4:57:23 AM | 3/28/2013 | Thrusday
Mapapatawad mo ba ang isang taong kinupkop
mo, kung malalaman mo siya rin pala ang kumitil ng buhay ng anak mo?
Naging miserable ang buhay para sa isang
Simon Celestino, 49 anyos, mula noong namatay ang kanyang unica hijang si
Mariah. Ang dalagita ay napaslang dahil sa hindi niya hinayaan na makuha ng
isang batang hamog ang kanyang pitaka nang ganun-ganun lang. Ang tanging alam lang niya ay bata ang nakapatay, pero hindi pa ito lubusang makilala ng otoridad sa panahon na iyun. At hindi rin siya masasakdal kung sakali man dahil sa menor de edad ang suspek.
Halos isang taon na ang nakalipas, pero
sariwa pa rin sa alaala niya ang mga nangyari. At naghahanap pa rin siya ng hustisya. Umaasa na darating ang isang araw at makakamit niya ang inaasam na katarungan para sa kanyang lumisang anak.
Isang sabado ng umaga, dakong alas-9 nang
nadatnan niya ang batang hamog na si Jimmy, 11 anyos, mababangga niya si Mang Simon habang tumatakbo at tila
hinahabol siya. Nabitawan ni Jimmy ang hawak na cellphone na halatang hinablot
niya mula sa ibang tao.