cyber Mob


Babala: Ang mga nilalaman ng blog na ito ay pawing opinion lamang ng awtor.

Nagsimula sa isang usapin sa RH Bill, napunta sa plagiarism, cyber-bullying, at hanggang sa nauwi sa isang panibagong batas. Iyan ang isa sa mga kalbaryong nagaganap sa Pilipinas ngayon. Isang pasada sa isang… whew, maiinit ng mga pangyayari.

Kontra kasi ang mambabatas na si Senator Vicente Sotto III sa matinding usapin sa RH Bill. At isa sa mga privilege speech niya ukol dun ay halaw pala sa isang blog na naglalarawan ng halos kaparehong sentimiyento sa pananaw niya. Umalma si Sarah Pope, isang blogger at ang reklamo niya: Kinopya ng mga manunulat ni Sen. Sotto ang ilang mga linya mula sa kanyang akda at hindi man lang ito kinilala. Ayon naman sa napag-uusapang senador, bakit ko iko-quote ang blogger na iyun? Blogger lang yun. Bagay naman na inalmahan ng karamihan, kasama na ang inyong lingkod. Oo nga naman, parang hindi naman yata tama ang ganung argumento. Ang dating kasi ay parang minaliit ang mga kakayahan ng mga "blogger." And with all due respect, maraming mga magagaling na manunulat na nagsimula sa pagba-blog. At may mga magagaling na nagba-blog pa rin.

Pero ang pamumutakte kasi ng karamihan sa kanya ay sobra na rin e. Mantakin mo ha? Na-target siya ng mga “memes,” literal binubully siya kahit sa ganung pamamaraan. Naging incorporated ang kanyang apilyedo sa kada pangtitrip ng karamihan ukol sa plagiarism o copyright infringement pa yan. Aba, sa google nga, nakita ko talamak na ang post na ganyan e.

Kaya ba siya tumawag ng “foul” ukol dun at sinabi na biktima siya ng cyber-bullying? Maari.
Hanggang sa isa siya sa mga may-akda ng Republic Act 10175 o ang Cyber-crime Protection Act of 2012 na nilagdaan lang kamakailan lang ni Pangulong Benigno Aquino III. At sa pang-ilang pagkakataon na ay umaalma na naman ang mayorya sa batas na ito, lalo na sa probisyon ng electronic libel o online defamation. Tila sagasa ito sa kalayaan ng tao na magsalita.

Kaya ayan, batikos na naman ang mga alburoto ng mga bulkan, este, ng mga tao nito.

Pero, ito lang ang sa akin. Mali man ang ginawa ng senador kung ako ang tatanungin, pero mas mali naman ang ginawa ng mga tao sa kanya. Bakit kanyo? Kalian pa naging mabuti ang tahasang pambubully? Maging trending nga, pero sa panig naman ng kalokohan? Hindi sa masyadong seryoso, ha? Alam ko na karamihan kasi sa atin ay ginagawang katatawanan ang mga nagaganap minsan, pero alalahanin din natin na may hangganan din ito. Kung inaapura mo kasi ang tao, talagang may magagwa ito na hindi maganda laban sa iyo. At kapag nangyari iyun, wala kang karapatan na magreklamo pa laban sa kanya. Inapura mo nga e, gago ka ba?

Sa totoo lang, ke kung isa man siya sa mga may-akda talaga ng cybercrime act o hindi pa kumpirmado sa listahan (pakiupdate po), e hindi na rin ako magtataka. Binully niyo e. Sobra-sobra din kasi kayo kung manghusga. Ayan tuloy, ano ang napala niyo? Sino ang mas na-gago? Sino ang umuwing luhaan? Kayo din.

Author: slickmaster | Date: 09/19/2012 | Time: 03:02 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

17 September 2012

Load

09/15/2012 | 7:07 PM

Ako po si Jun, 21 anyos, single since birth bagama't hindi naman ako maituturing na isang ganap na desperadong romantiko. 

