Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

23 October 2012

The Problem With Over-Romantic Medium and The So-Called Commercial Value.

10/23/2012 | 08:01 PM

Babala: Ang mababasa sa akda na ito ay maaring naglalaman ng ideya o kaisipan na taliwas sa pananaw ng nakararami. Bago mag-react, magbasa muna. At kung may kontrapelong punto, gawin ito sa maayos na pamamaraan. Maraming salamat po.

Maraming bagay ang nagbago sa paglipas ng panahon. Mula sa binabasa hanggang sa napapakinggan at mapa-biswal na mga media. pero dati, may mga matinding distinksyon o genre ang mga ito, mula komedya, drama, horror, aksyon at iba pa. Pero ngayon? Ewan ko.

Anyare? (Isang Tanong Para Sa Mundo Ng Mga Sinungaling)


Minsan ko narinig ang tanong na ito sa isang palabas na tumatalakay sa isyung panlipunan sa legal na pamamaraan. Iku-quote ko lang ang wikang iyun ni Atty. Persida Rueda Acosta (pero hindi sa eksaktong paglalarawan ng salita): “Paano ka makakapamuhay ng tama kung namumuhay ka naman sa mundo ng kasinungalingan?”

Hmm… Paano nga ba? *sabay nakapangalumbaba*

Iyan kasi ang hirap sa panahon ngayon e. Que sa usaping panlipunan man o sa pinakapabortio ng ilan na tsismis sa lovelife, walang katiyakan ang mga pahayag. Parang iyung sinabi lang sa akin ng isa sa mga kaibigan ko na “Si *name of boy*? HMP! Hindi ko nga gusto iyan e!” Pero ‘wag ka, makalipas lang ang ilang oras ay… sila na! PBB teens ba ang peg? At isa pa, ang taong walang habas na umiiyak sa balikat ko dahil hiniwalayan siya ng boyfriend niya. Ang sabi daw sa kanya e “pangako ko, hindi kita iiwan.” Sinampal ko nga nang matauhan ang ale, “Ikaw kasi, nagpapaniwala ka sa damuhong iyun! Ilang beses ka na ngang ginago eh.”

Usapang Grammatika? Ang Labo!

10/23/2012 05:13 PM

(Ang blog na ito ay may halaw ng inspirasyon at konteksto mula sa “Ispokening Inglis” episode ng Word Of the Lourd na unang sumahimpapawid sa TV at YouTube noong Marso 2011)



22 October 2012

SMP Na Naman? E Ano Ngayon?

10/21/2012 12:58 PM

ANG HIHILIG KASI MAKIUSO E!


Malapit na ang kapaskuhan. Sa kabila ng climate change, magkakaroon pa rin ng tag-lamig. At ku ng malaming man ang umaga, siyempre, may magpapainit niyan. Dalawang bagay: (1) kape (o pagkain) o (2) pagmamahal kahit akto man lang ng pag-akap mula sa kamag-anak, kaibigan pero preferebally, mula sa kasintahan. At kun g single ka at loveless… well, congratulations and good luck dahil baka pagkamalan kang klasapi niyan ng tinatawag na SMP o Samahan ng mga Malalamig ang Pasko.

Pero ano nga ba ‘tong SMP na ‘to? Bakit nagkaroon ng acronym na ganito sa modernong bokabularyo ng mga Pinoy?

20 October 2012

Alaala (ng Minsa’y Naging Isang Batang Gala sa Probinsya Kasama ang Mga Tiyahing Nagmamahal)

10/20/2012 01:33 PM


Matagal-tagal rin mula noong huling napadpad ako sa lugar na ito. Ang probinsayng kinalakihan ng erpat ko. Cuyapo, Nueva Ecija, sa may 172 kilometro hilaga mula sa pinakasentro ng buong malaking pulo ng Luzon. Dito ako madalas napapadpad pag pumupunta ako sa bandang Norte, maliban pa sa Isabela, Baguio at Manaoag.

