May kanya-kanyang gimik na rin ang bawat negosyante, lalo na
sa mga supermarket. Hinihikayat nila na gumamit ang mga mamimili ng mga
reusable na bag. At naniningil sila ng karagdagang halaga sa kada supot o
plastic bag na magagamit. Aniya, gagamitin ang anumang makokolekta sa mga
proyekto na may kinalaman sa pagtulong sa naghihingalong Inang Kalikasan.
Reader Advisory
Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
15 October 2012
Plastic ban?!
Noong mga nagdaang buwan, inimplementa na ng ilang mga lokal
na pamhalaan sa Metro Manila (pati na rin yata sa ibang mga lalawigan sa
Pilipinas) ang pagbawal sa paggamit ng isang materyal na nakakasama sa ating
kapaligiran. Ang plastik.
Playback: MC Dash – "Return of the Phunky Juan"
10/13/2012 08:29 PM
If you think Phunky Juan is so 90s, think again.
Back to the time where the music has that refreshing funkier sound, accompanied by some break-dancing, not-so-vandal-looking graffiti art (yes, there are ones which can be considered appealing as long as it can be painted on a plain, blank, wall for good.), ghetto-looking people giving high-five to each other (and with cassette player on their shoulder?), and... presto!
Yes! Guess Who’s Back?
10 October 2012
Walang Pera.
Minsan ko
napakinggan ito habang namamalengke sa Cruz na Daan sa bayan ng San Rafael,
lalawigan ng Bulacan. “Masakit tanggapin ang katotohanan: Kung wala kang pera,
wala ka ring kaibigan.” Chorus ng kantang “Kanto” ng Siakol, isa sa mga banda
na gumawa ng marka sa rock music noong dekada ‘90.
Sa totoo lang,
matinding patama ang nasabing linya. Sa panahon kasi ngayon, halos kahit sino
ay nagkukumahog na makadiskarte para lang magkaroon ng salapi. At ang ilan,
dumarating sa punto na manlalamang sa kapwa.
Ito kasi
ang hirap e. Parang wala kang kapangyarihan kung wala kang pera. Hindi ka
kilala ng mga kaibigan mo kapag wala kang pera. Buti sana kung may mga ilan
dyan na galante na kaya kang sustentuhan sa kada pagkakataon na magkasama kayo,
mula sa paggawa ng thesis hanggang sa gimik at inuman (Pasalamat na lang ako at
nagkaroon ako ng mga ganun). Parang hindi ka ganap na tao, lalo na sa panahon
ngayon na ang suweldo ay bihira lang tumaas pero ang presyo ng mga bilihin ay
kadalasang tumataas. Hindi masarap ang buhay kung wala kang datong. Kung wala
ka nito, mas kawawa ka pa yata sa pulubi.
09 October 2012
Ang lente, at silang mga saksi na hindi makaimik.
Ako nga pala si Lorraine , mas kilala sa pangalang Len.
Matanda na ‘ko, ‘wag niyo na nga lang tatanungin kung ano ang edad ko. Basta,
sa haba ng panahon na nabuhay ako, ilang mga pangyayari na sa buhay ng sinuman
ang aking nasaksihan; mga kaganapan na naidokumento ng aking sarili at
nag-iisang mata. Mga tunog na narinig gamit ang aking tainga, nai-tala ang mga
ito gamit ng aking utak, at naisahimpapawid at ikinalat gamit ang aking bibig.
Sa hinaba-haba ng panahon na
naging aktibo ako sa pagdodokumento ng mga bagay-bagay sa ating lipunan at
kahit sa buhay ng master kong si Marie, marami na akong napatunayan sa buhay.
Marami na akong nakita na hindi mahagip ng mata ng bawat isa sa atin. Mga hindi
mailahad kahit sa pahayagan, kahit mapangahas pa sa mata ng kritiko ang
manunulat. Mga natatagong lihim at naibaon na sa madilim na lugar na tinatawag
na “limot.” Mga bagay na nagpapatotoo pa sa isipan ng ilang mga tsismoso’t
tsismosa. Hindi sila naitatapon sa basura nang hindi man lang nasasaksihan ni
Marie at nang sinumang malapit sa buhay niya kahit minsan.
07 October 2012
Text-text na lang.