May nakilala ako sa internet. Siya si Glenda, 19 anyos, kakagraduate lang mula sa isang pamantasan sa kursong nursing. Pero hindi sa istorya ng pag-iibigan iikot at kuwentong ito. Saan ba? E di magbasa ka ng malaman mo.

Playback: Gloc-9 – Alalay ng Hari

09/17/2012 11:30 AM

(halaw mula sa pangalawang berso ng kantang ito)

‘Pag COLD SUMMER NIGHTS ay napapraning
MERON AKONG ANO na ‘di bading ang dating
Silang mga UBOS BIYAYA na laging lasing
Mga NILAMON NG SISTEMA na andyan pa rin
Kabulok ang nangangamoy kahit dumadaan sa korte
Sino ang kumain ng isang kilong MAHIWAGANG KAMOTE?
Kaya MGA KABABAYAN, ITO ANG GUSTO KO
Hindi ka dapat mahiya KAHIT ILONG MO AY PANGO
Kasi TAYO’Y MGA PINOY, anuman ang mangyari
May MAN FROM MANILA na palaging magsasabing
ONE CAN’T TALK PEACE IF YOU HAVE A GUN
Handa ka bang ipaglaban ang THREE STARS AND A SUN?

Hindi ko alam kung naging single na ba ito ng rapper artist ni Gloc-9 sa ngayon. Ito ay isa sa mga kanta niya na nagawa mula sa kanyang album na Mga Kwento Ng Makata na kaka-release lang ngayong taon under Universal Records. Kasama niya sa kantang ito ay si Allan Mitchell Silonga na siya naman kumanta ng chorus nito. Nagkasama na ang dalawa sa kantang Alay.

Nilarawan ni Gloc-9 dito ang iba’t ibang kwento na gusto niya ilahad. Ang kwento ng isang artistang tulad niya kung paano siya nakagawa ng kanta, nagpursige sa kanyang karera, nagustuhan ng tao at napahanga ang mga ito. Tila isang tribute ito sa isang tinaguriang master rapper, ang pinakahaligi ng rap sa Pilipinas na si Francis Magalona. Si Francis M kasi ang lubos na nakatulong kay Gloc-9 na maging isang ganap na rap artist. Isang pagtanaw ng utang na loob? Hindi lang. Pagsunod sa yapak ng isang alamat? Hmm… Basta, astig lang ng kantang ito.

Kung napanood niyo ang kwento niya sa palabas na documentary ng GMA News na iWitness, malamang, napakinggan niyo ito kahit minsan at saglit lang dun.

Nakaka-LSS (Last Song Syndrome) lang siya para sa akin ngayon dahil sa totoo lang, ito ang mas gusto kong pakinggan na mga kanta. Hindi lang ang genre ng hip-hop, kundi ang mga kantang may matitinding mensahe sa buhay. Inspirasyonal pa nga ito kung maituturing, na parang kung bibigyan mo ng magandang kahulugan e para kang nakikipag-usap sa supreme being mo. Na ‘wag kang sumuko kahit sabihan ka pa ng tao na “bakit ka ba laging kasali?”

At kung mapapansin niyo ang ilang linya mula sa kantang ito na binanggit ko sa akda po na ito, mapapansin niyo na karamihan sa mga naka-CAPITALIZED at BOLD na mga salita ay mga kanta ni Kiko, at kung hindi man ay mga ilang mga linya sa mga ito. Parang kumbaga sa mga elemnto ng rap battle bars, ito ang tinatawag na reference – ang pagtukoy sa mga pangalan na pamilyar sa hip-hop o rap. (Kung tama nga ba ang pagkakaintindi ko ayon na rin sa pag-eksplika ng isang underground rapper sa kanyang Facebook notes) at wordplay, kung paano niya nilalaro ang salita na ayon sa kanyang kagustuhan at pagkakaayos.

Maliban pa diyan, parang may patama sa mga napapanahong mga pangyayari at mga tao  ang ilang mga kataga sa kantang ito kung pag-iisipan ng malaliman ito.

