Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

30 September 2012

TALES FROM THE CITY LIGHTS – NO MORE CURFEW NIGHTS.


Una kong narinig ang salitang curfew noong bata pa ako. Nasa basketball court ako nun nung napansin ko ang nakapaskil na “curfew.” Bawal daw kaming mga menor de edad ng lumabas sa oras na alas-onse ng gabi hanggang alas-singko ng madaling-araw. Ito nga ang dahilan kung bakit takot ako na lumabas noong mga dis oras ng gabi. Kapag nagising na ako ng alas-4:30 nun, aantayin ko pa mag-5 para lang maglaro sa court. At kailangan bago mag-11 nasa bahay na ko kaya hinahapit ko ang pag-order ng pagkain nun. Masyadong masunurin, no?

Ito palang curfew na ‘to ay isa sa mga batas na ipinatupad ni Macoy noong Batas Militar. 12 midnight – 4 am naman yun. Sa ngayon, hindi ko mawari kung ipinapatupad pa rin ito. Sabagay, ang isa sa mga layon kung bakit sa kabataan lang ang tinatarget ng batas na ito ay dahil sa dumaraming mga tambay at nagiging adik. Minsan pa nga nagkakaroon ng mga away o gang war. Pero sa kabutihang palad, wala naman akong nabalitaan na ganun ditto sa lugar namin.

Kahit noong 16 anyos pa lang ako at inuutusang bumili ng mga pinsan at kapatid ko ng alak, parang andun pa rin ang takot ko e. Buti na lang ang pinagbibilhan ko nun ay yung tindahan ng mga pamangkin ko (at that time kasi, may tindahan pa sila at 24-hours a day silang bukas). Kaya lang medyo may guilt pa rin, minsan nga halos mangatog na ang katawan ko sa kada nakakakita ng mga baranggay tanod. Akala ko huhuliin ako, yun pala. Tatanungin lang. “iho, saan ka pupunta?” “Ah, bibili lang pos a tindahan, ser.” Ayun, ‘di naman nasisita. E hindi naman kasi talaga ako naglo-loiter. Yung utos lang talaga ang pakay ko.

Pero sa pagdaan ng taon, nasa legal na edad na ako, parang ewan na lang ang mga nangyayari. Bakit kanyo? Sa kada panahon na uuwi ako ng bahay o tatambay sa computer shop ng tropa ko sa hatinggabi e ang daming mga kabataan ang nakatambay lang. Though wala naman silang ginagawang masama (hindi ko na pwedeng himasukan ang pagyoyosi ng mga ‘to, tumatagay, o pakikipaglalandian), pero may curfew e. Naiisip ko na lang na “sabagay, ‘pag andayn na ang mga tanod e kakaripas ng takbo ang mga ‘to, maghihiwalay ng mga eskinita para lang makatakas.” Pero, may batas pa rin e. Parang hindi yata natatakot ang mga ‘to o ine-excuse lang ang pagiging ignorante. Pwede naman silang pumasok sa silong o barong ng mga bahay nila at doon gawin iyun. Ewan.

Sa burger stand nga lang na inoorderan ko ng buy 1 take 1 na mga pagkain e mararaming mga andun na mahahalata mo sa edad. Ayos sana, e kaso hindi naman umoorder. Pero dedma na lang, paki ko ba sa mga iyun? Buti sana kung pinagtitripan ako kaso ibang usapan na iyun.

Pero hindi ganun e. Ang ilan sa mga nakikita ko, andun lang sa bandang court nakapatrol. Sabagay, dun naman talaga ang destino ng karamihan sa ganung oras. Dahil doon, may malapit na kainan na bukas sad is oras ng gabi, isama mo na ang isa pang burger stand, tindahan ng isa sa mga kilala ko na kapitbahay, at isang open 24 horus daily na bakery.

Sa tingin ko, kahit tila wa curfew na e maayos pa naman ang nangyayari. At hindi na rin ako pwedeng huliin kung tatambay man ako (pero hindi ko naman gagawin ang mag-loiter anyway) dahil 22 na ako e. Saka sa totoo lang, ang mga nakikita ko pang mga umaakto ng pasaway kesa sa mga batas a ganung oras ay yung mga manong na tambay. Tumatagay pa ng kanyang hawak na 1 malaking bote ng isang brand ng brandy sa bandang tabi e. Yung iba pa dyan na nasa edad 30 lang nakikipag-away na sa kapwa niya na lashing. Yun lang ang mga eskandalong nagaganap.