Sa panahon na ang mga modernong pamamaraan ng komunikasyon ay nagsulputan, ito lang yata ang hindi mawawala sa uso. At totoo naman, hindi ito puwedeng mawala sa sirkulasyon. Ang pakikipagtext. Siyempre, mas madali, epektibo, matipid… ano pa ba ang hahanapin mo?
Lalo na sa panahon ngayon na usong-uso ang mga plan sa postpaid, at unlimited services naman sa prepaid. Ultimo ang mensahe sa text, pwede na gawing access sa mga online social networking accounts mo, tulad ng Facebook status messages, tweet sa Twitter, o ultimo chat message sa Yahoo! Messenger.
Anuman ang hindi mo naiintindihan sa tawag niya, maiintindihan sa text. Anuman ang nabibitin sa pakikipagchat sa internet, pwedeng ituloy sa pakikipagtext. At kapag meeting adjourned na ang barkada, “text-text” na lang ang bitaw ng karamihan bago magsipag-alisan.
Pero… “text-text na lang?”
Lalo na sa panahon ngayon na usong-uso ang mga plan sa postpaid, at unlimited services naman sa prepaid. Ultimo ang mensahe sa text, pwede na gawing access sa mga online social networking accounts mo, tulad ng Facebook status messages, tweet sa Twitter, o ultimo chat message sa Yahoo! Messenger.
Anuman ang hindi mo naiintindihan sa tawag niya, maiintindihan sa text. Anuman ang nabibitin sa pakikipagchat sa internet, pwedeng ituloy sa pakikipagtext. At kapag meeting adjourned na ang barkada, “text-text” na lang ang bitaw ng karamihan bago magsipag-alisan.
Pero… “text-text na lang?”
04 October 2012
ALAMAT. (A Fan’s Tribute to Master Rapper)
10/04/2012 12:39 PM
(Photo credits: francismagalona.multiply.com) |
Isang alamat na maituturing. Isa sa mga tao na nakapagpabago o humubog ng takbo ng musika sa Pilipinas. Sino ba naman ang hindi makakalimot sa kanyang
mga kanta na nagsasalamin sa iba’t ibang mga tema at mensahe? Nakipagsabayan kila
Andrew E at sa mga tulad ng bandang Rivermaya at Yano noong Dekada ’90? Ang
nakasama nila Ely Buendia ng Eraserheads, ang bandang Greyhoundz, Si Chito
Miranda at ang kanyang Parokya ni Edgar, ang grupong Death Threat na
kinabibilangan ng isa sa kanyang mga nagging kaibigan at tagahanga at ngayon,
ay sumusunod sa yapak niya na si Gloc-9?
Hindi matatawaran ang kontribusyon ni Francis Magalona sa
indistriya ng musika. Napakalupit lang.
Labels:
90s,
classic,
fan,
francis magalona,
hip-hop,
hiphop,
Master Rapper,
music,
noon at ngayon,
opm,
philippines,
pinoy,
rap,
rock,
Tirada Ni SlickMaster,
tribute,
vintage
03 October 2012
MASISISI MO BA SILA?
Ang mga tao sa mga social
networking sites, na ang lalakas ng pwersa kahit hindi nagsasalita. Sa isang
post o comment lang, kaya na nila banggain ang sinuman. Mga nambubully man,
na-caught in the act na kawatan, at kahit ang mga sikat na personalidad.
Masisisi mo ba sila kung bakit gan’on na lang ang reaksyon nila sa batas na
tila kikitil sa kalayaan nila na maglahad ng anumang naiisip at nararamdaman
nila sa internet?
Oo at hindi lang ang posibleng
sagot na nakikita ko.
02 October 2012
The Libel-Prone World.
Hmmm… paano nga ba ang Pinoy kung maisakatuparan ang cyber
crime law? Lalo na ang libel provisions nito? Marami man ang magiging palaban
sa batas na ito, pero paano nga ba sila hindi aalburoto kung ultimo ang mga
eksperto ay nagsasabing sumobra na sa pangil ito. At mantakin mo, ang ilang mga
mambabatas ay umamin na parang may mali sa naisabatas na Republic Act 10175? Ke
hindi raw na-review ng husto ang mga probisyon sa kasong libelo
Wala nang murahang magaganap. Baka ma-libel e. Mahirap na.
Wala nang ring asarang magaganap. Baka-libel na din
maituturing.
