The Miami Heat was on the verge of breaking in to the 20+
game winning streak club, something that we last saw on the Houston Rockets
where Tracy McGrady and Yao Ming was anchoring the squad then.
Reader Advisory
Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
14 March 2013
13 March 2013
The Pick: Estrada Vs. Lim On-Air
11:36 PM | 03/13/2013
Isang
mainit na debate na umalingawngaw sa umaga. Kaya siguro ito pa ang nakadagdag
sa mala-impyernong trenta’y kwatrong antas ng sentigrado, no?
Ang salpukan
ng dalawang kandidato para sa posisyon bilang alkalde ng lungsod ng Maynila.
Sobrang init lang nila magbangayan sa ere, wala pang campaign period,
nagsisi-ariba na ang mga maanghang na tirada ng mga ‘to ha? E what more pa ang
naganap sa Umagang Harapan segment ni Anthony Taberna sa programang Umaga Kay
Ganda ng ABS-CBN? Na ang patutsadahan nila Manila Mayor Alfredo Lim at Dating
Pangulong Joseph Ejercito Estrada.
Missing the Old Campus Radio
03/13/2013 01:00 PM
For people who’d been aging at somewhere between my
generations, a student’s life will never be complete without being hooked up on
the FM radio station which is known as Campus Radio. Yes, even for once on
their respective lives.
Well, I’m actually a late-bloomer when it comes to things like this, and in fact, it was
during the 2000s when I only managed to listen to cliché radio stations, and I
mean by the radio stations that caters to the youth (and this was the real
“young, wild and free” deal). Magic 89.9 was one, RX was also an epic one
(thanks to the likes of The Morning Rush), KC FM was also an urban legend before it was
reformatted into iFM, 99.5 RT was the real music authority to the mainstream
pop fans. And so were 103.5 K-Lite for the alternative genre and NU 107 for
rock. But among them all, there is one station that was already stamped on the
listeners’ ears and minds: it was the Campus Radio.
12 March 2013
Liham para kay “Inang.”
12:14 PM | 03/12/2013
Ang akdang ito ay iniaalay ng awtor sa kanyang lola na
namayapa eksaktong sampung taon na ang nakalilipas mula nang isinulat ito ng
may-akda.
Dear Inang…
Kumusta ka na? Pati na rin ang mga auntie at uncle ko po
‘dyan? Matagal na rin pala nang huli kitang nakita. Humihingi ako ng paumnahin
dahil sa minsan na lang din kasi ako makadalaw sa iyon dala ng aking pagiging
abala sa pag-aaral at paghahanap ng trabaho nun.
Ako po? Ito, sinusulat ang liham na ito bilang pag-alala ko
po sa inyo. Kung tutuusin, marami na pong nagbago sa panahon na ito.
Napinturahan na ulit ang bahay, nagkaroon ng sasakyan, may mga bagong tao na
rin ating tirahan, nagkaroon ng mga alagang aso, at iba pa. At kahit may
pinagdadaang aberya at problema, nagagawa pa rin naming tumawa at ngumiti.
Sila nanay at tatay naman ay kayod-kalabaw pa rin sa
pagtatrabaho, pati na rin sila ate sa kani-kanilang mga larangan. Ang bunsong
kapatid naman namin e magtatapos na rin po ng pag-aaral sa elementarya.
Bilis ng panahon no? Parang kelan lang… naalagaan n’yo pa po
ako. Pinapaliguan, binibihisan (naalala ko pa nga ang mga salita mong “palitan
na natin ang baro mo, apo.”). Nagagawa pa nating lumabas papunta kila Aling
Julie at kumain ng Mami, uminom ng 7UP (at hindi ko na po siya iniispell) sa
tindahan nila Daddy Boyet, at manood ng TV. Kayo po ang madalas kong kasama
buong araw nun.
Nakakamiss lang. Namimiss na po kita.