Marami akong alaala bilang isa sa mga bata na laging sinasama ni tatay para asikasuhin ang lupang sinasaka nila ng kanyang mga kapatid. Maliban dun, tuwing piyesta lang ako pumupunta dito. Kapag fiesta sa bayan, o pista ng mga patay.

19 October 2012

My pick # 7 – Hindi Mo Nadinig.


Isang kwento ng pag-ibig, pagtataksil at paghihiganti. Iyan ang nakalarawan sa isang kanta ni Aristotle Pollisco, mas kilala bilang si Gloc-9, sa kanyang “Hindi mo Nadinig.” Parte siya sa kasalukuyang album ng nsabing rapper na “Mga Kwneto Ng Makata,” under Universal Records, kasama si Jay Durias na isa sa mga bokalista ng bandang South Border bilang pagpartisipa sa chorus part ng nasabing kanta. Napakabigat lang ng nilalaman. Isipin mo na lang na ikaw yung nsasa sitwasyon na nanligaw ka, nakuha mo siya, naging tapat sa kanya, pero pinagtaksilan ka, at nung nahuli mo sila, bigla na lang sumabog ang anumang akto ng kasakiman at paghihiganti mula sa iyo. Inside the mind of an obsessed lover, ika nga. Round character ang dating.

Jaywalking at Pedestrian Lane.

10/19/2012 04:31 PM



Pedestrian lane. Isang lane sa kalye na nagsisilbing tawiran ng tao. Basic na ito sa klase ng tinatawag na road traffic. Dito ka lang pwedeng dumaan kung ikaw ay isang pedestrian. At kung motorista ka, alam mo na dapat igalang mo pa rin ang nasabing tawiran ng tao.

Pero parang isang masalimuot na usapin ito. Dalawang bagay lang kasi: una, marami rin kasi ang abusado na mahilig tumawid sa mga kalsada na hindi naman pwedeng tawirin, lalo na kung mayroon naming footbridge o overpass diyan. At pangalawa, sa panig naman ng mga drayber, hindi marunong gumalang sa mga taong tumatawid sa pedestrian lane.

Ngayon, kung may jaywalker ka at sa kabilang banda naman ay meron kang mga humaharurot para lang mabansagang hari ng kalsada, aasahan mo ba na titino ang karamihan ng mga tao sa kung saang mga kalsada ng Metro Manila kung hindi naman marunong na magsiintindi ang mga ito sa mga tinatawag na batas ng lansangan? Ay, oo nga pala. Uso ba para sa kanila iyun, o ni alam ba nila na may mga ganun klaseng alintuntunin na dapat nilang sundin?

Sa isang lipunang malaya na tulad natin, ang batas ang isa sa mga pinakakalaban ng ating sistema. Ayaw ba ng disiplina, o sadyang matitigas lang ang ating ulo… ewan ko.

OVER-DEVELOPMENT KILLS?


Yan ang patunay sa isang kasabihan na “lahat ng sobra ay nakakasama na.” Oo, kahit sa lebel ng mga gusali’t iba pang imprastraktura ang usapan.

Ewan ko lang ha. Pero sa panahon na umuusbong ang kaliwa’t kanang mga proyekto sa Kamaynilaan, mapa-skyscraper man o flyover, parang luamala din ang epekto ng kalamidad ditto. As in, nag level-up din ba, baagy na talaga naming hindi maganda. Nagsulputan na parang kabute ang mga gusali na nilaan apra gawing mga unit ng condo, nagkaroon din ng mga magagandang alternatibong ruta para kahit papaano ay maibsan ang nakakabadtrip na heavy traffic. Pero dahil sa mga tulad ni Ondoy noong 2009 at noong Agosto, ang isang simpleng sama ng panahon na kung tawagin ay Habagat, tila na-negate nito ang mga pagusbong ng mukha sa Metro Manila. Saklap.