Agree ako sa sinabi ng isa sa mga online buddies ko sa Facebook, ang nasabing mga kataga dun ay ang pinakamagandang part eng kantang ito.

Nang dahil sa kantang ito, mas sumasaludo ako kay Gloc-9 para sa pagtaas ng bander ng rap sa Pinas. Maliban pa sa kanyang mga nagdaang album at kanta, tunay nga na maituturing na makata ito.



Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Alaala Ng Isang Tambayan

09/15/2012 06:35 PM

Sa oras ng gabi, isa akong “batang-gala” sa kalye. Madalas nagmumuni ako mag-isa o may kasmaang barkada. Napapunta kung saan-saan, mula sa tindahan ng uncle ko, sa basketball court, sa kalapit na kainan, o sa isang computer shop lamang. At sa lahat yata ng mga computer shop na nirentahan at tinambayan ko, isa lang talaga ang nagsilbing bilang pangatlong tahanan ko.

14 September 2012

Epal

09/14/2012 10:50 AM 

Photo credits: Definitely Filipino; obtained through Pinoy Gigs

Epal. Isang salita na tumutukoy sa taong pagiging mapapel, yung mga sobrang papansin, at laging nakikisale(?).

12 September 2012

Sa Sobrang Kumplikado ng Pag-ibig...

08/02/2012 04:36 PM

Sa totoo lang, kumplikado nga ba ang pag-ibig, o ‘yung mga tao lang ang nagpapagulo nito? Extreme emotions kasi ang kayang idulot ng nito sa ilang mga tao, depende na iyan kung kasiyahan ba o kabiguan.

Pero sa kabilang banda, iba din ang takbo ng isip ng bawat tao. Kaya kahit magpaka-mind-reader ka pa, walang katiyakan. Lahat ay nagbabago sa kada tika ng oras.

10 September 2012

OPM IS DEAD? I DON’T THINK SO.

Aba, ang musika ng Pilipino, mamamatay?

Ows, hindi nga?

Sa totoo lang, hindi ako isang maalam na tao sa musika. In fact, isang hamak na music lover lang po ako. At sadayng opinonated na tao. Pero para sabihin na patay na ang Original Pilipino Music? Teka, parang kaduda-duda yata yan ah.

Kamakailan lang, naglabasan ang mga artikulo na naglalahad ng kani-kanilang mga opinyon na tila bumabagsak na daw ang local music industry sa Pilipinas. At sa reaksyon ng karamihan ng mayorya, pinutakte ang artikulong “OPM is dead, so sue me” ng GMA News*. Tila hindi nila ito nagustuhan, at yung iba dyan, as usual... (naku, asa pa kong mawawala ang mga putok-sa-buho na iyan ano?) mga wala sa hulog na banat na kung tumira.

Sa totoo lang, may punto rin kung bakit nila maituturing na patay na para sa kanila ang musika sa Pinas. Sa trend kasi ngayon, usong-uso ang mga revival, at mahahlata mo iyan sa kaliwa’t kanang mga cover sa YouTube na nagiging avenue na rin para sa mga ilang artista para sumikat at gumawa ng sariling record.

Kung makikinig ka ng mga radyo sa ngayon, ano ang madalas mong mapapakinggan, maliban sa mga tulad ng K-Pop, iba pang mga musikang pang-banyaga na galing sa mga bansa sa Europa at Estados Unidos, at ang mga nakakakuliling sa tenga na mga novelty na kanta, isama mo na ang mga romantikong ballad dyan na gasgas na sa tenga. Mga halatang pang-benta lang na bagay at isama mo na rin dyan ang mga artista mula sa ibang panig ng showbiz na hindi ko alam kung nahasa ba talaga ito sa laranagan ng pagkanta o para may dagdag pogi o ganda points lang.

Isa pang malaking dagok dyan ay yung pag-sara ng isang recording company na tila isang knock-out sa indutriya, kumeptisyon sa negosyo at karera ng mga talent at mga prospect.