One-(huge)-mistake-you-ban. (Just My Opinion: Renaldo Balkman’s Deserved Tragic Departure)
06:43 PM | 03/12/2013
Banned na siya, o ano na? Lalagyan pa rin
ba natin ito ng mala-rainbow na kulay?
Tama. Napatawan ng lifetime ban ang import
na si Renaldo Balkman, isang dating player sa NBA na naging import sa PBA dahil
sa matinding away nila ng kanyang kakamping si Arwind Santos. Isang marahas na
pagtatapos sa isa sanag malulupit na manlalarong banyaga na naglaro sa
Philippine Basketball Association, ang pinakaunang professional basketball
league sa Asya.
Sayang ba? Oo nga e. Pero ganun talaga.
Sobrang init ba ng headline? Hindi na
kataka-taka. Lagi naman nagiging big deal ang usaping import basta galling ng
NBA ‘di ba?
Oo, lalo na sa panahon ngayon na kahit sino
nama’y e instant opinyonista’t sports analyst na gamit ang mga social
networking site tulad ng Twitter.
Bakit nga ba nahantong sa matinding parusa
ang isang ‘to, na pagkagaling-galing naman sa laro bago mangyari ang hindi
inaasahang… komprontasyon?
10 March 2013
Bitter Ako? Hindi. TANGA ka lang talaga!
03: 42 PM |
03/10/2013
Babala: Ang blog post na ito ay sadyang
isinulat ng awtor bilang pagkundena sa mga taong mahihilig humusga na tao bilang
“bitter.” Kaya bago ka bumira ng bitter d’yan, magbasa ka kung ayaw mong masabihan ng TANGA.
Bitterness
is a state of emotion, and also of the mind. Kahit naman yata sino e dumaranas
sa pagiging bitter, aminin n’yo yan. Syempre, yun nga lang, dapat ito ay nasa
tama lang din. Hindi naman pwedeng habang-buhay na ganun ka, ‘di ba? Baka
tumanda ka bigla at dumami ang mga kulubot sa iyong mukha. Na parang napuno na
ito ng nagaalab na emosyon ng galit o hatred ang buong pagkatao mo.
Pero hindi
ito ang punto ng sulatin na ito.
09 March 2013
PlayBack: Gloc-9 feat. Jay Durias – Hindi Mo Nadinig (music video)
03/03/2013 05:25 PM
Matagal na rin mula noong unang umalingawngaw sa tenga ko
ang kantang ito (salamat sa YouTube), at nauna na rin akong gumawa ng post ukol
sa kantang ito bagamat e aminado ako na parang nakukulangan ako sa mga sinualt
ko dun. Anyway...
“Minahal naman kita, bakit hindi mo nadinig?”
Hanep, kuma-crime of passion ang tema ng kanta at ng music
video ito. And ito lang yata ang isa sa mga mangilan-ngilang kanta na hindi
binibigkas o ni inaawit ang pamagat sa chorus na part ng kanta. In fact, yan
ang huling tatlong salita sa track nila Gloc-9 at Jay Durias.
Second Big Clash.
05:00 PM | 03/09/2013
I’m not a huge fan of wretsling nor I’ve seen all of the WWE’s
clashes. But something caught my attention then. John Cena versus The Rock for
the Wrestlemania 2013. And... yes, again, for the WWE Championship.
Could it all be revenge for the former or will the latter
prevail for the 2nd time?
The John Cena versus The Rock was the match that I could
hardly forget. That was one of the hell battles I’ve seen for 2012, perhaps
because it was staged as the main event of the 23rd Wrestlemania showcase at
Miami, Florida.
Touch challenge with scripts as set-up pun intended? But
hey, I’d prefer watching this clash rather than the other who ended up
resorting to the so-called “dirty tactics” to pull enough some kind of dramatic
effect.