Wala na ring mga meme’t wall photo na pagtitripan. Sabay,
parang bullying na rin kasi ang dating e.
Ang hirap kasi ay hindi malinaw ang pamantayan kung kelan libelous ang salita o hindi. Magkakaiba tayo ng standard ng tolerance bilang tao. Kungbaga kung ang salitang tulad ng "Gago" at iba pa ay expression pa lamang para sa akin, baka sa iba o kahit sa inyo, hindi. Ganun kalabo. Sa print at broadcast media may matinding distinction sa mga salita kung libelous ba ang mga ito o hindi. Pero sa social media, iba na ang kahulugan nito. Yun lang ang problema.
Impluwensya
10/02/2012 11:15 AM
“Sa mata ng bata, ang maling halimbawa ay nagiging tama.” Yan ang isang makabuluhang kasabihan mula sa isang lumang kommersyal sa telebisyon. At hindi ito usapin ng moralidad, kung konserbatibo ba ang isang tao o malaya ang kaisipan.
Nagbabago na kasi ang panahon, kaya sa totoo lang hindi na rin kataka-taka kung bakit ibang-iba na ang mag kabataan ngayon sa mga nagdaaang henerasyon na sa ganyang kaedaaran pa lamang.
01 October 2012
Deprivation to “Freedom of Speech” or “Freedom to Abuse?”
Hindi na ako magtataka kung bakit ang daming umaalma ng “no
more freedom of speech?!” sa mga Pinoy na laging naka-online pagdating sa
usapin ng cybercrime act. Kahit po ang inyong lingkod ay tumutuligsa sa mga
probisyon ng electronic libel. Oo nga naman, bakit parang pipigilan mo kami
magsalita?
Sira ba ‘tong mga ‘to? Parang literal na sinungalngal o
nilagyan mo ng busal ang mga bibig naming niyan. Pa’no ka aaksyon kung hindi mo
alam ang mga hinaing ng mga kalipon mo. At… oo nga pala, akala ko ba kami ang
boss mo, at hindi ka pwedeng makinig sa mg utos namin? Labo.
Pero, ang punto kasi, pagdating sa mga panukalang batas, kadalasan ay pumipirma lamang siya bilang punong ehekutibo ng bansang ito. At may veto process na sinusunod kung sakaling hindi aprubahan.
(Ayun ito sa usapan namin ng isa sa mga followers ko sa Twitter na itatago ko sa inisyal na I.M.A., ito ang mga posibleng pangyayari at pamamaraan sa estado ng pagpirma at ng veto process)
(Ayun ito sa usapan namin ng isa sa mga followers ko sa Twitter na itatago ko sa inisyal na I.M.A., ito ang mga posibleng pangyayari at pamamaraan sa estado ng pagpirma at ng veto process)
e-Kopyahan
Minsan, naisip ko na lang na ang mundo ay parang isang
malaking photocopy machine. Kung gusto mo branded, e ‘di Xerox.
Unless kung sadyang malikhain ka talaga, gawain na natin ang
pagkopya ever since. Sa mga singing contest, madalas ay mga kanta ng mga tanyag
na mga mang-aawit ang nagiging piyesa. Sa sayaw, may mga steps na halaw mula sa
choreographer o sa mga napaglumaan na. Ang ilang mga konsepto ng palabas sa
telebisyon ay minsan, may pagak-halaw din sa ibang mga programa. Minsan nga,
pati mga promotional materials gaya
ng poster o yung pattern ng mga plot ng kwento. Hmm… may mga franchise shows
nga e.
Pero kahit papaano ay may pagkakahalintulad ang mga ilan sa
nabanggit. Kikinikilala nila kung kanino galing ito. Binibigyan ng due credit.
Oo nga naman, hindi mo magagawa iyan kung hindi dahil sa kanila. Hindi nila
ipinagyayabang na sa kanila ito ng buong buo. Minsan, mas okay pa nga yung mga
aminadong nangongopya kesa sa mga tao na “original” kuno. Sinong niloko mo?
Paano silang mga bata?
Magtatanong lang po, tutal uso naman pag-usapan ang batas na ito.
Teka, paano na nga lang ba ang mga kabataan kung
ma-implementa ang Republic Act 10175 o ang Cybercrime Protection Act of 2012?