Samanatalang yung mga mas bata pa sa akin na napapansin ko kahit alam ko na mga may grang o frat ‘tong mga ‘to? Chill lang. Nakatambay nga pero ang titino naman, hindi ganun kalakasan ang boses para maka-istorbo sa mga natutulog na kapitbahay at kung nasa shop naman, tahimik din. Tama yan, nang hindi mapahamak yung mga may-ari ng tinatambayan niyo. At hindi lang sa lugar ko mismo napapansin ito, kundi pati na rin sa ilang mga lugar na nadadaanan ko sad is oras ng gabi, commute man o naglalakad.

Isang bagay lang ang sigurado. Kung epektibo man ang curfew o hindi, ‘pag disiplinado ang tao, maayos at matiwasay ang komunidad sa gabi.

Author: slickmaster | Date: 09/30/2012 | Time: 12:13 a.m.
© 2012 september twenty-eight productions.

WHERE’S THE MESSAGE?


Lumaki ako na ang musikang madalas pakinggan ay ang mga may makabuluhan na nauuso pa kahit papaano noon. Iyan ay sa kabila ng mga naglalabasang mga mahahangin sa mainstream. Ngayon, napapatanong na lang ako. Nassan na kaya ang mga ganitong musika? Ito dapat ang mas pinapakinggang ng karamihan kesa sa mga halatang pasikat kahit hindi pa ganun kahasa e. Sensible music, ika nga. Ang art noon, hindi lang may commercial value, may moral value din. Kaya astig talaga kung maituturing. Iyun nga lang, mas madalas ito makita sa mga larangan na hindi na saklaw ng mga nauuso.

Pero alam ko na mayroon pa naman sa pop culture na may ganitong tema e. Yung mga may dating alaga. Hindi dahil sa mababaw na aspeto tulad ng astig na rhythm o beat, o ‘di naman kaya’y yung mga madaling kabisaduhin yung mga salita ng lyrics. Kundi dahil sa mga may mga magagandang kwento sa likod nito. Yung tipong may mapupulot ako na may kaututran at matututunan, kahit sa kabila ng mga katarantaduhang mga binibigkas ng mang-aawit. Yung talagang masasabi na may replay value.

Alam ko, meron pang mga ganitong klaseng bagay sa panahon ngayon. Though ang isa sa mga pinakapatok noon ay ang kanta ng Black Eyed Peas na “Where is the Love?” Akala ko nga nung una e, panay romantisismo na naman ito e (love e). Pero ‘tol, ‘wag ka.

29 September 2012

TV, Y U NO MO GOOD?

09/28/2012 03:05 PM

Kung sakaling hindi o nagets ang naturang pamagat, TV Why You're No More Good?

Nag-iiba na ang panahon, pati na rin ang programming ng telebisyon. Kung dati ang titino ng mga palatuntunan, ang tanong: meron pa ba kayang mga ganito ngayon?

Sa Likod Ng Mga Umaatikabong Eksena Ng Mga Krimeng Naganap (The Closed Circuit TeleVision Camera Story)


Moderno na ang mundo ngayon, at hindi nagpapahuli sa mga dorobong mala-high-tech na rin ang istilo ng pananamantala nila sa kapwa. Anuman ang kalokohan nila, nahuhulog na sa patibong nga mga pwersa ng mamamayan at alagad ng batas gamit ang isang camera na kung tawagin ay CCTV.

Dati lang ito nakikita sa mga pampublikong lugar para tulungan mandohan ang mga seguridad ng mga naturang gusali o establisyamento, lalo na sa mga opisina ng mga matataas na kumpanya. Kung sakaling may security lapses na naganap sa panig ng mga gwardya, ito ang isa sa mga natitirang sandigan sa mga pangyayari.

Ngayon, sa mga ilang bahay at ultimo mga kalye, meron na ring nakakabit na CCTV camera. At iba’t ibang klase na rin ang mga ito. Bagay na malaki ang naidudulot at naiaambag sa panig ng otoridad kontra krimen.

Sa mga closed circuit television camera kasi naidodokumento ang mga pang-araw-araw na pangyayari sa isang spesipikong lugar na abot nito. Abot ang mga sitwasyong nagaganap. Kung may sablay na transaksyon, may nakaligtaang tao na dumalaw, at iba pa. Pero kapag sa mga bagay na akto ng krimen ang usapan, nahuhuli din nito ang mga suspek at biktima. Madalas sa mga news items na police beat ang tema, naisasama na bilang paret ng mga ulat ang mga kuha ng CCTV. At ultimo ang trapiko sa lansangan, hagip na gamit nito na pinapahiram pa sa mga ahensya ng pamamahayag para sa kanilang mga traffic report.