Well, after seeing WWE Superstars’ snippet of Monday Night
Raw match of CM Punk against John Cena (in which the latter prevails), looks
like it’s gonna be a homecourt advantage for Cena. While on the other hand, The
Rock was on the verge of defending himself and the title he’d won last year at
the South Florida Beach. Nah, all I know is that Cena also bagged the belt for
this year’s Royal Rumble either, before that hell-of-an-almost-shit match at
the last main event of that night.
Will it be a deja vu or an occurence of a 360 degree
turn-around?
Hmm... well, let’s see this coming April in New York.
Author: slick master | (c) 2013 september twenty-eight
productions.
Just My Opinion: Teammates on a Collision Course.
02:38 PM | 03/09/2013
Isang pasada naman sa isang mainiting headline sa
pampalakasan. Nakakagulat lang ang nangyaring insidente sa isang laro ng
Philippine Basketball Association kagabi.
Nang dahil sa isang tawag ng referee, nagkaroon na matinding
komosyon sa pagitan ng 3 manlalaro ng Petron Blaze Boosters. Inatake sa sakal
ng import ng koponan ang kanyang teammate. Ang mga nasangkot na pangalan ay
sina Renadlo Balkman, Ronald Tubid at Arwind Santos.
08 March 2013
Kwentong Monthsary.
03/08/2013 | 11:16 PM
Photo credits: (see above) |
Monthsary. Isa sa mga nausong salita sa panahon ngayon.
Isang salita na ginagawang big deal sa konstekto ng relasyon.
Monthsary? Parang month or 1/12 version lang ng salitang “anniversary?”
Oo, meron pa nga d’yan e “weeksary.” Pero parang ang sobrang OA naman nun.
Parang tinataningan mo sa bilang ng linggo lang ang pagsasama n’yo.
Over-romantic much?
Pero bakit nga ba nauso ang salitang “monthsary?” Anak ng
pating naman, e salita lang naman ito para sa mga hindi sobrang babaw at hindi sobrang
pusok na nilalang sa pag-ibig ah?
The Comical Problem on the Philippine Primetime TV Nowadays.
12: 53 PM |
03/08/2013
“Is the
Philippine comedy dead?”
Yan ang isang
tanong na pumasok sa isipan ko matapos ko mapansin ang ganitong bagay. Una,
panay romantic bullshits na ang umeere sa primetime slots. At pangalawa,
masyado nang madrama at nega ang karamihan, dala ng pagtutok sa TV (siyempre,
naiimpluwesyahan e lalo na kapag either nakakarelate sila o no choice dahil yun
lang ang matinong reception). Karagdagan na lamang na dahilan ang pagpanaw ng
mga alamat sa industriya ng pagpapatawa sa telebisyon tulad nila Palito,
Redford White ang Hari na si Dolphy, at iba pa.
Kasabay
kasi ng pag-usbong ng mga romantikong telenovela at teleseryeng may pantasya
ang tema ay ang tila pagkamatay ng mga sitcoms. Kung dati panay gabi-gabi mo
sila nakikita, ngayon ay weekend na lang sila nagpapakita sa ere. Kung dati
nasa lugar ang pagiging wholesome, ngayon alaws na. Kung dati, may mapapanood
ka na may pahapyaw na kumento sa isyung napapanahon, ngayon sa balita ka na
lang makakakuha. At kung dati ang titindi ng patawa, ngayon panay mas mababaw
pa sa pamimilosopo at slapstick na ang napapansing taktika.
Kaya
minsan, ito pa ang karagdagang tanong ko. “Bakit dapat ibalik ang mga situational
comedy programs sa primetime?” at ito rin ang mga sagot ko.
07 March 2013
Chicks ang isang broadcaster kapag...
11:50 PM | 03/07/2013
Ito ang napala ko sa kakatingin sa ilang mga memorabilia sa
dekada ’80. Akalain mo, ang mga seryosong personalidad sa paghahatid ng balita,
mga mala-beauty queen din pala nun? Tulad ng napanood ko na isang episode ng
Goin’ Bananas (na umere sa Studio 23 noong Huwebes ng tanghali bilang parte ng
Tawa Way Zone ng Jeepney TV timeslot) na kung saan ay tampok na guest nun ang
mga babaeng anchor ng TV Patrol na si Angelique Lazo at Korina Sanchez.
