11/11/2012, 10:35 a.m.
Babala: ang lahat ng
mga mababanggit sa blog na ito, ke korni man o hindi, ay pawang katatawananat kalokohan lamang. ‘Wag niyo po masyadong
seryosohin ito dahil baka tumanda ka masyado niyan. Ika nga ni Jerry Olea ng
Abante, Jokes lang po.
Halos patapos na ako sa aking mga transaksyon noong isang
araw habang pumipila ako para makakuha ng sariling National Bureau of
Investigation clearance. Hanggang sa nalaman ko ang isang kasuklam-suklam na bagay…
may HIT na ako.
Nanlamig ang kalamnan ko dahil sa nangyari. Hala! Ano na
naman ba ang kasalanan ko sa hukuman ng bansang ito? Ang tino-tino ko na ngang
mamamayan e.
Paranoid ba? Mukha lang, kaya napaisip tuloy ako kung ano
man ang nagawa kong pagkakasala, maliban pa sa mainitang komprontasyon sa kung
sinu-sino lang sa internet, o minsan binabangga ko ang mga umaastang siga sa
amin, lalo na sa kalye ng bahay na kinalulugaran ko, o ultimo ang paninindak sa
mga mahihilig sumingit sa pila.
Pero dalawang linggo mula noong nalaman kong may HIT ako sa
NBI, nalaman ko na no record on file na ako. Hay, salamat!
Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ko ilalahad ang aking
mga nagawang kalokohan. Siguro kung magiging batas at kaso ang mga ito, good
bye to being blogger na ako, at malamang baliw na ang mundo kapag nangyari nga
ito (Yikes! Kaya ipanalangin mo na lang na "huwag naman sana"):