Sa mga laman ng balita na hindi na nahagip ng mga lente ng media, CCTV ang isa sa mga tanging makakapagresolba. Kung ang isang prominenteng nakatakas na kawatan ba ay pumasok sa isang casino, kung may nag-check-in sa isang kwarto pero yun pala ay nire-rape na ng isang diplomat at kanyang dine-date na dalaga, kung nakunan ba ang dorobo ng hindi masawatan na budol-budol gang, nangholdap sa isang tindahan, niratrat ng bala ang isang dumadaan lang na tambay, ang ultimo pagsasgasa ng isang sasakyan sa center island na ikinasawi ng isang bata, kung may tumalon sa riles at nagpasagasa sa dumaraang tren, at iba pa.

Malaki ang naitutulong nito kahit sabihin pa na ang ilan sa mga ito ay hindi lubusang malinaw ang kuha, ang iba ay nahalata ang nasabing device, pero nakagawa pa rin ng krimen. Ang hindi maisalaysay ng tao, nakikita sa mga camera na tulad nito. Kaya malaking bagay na rin pag gumawa sila ng imebstigasyon at mas matindi pa kung mahuli ng mga kapulisan ang suspek sa isang naturang krimen gamit nito.

Isang bagay ang siguradong pinapatunayan ng CCTV camera. Ika nga ng isang palabas, “Hindi nagsisinungaling ang ebidensya.”

Author: slickmaster | Date: 09/28/2012 | Time: 01:32 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

28 September 2012

ANG MAPAGHUSGANG LIPUNAN.


Sa panahon ngayon, hindi natatalab ang kasabihang “Don’t judge the book by its cover.” Bagama’t may mga matitinong kritiko naman sa mundong ito, e marami naman ang mga superficial, yung skin-deep lang ang pag-unawa. Ano ang ibig kong sabihin? Pansinin mo ang mga bagay-bagay sa lipunan, sa mga news feed mo sa Facebook, at diyan mo makikita ang mga sagot, tulag ng mga ito:

Itsura o pananamit ng tao. Sa mata ng iba, diyan mo makikita ang personalidad ng isa. Kung anong klaseng tao ka.
  • Kapag magandang lalake ka, dalawang bagay: sa matitino at sa mga babae, gwapo; at sa mata naman ng mga insecure, bakla, lalo na kung may pagkabanidoso ang mga ito.
  • Kapag hindi kaaya-aya ang panlabas na anyo, ineechepwera ng karamihan. Wala na silang pakialam kung mabait naman ang kalooban nila sa kabila ng kanilang itsura.
  • Kapag naka-make-up masyado si ate, dalawang bagay: sobrang kaartehan, o isa sa mga prosti. Yun lang ang panlaban niya kahit laspag na talaga pag nahubaran e.
  • Kapag corporate ang attire, mataas na ang katungkulan ang tingin nila sa kanya. Teka, hindi ba pwedeng uniform nila ang ganyan?
  • At kapag kulot ang buhok, parang yung usong kasabihan… salot.

Sa pagsasalita naman nalalaman din ang ugali ng isa.
  • Kung matiwasay, mahinhin ka.
  • Pero kapag balahura ang dating, e parang ganun nga.
  • Kapag may slang, sosyalera na daw o maarte.
  • Kung loudmouth masyado, parang nagger.

Kapag may kasama ka sa isang lugar, pampubliko man o bahay, may masasabi din sila depende nga lang sa mga kasama mo.
  • Kapag ang dalawang babae ay magkasama, ayos lang yan bagamat may iba diyan bumibira na “ay, sa malamang ang isa diyan ay tibo o lesbian.”
  • Kapag ang isang babae at isang lalake naman lalo na kapag magkaedad lang sila sa itsura, ang unang impresyon ng ilan? “ay, mag-syota ‘to” kahit sa totoo lang, puwedeng mag-utol o magkatropa lamang sila o kahit wala naming akto ng PDA na nagaganap.
  • Kapag dalawang lalake ang magkasama, dalawang bagay: magtropa o yung isa diyan, bakla.
  • Kapag may kasamang bata, “ay, may anak na” ang sambit nila, kahit sa totoo lang e inaanak mo lang o pamangkin o kung ano pa iyan.
  • Kapag ang isang pangit at maganda ang nagsama, “ginayuma” daw ni pangit. Ngek! Grabe naman iyan.