At kung ihahambing mo ito sa kaasalukuyan, hindi mo
mahahalata sa mga ‘to ang itsura nila tulad nooong isang commercial ng dating
TV news personality ngayo’y senador Loren Legrada. Aba.
Kung panahon kasi ngayon ang pagbabasehan, halos wala kang
makikilalalang news anchor na nasa late 20s pa lang. Madalas mo na lang
mapapansin ang mga tsikas sa news department kapag reporter ito sa samu’t
saring mga beat.
Kaya ito lang ang aking napagtanto, ang mga senyales na
chicks ang isang broadcaster sa TV. Kapag...
06 March 2013
Silang mga mapanghusgang tanga.
12:31 PM |
03/06/2013
Ika nga ng
kasabihan, “Ang lalakas ng taong manghusga, pero bulag naman sila sa sarili
nilang kamalian.”
Grabe lang
ano?
Oo nga, ang
lalakas nilang manghusga. So sobrang tindi lang nila, hindi na tatalab sa
kanila ang kasabihang “Don’t judge the book by its cover.” Sabagay, Dahil mga
tao nga naman sila at hindi sila libro. Kung makapanumbat ng salita sa kanilang
kapwa, akala mo siya lang ang anak ng Diyos, siya lang ang itinalagang sugo ng
kani-kanilang mga anito, mga tao kung tawagin ay “prodigal son” kuno. Mga
perpektong nilalang bang maituturing? Ewan.
Ito siguro
ang mahirap sa mga taong hindi makontrol ang kanilang mga bunganga porket Malaya
silang nakakapagsalita o ni maglahad sa papel o internet.
Mga taong
dinaig pa ang mga komedyante (straight man o bading) kung manlait. Mga tao kung
makapuna dinaig pa ang mga kritiko. Mga kung akala mo ay mga husgado, hukom o
ni mahistrado sa Korte Suprema kung makapagbigay ng hatol. Mga taong ang
lalakas manghusga...
The “Cyber-Big Brother” Mentality
03/06/2013 12:35 AM
Pwede rin itong pamagatan bilang the “Paparazzi
Syndrome.”
Ang mundo
ngayon ay parang isang malaking bahay ni Big Brother – lahat may camera, lahat
may capable na gumawa ng sariling video at YouTube channel, lahat may karapatn
bilang maging isang “citizen journalist (kuno),” at lahat ay may karapatan para
magkaroon ng sariling pangalan (as in maging celebrity ba). At kung hindi man
lahat ay ganito, e di “karamihan.”
Ayos na sana
e, lalo na kung sa kabutihan ito ginagamit ng mangilan-ngilang tao, o kung
worth it naman ang anomalyang expose mo (yung tipong may surveillance shot ka
ng isang “jamming session ng mga adik sa ipinagbabawal na droga). Kaso, may
mali lang sa pagiging a la Big Brother kung ito’y wala sa lugar. Marami ang mga
umaabusong nilalang. Siguro kating-kati sa kanilang mga cellphone at wannabe
videographer sila.
Kaya siguro dapat ay ituro na sa lahat ng bata ngayon ang
mga bagay na may kinalaman sa media ethics.
Ang daming
mga feelingerong citizen journalist, yung tipong may maipagmalaki lang sa
Facebook, Twitter, Tumblr, o kung saang mga websites pa iyan. Parang 'tong mga
gagong ito:
05 March 2013
Humiliation on-air.
11:16 AM | 03/05/2013
Hindi ako
fan ng sinumang artista ng palabas na ito. Nakuha nga lang ang atensyon ko nito
matapos lumabas sa popular feed ng tropa kong si YouTube ang videong ito.
“YOU DON’T DO THAT TO ME!”
Subscribe to:
Posts (Atom)