Kaya minsa, naisip ko, deklikado nga pala ang pagiging labis na developed ang isang lugar. Sabagay, sa nasabing termino nga naman na “labis,” e matik na masama na rin e, kahit gaano pa kaganda ang layunin.

No More "The Best Music on the Planet?" The Quest On The Next Brand Under The 99.5 FM dial.

I know, I know. I am not even at the middle level of being an avid listener of this station. I don’t even know what made me wrote this piece. But being a radio gaga kid for almost half of my life, it saddens to hear goodbye on the station that you patronized even at least once upon a time. And all I know is that 99.5 RT was one of the stations I have turned into when I lived once at province (Yes, I heard them clearly even if I’m 70 kilometers away up North-Northeast from Luneta)

I never saw it coming until a disc jockey named Inka posted something on her Facebook account, encouraging everyone in her network to listen on her show the RT 30 countdown for one last time this coming Friday, October 19, 2012— Something that drew the ire on side of her listeners that the station 99.5 RT will be leaving once again. And also, drawing questioned thoughts for the ones who patronize the station like “Where will they turn into next?” And “Where can we find the best music on the planet then,” aside from the bounds of YouTube, Soundcloud, internet radio sites and… anywhere else at the World Wide Web?

Many of us think of this one very usual resort question: Another cliché FM station going masa type? Something that is really… (I repeat) really disappointing for the side of the music lovers, radio listeners, and DJ’s fans. Something that Inka denied via her Facebook comment.

Playing on a Throwback Mode: ‘Wag Mo Na Sanang Isipin.

At alam ko, hindi ito pangkaraniwan sa mga tulad ko na ipinanganak sa dekada ’90, at lalong hindi sa mga kahenerasyon ko na umiikot ang plaka at tainga sa mga makabagong tugtugin. Pero anyway…

Balik-tanaw sa dekada ’80. Panahon pa ‘to ng mga matitinding pasabog at kontrobersiya sa pamahalaan, at kasikatan naman ng mga lokal na musika sa kabilang banda. Sa malamang, umusbong na ang kantang ito noong bata pa lang ang mga nakakatandang kapatid ko. Ni hindi ko nga natanong kung kelan nabili ng aking erpat ‘tong 2-part album ni “Mr. Pure Energy” Gary Valenciano. Basta, ang alam ko lang po ay ito ang isa sa mga naunang paborito ko lalo na noong pinapatugtog to sa CD counterpart ng aming Panasonic Karaoke.

18 October 2012

Walang Masama Sa Pagiging SINGLE

10/18/2012 12:28 AM

Oo nga naman. Walang masama dun. And same goes sa iba pang mga relationship status basta wala kang ginugulong ibang tao. Single man, taken, it’s complicated, o kung ano pa man iyan.

At teka nga: 

Sino bang herodes na nagpauso ng isang maruming kaisipan na laging hilig tirahin ang mga taong pinili ang maging single?

Recovering the Pieces, But Not Anymore For the Dream… (Confessions of a long-time-but-no-more wannabe music disc jockey)

Ang musika ay isa sa mga naging pinakamalaking parte ng buhay ko. Hindi puwede na minsan ay hindi ko bubuksan ang radyo, cassette/cd player, o kahit ang iPod ko para lang makapakinig ng isang kanta sa kada araw na lumilipas. Kaya siguro, naging isa sa mga pinapangarap ko ang maging disc jockey sa radyo.

Kaya hindi puwede sa akin ang isang computer na wala ni headset man lang, o mas malala, hindi pa pala nakainstalled ang audio driver. Hindi rin puwede na wala akong naka-istak na CD o mp3 sa library ko. At minsan pag pinagkait mo sa akin iyan, baka magkamatayan pa tayo niyan (pero loko lang iyun).