Sa isang simpleng post ng Facebook natutukoy din ang personalidad ng tao. At sa mga kumento ng ilan mo mahahalata kung nakakintidi ito sa binasa nilang post o hindi. Ilang bese na ko nagmamasid at ito ang mga nakita ko… kasarap lang bigwasan ang iilan.
  • Pag nagpost ang user ng isang mala-ampalayang mga salita at may babala ito, may magkukumento pa rin ng “Ang bitter mo, gago!” Ay, ang tanga lang.
  • Kapag nagpost ng isang tirada o nagaalab na saloobin ang isa, may nagkukumento ng “hoy, sino na naman ang kaaway mo?” o ‘di naman kaya ay “U MAD?” Ay, hindi! Proud ako, tanga!
  • Kapag nag-post ang isa ng isang mala-kesong linya, dalawang bagay: sweet o in love, o corny/ gasgas na. kapag maraming sinasabi, ano ka? Ernie Baron? Ang dami mong alam, dre. Sorry ha? Inggit kasi ang mangmang na tulad mo e.
  • Kapag may nilalamang maselan na salita, malibog na kaagad. Weh?
Ang mga nabanggit ko ay iilan lang sa mga bagay-bagay na naka-agaw ng pansin sa akin. Ayun pa pala, kapag napuna mo, masasabihan ka pa na “pakealamero.” Sabagay, kung may mga kapuna-punang mga bagay ba naman e. At may pagkadepende ang pagiging pakialamero at tsismoso ng isa. Siyempre, nilulugar din iyan. May mga bagay na pwedeng pansinin at may mga bagay din na off-limits na.

Sa wall photos nga lang e pag may napansin lang kukunan na kaagad ng litrato e regardless kung worth it ba ng attensyon ang bagay na iyun o hindi. At mahahalata mo din kung gaano kababaw ang panghuhusga ng ilang mga tao. Pustahan, kapag ito ay nabiktima ng ibang tao sa ganyang gawain din na tulad nila e diyan lang sila matatauhan. Nakakahiya kaya ang pagtripan ka sa social media.

Sa balita, pag nahagip ka lang ng lent eng kamera e akala ng iba laman ka na rin ng balita mismo. Yung iba nga pag nadyaryo e, akala nila masamang balita na ang kinasangkutan.

Pag na-typo ka nga lang sa ilang mga post, may mga aaribang mga “Nazi” diyan. Lalo na siguro kung palyado pa ang pag-i-Ingles mo. Grammar Nazi ang aatake sa iyo.

Sa sobrang marami ring mga perpeksyonista sa mundo, nakalimutan yata ng mga ‘to na hindi sila angat kahit ilang beses sila mamuna at makisawsaw. Yan, ang hihilig kasi makiuso e.

Marami pang mga tanong. Parang mga ito:
  • Pag may litratong magkasama, magka-date na kagad?
  • Kapag siya ang last touch, siya na kaagad ang nagnakaw?
  • Kuapag nakashoot a la Kobe moves, superstar na kagad?
  • Kapag mabilis mag-rap si Loonie na kagad?
  • Kapag mga ganitong linya, si Vice na kaagad? (Sabagay, siya ang nagpauso niyan e.)

O ewan… ang dami.

Isang bagay lang ang sigurado. Mapanghusga tayo sa sariling karapatan at pamamaraan sa ayaw o sa gusto natin. Pero pustahan ang iba, magdedeny, at yung iba na maghuhugas-kamay, mabibira pa ng “ipokrito” ng iba. ay, naku. Ayos lang maging kritiko, pero sana laliman naman natin. Hindi yung “may masabi lang.”

Author: slickmaster | Date: 08/03/2012 | Time: 09:39 a.m.
© 2012 september twenty-eight productions

The Thin Line #3: News and Commentary

09/27/2012  09: 46 PM

newsonnews.com
Sang-ayon ako sa sinabi ng isang batikang mamahayag at propesor na si Crispin C. Maslog. “Opinion should be separated from news.” Pero sa nagbabagong trend kasi ng pagbabalita sa broadcast media, ‘tila na wala masyado ang makakapagbigay ng distinction sa kung ano ang binabalita sa mga isyung pinupuna. Wala bang boundary? Hmm…

Rumorondang Kawatan

09/27/2012  09:27 PM

Baguio Herald Express
Isa sa mga bagay kung bakit tila nababalot na sa takot ang ilang mga kababayan sa ilag ng mga lugar ditto sa Kamaynilaan ay ang mga taong mapagsamantala sa kapwa. Yung mga tao na kayang tumakas ng basta-basta ang mga modus na kanilang pinagagagawa. Sila ay kilala sa terminong “riding in tandem.”