Karamihan kasi sa mga bata ngayon na napapansin ko ay
sadayng mapusok. At hindi lang to usapin ng PBB Teens, ha? Sa mundong umiikot
ang karamihan sa kanila sa mga aktibidades pagkatapos ng klase gaya ng DotA, walang
kwentang relasyon, teenage sex, usapang “crush,” “face-off” sa wall photos ng
Facebook, sa mga “frat,” mga pipitusging musika ng popular na kultura, ultimo
mga tunog-dyip na hip-hop at iba pa… May mga… well, (err) ganyan, na mga
kabatan. Nakikita ko pa ang mga yan base sa mga laman ng news feed ko sa
Facebook pati na rin sa Twitter. Karamihan kasi sa mga iyun ay mga tao na mas
bata pa sa akin.
OCTOBER 3, 2012
October 3, 2012. Ang petsa na kinatatakutan ng karamihan sa
mga Filipino netizens.
October 3, 2012. Mas nakakasindak pa yata ‘to kesa sa
doomsday kuno na December 21, 2012 para as mga adiks a social networking sites,
fourms at ultimo ang mga bloggers at commenter nito.
October 3, 2012. Ang pang-40 sa 52 araw ng Miyerkules sa
taong ito. Teka, malapit na pala ‘to e. Sa darating na Miyerkules na pala ito!
Pero ano nga ba ang meron sa petsang October 3, 2012 na ito?
30 September 2012
TALES FROM THE CITY LIGHTS – NO MORE CURFEW NIGHTS.
Una kong narinig ang salitang curfew noong bata pa ako. Nasa
basketball court ako nun nung napansin ko ang nakapaskil na “curfew.” Bawal daw
kaming mga menor de edad ng lumabas sa oras na alas-onse ng gabi hanggang
alas-singko ng madaling-araw. Ito nga ang dahilan kung bakit takot ako na
lumabas noong mga dis oras ng gabi. Kapag nagising na ako ng alas-4:30 nun,
aantayin ko pa mag-5 para lang maglaro sa court. At kailangan bago mag-11 nasa
bahay na ko kaya hinahapit ko ang pag-order ng pagkain nun. Masyadong
masunurin, no?
Ito palang curfew na ‘to ay isa sa mga batas na ipinatupad
ni Macoy noong Batas Militar. 12 midnight – 4 am naman yun. Sa ngayon, hindi ko
mawari kung ipinapatupad pa rin ito. Sabagay, ang isa sa mga layon kung bakit
sa kabataan lang ang tinatarget ng batas na ito ay dahil sa dumaraming mga
tambay at nagiging adik. Minsan pa nga nagkakaroon ng mga away o gang war. Pero
sa kabutihang palad, wala naman akong nabalitaan na ganun ditto sa lugar namin.
Kahit noong 16 anyos pa lang ako at inuutusang bumili ng mga
pinsan at kapatid ko ng alak, parang andun pa rin ang takot ko e. Buti na lang
ang pinagbibilhan ko nun ay yung tindahan ng mga pamangkin ko (at that time
kasi, may tindahan pa sila at 24-hours a day silang bukas). Kaya lang medyo may
guilt pa rin, minsan nga halos mangatog na ang katawan ko sa kada nakakakita ng
mga baranggay tanod. Akala ko huhuliin ako, yun pala. Tatanungin lang. “iho,
saan ka pupunta?” “Ah, bibili lang pos a tindahan, ser.” Ayun, ‘di naman
nasisita. E hindi naman kasi talaga ako naglo-loiter. Yung utos lang talaga ang
pakay ko.
Pero sa pagdaan ng taon, nasa legal na edad na ako, parang
ewan na lang ang mga nangyayari. Bakit kanyo? Sa kada panahon na uuwi ako ng
bahay o tatambay sa computer shop ng tropa ko sa hatinggabi e ang daming mga
kabataan ang nakatambay lang. Though wala naman silang ginagawang masama (hindi
ko na pwedeng himasukan ang pagyoyosi ng mga ‘to, tumatagay, o
pakikipaglalandian), pero may curfew e. Naiisip ko na lang na “sabagay, ‘pag
andayn na ang mga tanod e kakaripas ng takbo ang mga ‘to, maghihiwalay ng mga
eskinita para lang makatakas.” Pero, may batas pa rin e. Parang hindi yata
natatakot ang mga ‘to o ine-excuse lang ang pagiging ignorante. Pwede naman
silang pumasok sa silong o barong ng mga bahay nila at doon gawin iyun. Ewan.