Pero sapat na ba iyan para sabihin na patay na ang OPM?

Sa tingin ko, hindi. Oo, HINDI talaga. At marami pang mga bagay dyan ang magpapatunay kung bakit buhay na buhay talaga ang OPM.

Maraming mga lokal na mang-aawit ang nagtatagumpay sa pakikipagsaparalan sa ibayong dagat at may magagandang karera pa sa mga nasabing lugar. Isa pa, world-class kaya ang talent ng mga Pinoy.

Kung pagbabasehan mo ang mainstream, e marami kayang mga artista ang namamayagpag sa indusriya. Be it rapper, soloist, romantic balladeer, at mga banda. Siguro kung may kulang sa mga ganuitong bagay? Yun yung mga kanta na may kabuluhan. Yung mga may mensahe. Hindi lang yung pang-benta lang. Society needs, ika nga, instead of their wants. Kelangan ang mga ganyang klaseng musika ng exposure. Maraming mga magagaling, dyan lang sila kulang... sa pagpansin ng nakararami. Kung papansin mo kasi ang mga ipinapakita ng media sa iyo ngayon, e... karamihan dyan, panay hangin ang laman e. Walang kalidad ba. Yung iba, pinasikat kahit hindi pa ganun kahasa. Yan siguro ang bad side. I mean, baka maituturing pa na naghihingalo na ang OPM industry dahil dyan. Pero linawin ko lang ha. Sa mainstream yan. Kung pangkalahatan ang usapan, iba ang sitwasyon.

Ito lang siguro, ano po. Bago mo sabihin na patay na ang OPM, subukan mo munang gumala sa gabi, papunta sa mga bar dyan tulad ng 19 East, 70s Bistro, Cafe Lupe, Blue Wave, Metrowalk, at iba pa. At baka doon mo lang malaman na buhay na buhay ang musika sa Pinasn kahit alam natin kung gaani kahirap ang mag-produce ng album kung pera-pera ang usapan. Hindi lang pang-Pop ang OPM. Maraming mga may magagaling at may potensyal kesa sa mga ipinapakita sa TV at naririnig sa radyo.

At buti na lang, may mga magagandang hakbang pa at least ang ginagawa ng mga taga-mainstream. May ginanap na song-writing contest, may mga event para i-promote ang kani-kanilang mga genre, at ultimo ang website na pwede ka na bumuli ng mga kanta sa tingi na halaga. Kahit sabihin na natin na “parang iTunes lang e” mas ok naman na ang ganito kesa sa umasa sa mga libre pero ilegal na download. Buti sana kung pinayagan yan ng mga artista mismo. Sabihin man antin na “it’s business, after all” e may beneficial factor naman para sa parehong mang-aawit at mga tagapakinig na hindi kayang higitan ng halaga ng pera.

Isa pang bira, kung sinumana nag nagsabi na OPM is dead, e... wala tayong magagawa. Opinyon niya yan e. Pero mawalang galang lang din, sa tingin ko may mga punto na tama sa sinabi niya PERO KARAMIHAN DUN AY KAYANG PATUNAYAN NG REALIDAD NG BUHAY NA HINDI NAKIKITA NG LENTE O NAPAPAKINGGAN SA RADYO NA WALIWAS SA OPINYON NIYA. Pero bagamat taliwas ang aking pananaw sa sinabi niya, nirerespeto ko iyun at naiintindihan. Hindi natin kailangan na masyadong mag-rant para lang mapatunayan na mali siya. At huwag din natin siya personalin at maging sadista. Diyan tayo sasablay.

Inuulit ko po. Hindi po patay ang industriya ng Orihinal na Pilipinong Musika. In fact, buhay na buhay pa nga ito. At darating din ang panahon na aangat pa lalo ang OPM.

http://www.gmanetwork.com/news/story/271491/opinion/blogs/opm-is-dead-so-sue-me


Author: slickmaster | Date: 09-10-2011 | Time: 05.31 p.m.