27 September 2012

PlayBack: 187 Mobstaz - We Don’t Die We Multiply

09/25/2012 11:43 PM

One of the large famous groups in the underground rap scene, 187 Mobstaz unleashed its music video.

Martial law in the cyberspace? (The Online Libel Story)

Noong Sabado, a-15 ng Setyembre, 2012 ay nilagdaan ng Pangulo ng bansa na si benigno Aquino III ang batas na susupil sa mga krimeng nagaganap sa internet. Ang Cybercrime Protection Act of 2012 ay may saklawa sa ilang mga kaso ukol sa child pornography, cyber-bullying, identity theft, fraud at online defamation o online libel, at ang mga parusa sa sinumang lalabag ay 6 hanggang 12 taon na pagkakabilanggo at may multa na hindi bababa sa P20,000 pero hindi lalagpas sa P10 Milyon.

Bagamat may mga ulat na irerepaso ang ilang mga probisyon sa part eng online libel. Marami naman ang umaalma. Maari daw kasi nito masupil ang karapatan ng isang tao na maglahad o magsalita.

Parang ang dating ba ay pag nagsalita ang mga pulitko, wala nang karapatan ang mga mamayan na magreact. Sabagay may punto nga din naman, lalo na kung mga “epal” ang mga ito at ang sagot ng mga netizens sa kanila ay ang pamamraan ng pangba-bash.

Hmmm… masasagasaan nga. Kasi isa sa pinakaprimarong karapatan natin ayon sa mata ng batas ay ang maglahad. OO nga naman, bakit mo ko tatanggalan ng karapatan na maglahad. Marami ang maapektuhan nito, lalo na ang inyong lingkod na umiikot sa mga usapin sa lipunan madalas umikot ang mundo ng pagba-blog ko. Parang binigyan mo kami ng piring sa aming bunganga at maging piping saksi sa lahat ng kaganapan. Literally, it’s a big SHUT UP on me.

Pero sa kabilang banda tingin ko, may dahilan kasi kung bakit kailangan maghigpit ang batas lalo na sa ngayon. Pero duda ako na a la Martial Law ang dating nito, unless kung sobrang higpit talaga. At mahihirapan sila na supilin ito, hindi dahil a kung anu-anong mga teknikalaidad at terminolohiyang may kinalaman sa Information Technology ang kinakailangan, kundi dahil sa walang malinaw na level of tolerance. May mga bagay kasi na masasabi na libel ng isa pero hindi naman sa panig ng iba. At bilang tao, magkakaiba tayo ng pamantayan kung ano ang nakakatawa sa nakakaasar sa ating mga kanya-kanyang pananaw, lalo na sa mga social networking sites na ginagawang libangan ng karamihan, o panakas mula sa mga masasamang kaganapan sa realidad ng buhay. Ditto na lang nila nagagawang tawanan ang problema.

Pero… may rerepasuhin man o hindi, kailangan na rin kasi ng batas na ito e, kahit sa totoo lang ay mahirap sugpuin ang mga cyber crime, dahil sa sobrang daming mga terminolohiya at teknikalidad ang kinakailangan para maresolba ang krimen. Dumarami pa ang mga abusado, ke trip lang man yan o sadyang may layunin.

Matanong ko lang, yung totoo… labag ba talaga ito sa freedom of expression ng tao o dahil hindi lang ito matanggap ng mga asal-gago sa internet? Yung mga taong mapang-abuso. Mga siraulo kasi kung makapagkumento sa mga web sites, ke discussion forum man o sa isang simpleng Facebook post. Hindi pa ganap na nagpapakilala, madali lang kasi ang magpanggap sa harap ng computer e.

Isip-isip muna.

At isa pa, may manipis kasi na linya na naghihiwalay sa pagitan ng pagsasabi ng totoo at sa tahasang pangungutya. Halos wala itong pinagkaiba sa aktwal na libel o defamation.

Alalahanin natin na sa kada salitang binibitawan natin, maliban pa sa ito ang maglalarawan kung anong klase tayo, ay may responsibilidad tayo na pinanghahawakan sa mga ito. Kaya mag-ingat palagi sa mga sasabihin at ipopost.

Huling bara: hati ang opinyon ko. Pabor ako, maliban lang sa mga probisyon sa libel. Kung kailangan man ito repasuhain, aba e dapat lang siguro. Dahil pare-pareho lang tayo talo dito. At nilalahad ko pala ito ng nasa ayos.

Author: slickmaster | Date: 09/27/2012 | Time 12:04 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

Tatanda Ka Na Naman… (Birthday Mo Na Naman, E Ano Ngayon?)