Oo, naging pangarap ko nga ang maging DJ. Yun nga lang, mahirap paniwalaan dahil hindi naman ako ganun katalak noong mga panahon na iyun. Basta, ang alam ko, trip ko gawin ang magsalita ukol sa kantang pinapatugotog ko, introduce yun sa ere, and presto. Isama mo na ang ilang plug, spiel at commercial break. At tila pinapraktis ko yan sa harap ng salamin, o sa harap ng PC basta may mikropono at headset na nakasuot at may Windows Media Player, Winamp, Virtual DJ, o ang sinaunang bersyon ng iTunes na nakasalang.

16 October 2012

TV Review: Public Atorni

10/16/2012 | 11:04 AM

“Asunto o Areglo?”

Ang pinakatanyag na linya pagdating sa mga hearing o mediation na napapanood ko sa isang palabas na tumatalakay sa mga nangyayaring sigalot sa legal na pamamaraan: ang Public Atorni.

Madalas ko mapanood ito dati tuwing Huwebes ng gabi sa isang TV network. Ang pinakauna ay noong estudyante pa ako at nakatambay sa bahay ng kaklase ko bago ako umuwi. Pero dahil nakita ko na isa ito sa mga tila magagandang kalidad na palatuntunan sa panahon ngayon, ayos ito para sa akin. Bagamat lately ay ilang episodes na lamang yata ang nirereplay nila at maraming binago sa mga portion ng pagsasalaysay ng mga kinabibilangan na partido.

Cybercrime Can’t Stop Blogging...


Bago pa man naisulat ng awtor na ito ang naturang blog, naglabas kamakailanlang ang Korte Suprema ng isang Temporary Restraining Order o T.R.O. na nagpapatigil sa pamahalaan sa pag-iimplementa ng Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 sa loob ng mahigit isangdaan at dalawampung (120) araw. Ang nasabing TRO ay naging epektibo noong Martes, a-9 ng Oktubre, taong 2012, at ang naging tanging pansamanatalang resolusyon base sa 15 petisyon sa SC ng iba’t ibang mga grupo na kumokondena sa cybercrime bill mula noong pinirmahan ito ng Pangulong Noynoy Aquino noong nakaraang Setyembre at tuluyang naimplementa naman noong Martes, Oktubre 2, 2012.

Maraming tao ang nagtatanong sa akin ukol sa isyu ng cybercrime law, lalo na noong nalaman nila na isa akong blogger na panay sa pulitika, opinion at lipunan ang mga madalas na tema ng aking sinusulat o nilalahad. Mula sa mga ka-clan ko sa text, Facebook friends, Twitter followers at kahit yung mga nakaksabay ko sa pag-aapply ng trabaho.

Paano na lang daw ang tulad ko na isang blogger? Dahil sertipikado daw na malalagay sa alangan ang mga tulad ko, amateur man (bagay na kinabibilangan ko) o isang pro.

15 October 2012

Girls Versus Boys? Tigilan na natin ito.


Punyemas. Maraming bagay pa ang dapat na pagtalunan. Usapin sa mga nangyayari sa bansa, desisyon sa pamilya, pagresolba sa mga sigalot sa komunidad, utang ng kamag-anak… pero pagdating sa mga suliranin sa relasyon? Kung sino ang manloloko, kung lalake ba o babae? Kung sino ang maarte, madalas nagbibigay-daan? Nagpaparaya? Mang-aagaw? Aba, utang na loob naman. Magsiawat nga kayo, ano po?!

Since time in memorial pa yata ang isyung ito. Hindi na mamatay-matay, lalo na ang dami nang nagiging mapusok sa salitang “pag-ibig,” e hindi rin naman ganap na naiintindihan ang mga bagay-bagay sa isang relasyon. Dapat yata malaman ng mga putok sa buhong ito na sa malamang, maraming pagkakaiba ang lalake at babae, hitsura man o pag-uugali. May mga kanya-kanyang kakayahan sila Adan at Eba. Bagay na hindi kayang gawin ng mga babae ang ginagawa ng mga lalake at may mga bagay na kayang gawin ng lalake ang mga ginagawa ng babae.