Sa burger stand nga lang na inoorderan ko ng buy 1 take 1 na
mga pagkain e mararaming mga andun na mahahalata mo sa edad. Ayos sana , e kaso hindi naman
umoorder. Pero dedma na lang, paki ko ba sa mga iyun? Buti sana kung pinagtitripan ako kaso ibang usapan
na iyun.
Pero hindi ganun e. Ang ilan sa mga nakikita ko, andun lang
sa bandang court nakapatrol. Sabagay, dun naman talaga ang destino ng karamihan
sa ganung oras. Dahil doon, may malapit na kainan na bukas sad is oras ng gabi,
isama mo na ang isa pang burger stand, tindahan ng isa sa mga kilala ko na
kapitbahay, at isang open 24 horus daily na bakery.
Sa tingin ko, kahit tila wa curfew na e maayos pa naman ang
nangyayari. At hindi na rin ako pwedeng huliin kung tatambay man ako (pero
hindi ko naman gagawin ang mag-loiter anyway) dahil 22 na ako e. Saka sa totoo
lang, ang mga nakikita ko pang mga umaakto ng pasaway kesa sa mga batas a
ganung oras ay yung mga manong na tambay. Tumatagay pa ng kanyang hawak na 1
malaking bote ng isang brand ng brandy sa bandang tabi e. Yung iba pa dyan na
nasa edad 30 lang nakikipag-away na sa kapwa niya na lashing. Yun lang ang mga
eskandalong nagaganap.
Samanatalang yung mga mas bata pa sa akin na napapansin ko
kahit alam ko na mga may grang o frat ‘tong mga ‘to? Chill lang. Nakatambay nga
pero ang titino naman, hindi ganun kalakasan ang boses para maka-istorbo sa mga
natutulog na kapitbahay at kung nasa shop naman, tahimik din. Tama yan, nang
hindi mapahamak yung mga may-ari ng tinatambayan niyo. At hindi lang sa lugar
ko mismo napapansin ito, kundi pati na rin sa ilang mga lugar na nadadaanan ko
sad is oras ng gabi, commute man o naglalakad.
Isang bagay lang ang sigurado. Kung epektibo man ang curfew
o hindi, ‘pag disiplinado ang tao, maayos at matiwasay ang komunidad sa gabi.
Author: slickmaster | Date: 09/30/2012 | Time: 12:13 a.m.
© 2012 september twenty-eight productions.
WHERE’S THE MESSAGE?
Lumaki ako na ang musikang madalas pakinggan ay ang mga may
makabuluhan na nauuso pa kahit papaano noon. Iyan ay sa kabila ng mga
naglalabasang mga mahahangin sa mainstream. Ngayon, napapatanong na lang ako.
Nassan na kaya ang mga ganitong musika? Ito dapat ang mas pinapakinggang ng
karamihan kesa sa mga halatang pasikat kahit hindi pa ganun kahasa e. Sensible
music, ika nga. Ang art noon, hindi lang may commercial value, may moral value
din. Kaya astig talaga kung maituturing. Iyun nga lang, mas madalas ito makita
sa mga larangan na hindi na saklaw ng mga nauuso.
Pero alam ko na mayroon pa naman sa pop culture na may
ganitong tema e. Yung mga may dating alaga. Hindi dahil sa mababaw na aspeto
tulad ng astig na rhythm o beat, o ‘di naman kaya’y yung mga madaling
kabisaduhin yung mga salita ng lyrics. Kundi dahil sa mga may mga magagandang
kwento sa likod nito. Yung tipong may mapupulot ako na may kaututran at
matututunan, kahit sa kabila ng mga katarantaduhang mga binibigkas ng mang-aawit.
Yung talagang masasabi na may replay value.
Alam ko, meron pang mga ganitong klaseng bagay sa panahon
ngayon. Though ang isa sa mga pinakapatok noon ay ang kanta ng Black Eyed Peas
na “Where is the Love?” Akala ko nga nung una e, panay romantisismo na naman
ito e (love e). Pero ‘tol, ‘wag ka.
Subscribe to:
Posts (Atom)