09/27/2012  11:16 AM

Lumampas na naman ang isang taon sa buhay mo. Madadagdagan na naman ng isa ang numero ng edad mo. Isa ito sa pinakamasayang araw sa karamihan, maliban na lang kung nagdiriwang ka din ng mga espesyal na araw told ng Pasko, Bagong Taon, Valentine’s Day, o ultimo month-sary at iba pa.

Silang mga balasubas…


Tila hindi na sila mawawala sa sistema. Kumbaga sa sakit, pang-terminal na ito. Parte na kasi ito ng pang-araw-araw na buhay ng ilan. Hindi na bago ang mga pangyayari dahil noon man o ngayon, nariyan pa rin ang mga taong ito. Sa ngalan ng material na yaman, manlalamang sila, at minsan pa nga e handang makipagpatayan makuha lang ang mga bagay na tutugon sa kanilang mga halang na sikmura, isipang kinakalawang at pusong mas matigas pa sa pader na gawa sa  pinaghalong semento at bakal.

Sa kada pagkakataon ng pakikipagsaparalan ko sa lungsod, nakikita ko ang mga ito. Akala mo mga patpating tambay, yun pala ay magnanakaw ng pitaka. Sa kalye man o sa mala-Sardinas na pampasaherong sasakyan, umaatake sila nang hindi mo nalalaman. At ika nga ng kasabihan, “malalaman mo lang ang halaga ang isang bagay kapag wala na ito…” sa tabi mo. As in literal.

At sa gabi naman, ang akala mong simpleng madilim na espasyo, may kahiwagaang nagaganap. Dalawang bagay lang, may naglalampungang mga puta o may tumitimbreng kawatan. Mga nag-aantay na may mabiktima. Kapag pumalag, patay na kung patay. Parang hindi man lang naisip ng mga ito kung gaano kahirap ang bumuhay ng isang tao tapos kikitilan na lang sa isang iglap gamit ang makalawang na lanseta o ng tinggang may pulbura.

Sa kabilang dako naman, malulutong na murahan ang eksena. May kamuntikan na magbanggaan kasi na mga sasakyan sa isang interseksyon doon. Hindi pa nakuntento, nagmaanagas pa ang parehong kanto sa gitna ng kalye. Ay, kasarap sagasaaan ang mga bwakananginang mga ‘to. Pwede bang magsitabi kayo? Hindi lang kayo ang hari ng kalsada, alam nyo po.

Sa simpleng pagpila nga lang e pakapalan na ng mukha, makasingit lang. Kapag sinita mo, wala! Babaligtarin ka pa. Ikaw pa ang maeechepwera. Mas makapal pa sa isang ream ng papel ang mga pangit na pagmumukha nila.

Yung mga taong gumagawa ng tama sa lipunan ngayon, ewan ko kung bakit pa sila pa ang mas naagrabyado? Kung bakit sila pa ang mas hindi nagagantimpalaan? Ang simpleng pamamaraan yata na magsabi nga lang ng katotohanan e pinapatay na, kung hindi man e hinaharass. At ang mga tumatanggap ng lagay dyan e sila pa ang mas nangingibabaw. Sabagay, pera-perahan e. Samahan mo pa ng palakasan sa tao. Ang magandang budhi sa panloob at panlabas na anyo? Asus, asa.

Kaya minsan, hindi ko masisisi ang mga taong pumili na tumahimik na lang at maging pipi’t bulag na saksi sa mga kaganapan. Mga lumugar sa “walang pakialam,” kahit ang ilan sa kanila ay ilang beses na binabastos, sa likuran man o harap-harapang ginagawa.

Ang buhay kasi ng isang tao ngayon ay nakadepende na sa diskarte nito. Kapag wala siya nito, ano na lang ang kakainin niya pagdating na lang ng dapit-hapon?

Author: slickmaster | Date: 09/27/2012 | Time: 10:23 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

The love of doing video mixes.


It’s been two years when I last made a highlight reel video. I am talking about basketball here, by the way. Specifically, NBA. Way back then, doing some video editing is one of my favorite things that I used to do during my past time. And if I’m not mistaken, mixtape was one of the terms used as referring to a video showcasing a basketball highlight mix.

For years, I’ve seen a lot of them before in the video streaming site called YouTube. Whether it is a fan made or for the league’s promotional use; and for other leagues as well such as the local PBA or the famous streetball known as AND1. I remember owning a video compact disc of one of its volumes that my sister’s ex-boyfriend gave me.

Well, on that type of video you can see a lot of more than just a super-typical move. A shake-and-bake act called crossover, a circus-like lay-up, or a thunderous, or monstrous shot called dunk, or even a game-winning play with most of them were the so-called buzzer beaters.

For some people, they may be entertained by the way the video is executed. Camera angles, video effects and transitions and any other technicalities, you name it. Though at some aspect, it is more than just a beautification of each sequence. Like for some people, especially the players and those aspiring ones, seeing highlight reels like that can be a basketball 101 to them. They learn how to move like Kobe, LeBron, or any other superstar (or even an ordinary player) on a single play. So it’s like an infotainment, or information and entertainment in one. (Now I’m talking like Sports Science here, huh?)

Anyway, video editing is one of the things I learned even before I totally put my hand in pursuing a Mass Communications degree. Hence, it trigger to put more of my interest there, though it’s a self-study approach for me right there.

And so much for being a low-profile user, my personal computer can only afford a basic Movie Maker. And from there, it usually took me like 4 to 5 hours for an at least 3-and-a-half-minuter mixtape, from downloading the sources to rendering the project. At first, I received some good remarks. But then, I stopped doing that for public and if I made one, I made sure to put up a disclaimer. Because internet may be free, but let’s face it: we are subjective for copyright infringement, too.

So the only way to cope up with that is to either acknowleged your source, or to put up a disclaimer, claiming that the authorities of YouTube has a right to take the video down or alter the infringed part anytime as they wish once somebody flagged it out and proved that the uploader has a violation right there.

Anyway, that’s it. I just missed doing this stuff. Here I leave you with this last mixtape project that I made way back September 2010.


Author: slickmaster | Date: 09/27/2012 | Time: 10:56 a.m.

26 September 2012

When the Gang goes Gaga over Gangnam style.

Matapos ang “Call Me Maybe” ni Carly Rae Jepsen, isa na namang panibagong kaso ng LSS ang lumalaganap. At matapos ang “Teach Me How to Dougie” ng Cali Swag District, isang sayaw na naman ang nauuso. Usapang viral hit na naman ngayong 2012.

Nagsimula sa isang dance hit, naging viral ang isa sa mga panibagong kanta na umiikot sa sirkulasyon ng YouTube. At isa na namang panibagong isyu ito ng K-Pop invasion.

Ang kanta at sayaw ni Psy na “Oppa Gangnam Style” ay naging patok sa nasabing video streaming site. Ilang daang milyong hits na ang naitala nito. Naging trending na usapan din ito sa mga social networking sites worldwide. Hanggang sa kani-kanilang version ng nasabing dance hit ang nagsisulputan sa YouTube.

Sobrang patok ba ang usapan? Oo, kaya nga napasama na ‘to sa Guiness. Nah, siguro iyan talaga ang mangyayari kapag una nakukuha ng ritmo ang atensyon mo. Kahit hindi mo maintindihan ang liriko o kahit ilang salita lang ng wikang Ingles ang nabanggit at iyong naiintindihan, sige, go lang. Karaniwan kasi sa mga patok na kanta sa kahit anong lengwahe, basta naiintindihan mo ang mga sinasabi sa chorus o yung mas inuulit na parte man lang dun, ayun na. Ok sa alright na para sa ilan. Siguro, lalo na sa kaso ngayon na mararaming mga kanta mula sa Korean pop culture ang sumisikat hindi lang sa Pilipinas at sa ibang bansa sa Asya, kundi sa buong mundo.

Aba’y kayo na ang manghusga. Mula sa palabas sa telebisyon, lokal man o banyaga, hanggang sa mga sikat na personalidad, hanggang sa ultimo mga bata.

Pero kahit hindi po trip ng inyong lingkod ang mga ganitong klaseng tugtugin ay sinubukan ko pa rin na pakinggan ang nasabing kanta at panoorin ang music video nito. Hmmm… ayos din ha. Yung musika. Pero yung sayaw, aba, hindi na ko magkukumento.

Kung magpapaka-superficial ako, medyo astig din pala yung beat. Minsan nga naisip ko tuloy na baka next time na mag-download ako ng mga ringtones e baka mamaya ito na ang tumunog pag may “1 message received” ah.

Pero anyway, ayos lang yung kanta para sa akin. Pero hanggang dun lang. Mas ayos pa rin para sa akin ang lokal na musika.

Author: slickmaster | Date:  09/24/2012 | Time: 12:02 a.m.
© 2012 september twenty-eight productions

Tama na ang sisihan. (The LRT suicide story)


Suicide. Isang akto ng pagkitil ng tao sa kanyang sariling buhay. Madalas ito ay ginagawa sa isang pribadong lugar. Pero isa rin sa mga antigong pamamaraan ng pagpapatiwakal ng isa ay ang ipasagasa ang sarili sa isang sasakyan, particular sa tren.

Noong Agosto 30, 2012, ilang minuto bago mag alas-6 sa isang Huwebes na umaga, isang insidente ng suicide ang nangyari sa EDSA station ng Light Rail Transit line 1 sa Pasay City. Isang nangngangalang  Victoria Lucy Aroma, tinatayang nasa 50 taong gulang, ang tumalon sa riles sa eksaktong paparating na tren sa nasabing isatsyon. Nang dahil diyan, nasuspinde ang operasyon ng LRT sa ilang mga istasyon noong mga umagang iyon. Nalalagay din sa alanganin ang train operator nito dahil naharap siya sa kaso ukol dito.

Teka, ang operator, naasunto? Sira ba sila? Iba ang batas ng riles sa batas ng kalsada. Ano ba iyan! Kung sa mga tulad ng kotse, trak, bus, dyip o ultimo ang motorsiklo, pwede ka makapagpreno ng biglaan, sa tren… hindi kagad makakapagpigil iyan kahit nakatodo n gang pag-tangka na huminto. Nagii-slide pa nga yan e dahil sa riles nga ito dumadaan at iba rin ang makina niyan kung ikukumpara sa mga tipikal na sasakyan.

Ayon sa salaysay ng kamag-anak ng nagpatiwakal na biktima, ilang araw na itong balisa. May iniida kasi itong bukol o tumor sa kanyang mukha at umabot na ito ng dalawang dekada. Hmmm… kaya sa totoo lang, hindi mo rin siya masisisi kung bakit niya ginawa e. kasi pag once na dumapo sa isang depressed na tao ang patayin ang kanyang sarili, naku hindi pwedeng isawalang bahala iyan. At ‘pag once kasi na nasa ganung estado na ng pag-iisip, ay madalas sa pagkakataon, wala na sa katinuan yun e. Malakas ang suicidal tendencies ng isang tao kapag depressed ito.

Kaya sa totoo lang kung sinisisi mo siya kung bakit ka na-late sa trabaho o pasok sa klase mo, e ayun naman pala e. May pinagdadaanan ang ale. Hinay-hinay kasi sa pangangastigo dahil lahat tayo ay may kanya-kanyang pinagdadaanan sa buhay.

Pero sana nga naman ‘di ba? Kung pwede lang huwag na lang magpakamatay. Maraming mga magagandang bagay sa mundo na maari mong mapansin kahit sobrang down ka. At malay mo, isa sa mga ito ang makapagpanumbalik ng iyong sigla.

Sa datos ng Light Rail Transit Authority, 10 sa 24 na pangkalahatan na beses ng suicide attempts sa LRT, nagtagumpay. At ayon na rin sa kanila, isa sa mga taon noong dekada '90 ay 7 beses ang naitala ng pagpapatiwakal sa LRT, at 5 sa mga ito ay natuluyan.

Kung may ipapanukala na dapat daw ay may bagay na po-protekta sa mga pasahero sa LRT, I think dapat matagal na ito e. kahit noong panahon pa na wala pang nagtatangka na magpakamatay sa nasabing linya ng transportasyon. Nabuhay lang naman ang isyu na ito nang dahil diyan e. Ganun? Mag-aantay pa ba kayo na may maging successful sa kanilang pagtatangka ng pagpapakamatay bago niyo sabihin iyan? Naku naman.

Pero kung walang pondo ang usapan, e sa tingin ko ayos rin naman ang mga itsura ng mga platform area ng kasa isatsyon e. Ano lang kailangan? DISIPLINA ng mga pasahero. Kung may itinakdang linya na hindi pwedeng tapakan at tayuan ng mga pasahero dun, e dapat sumunod.

Pero kung titignan mo ang CCTV e biglaan ang mga nangyari e. Kagimbal-gimbal nga na a la horror scene ang dating sa morning TV. Nyai. Inay kupo!

Wala e. Nangyari na. Huwag na tayo magpin-point ng mga daliri. Matuto na lang sana tayo sa mga nangyari.

Author: slickmaster | Date: 09/23/2012 | Time: 11:45 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions


21 September 2012

What If Martial Law Still Exists Today?

09/21/2012 3:30 PM

Babala: maaring hindi lahat ng mga bagay na nangyari noon ay mailalahad sa blog na ito. Kung may kulang man, puwede niyong idagdag sa pamamagitan ng pagkumento sa blog post na ito. Salamat.

Kweeeeeestiyun! Este, Ang tanong… paano kapag ang batas militar ay umiiral pa rin hanggang ngayon?