Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

13 April 2013

Throwback Saturdays

4:31:32 AM | 4/13/2013 | Saturday

Being still a radio fanatic for more than a decade already, I used to grow up listening to the music of the past, especially if it sounds like it was way back from my childhood days. And it’s been a long time when old-soul type of people like me missed those 90s tracks, and have been craving for them to get aired on radio again.

Besides, who will deny that the 90s music was one of the last best things ever heard nowadays? Well, two stations used to offer a playlist consisting of the music coming from the very last decade of the second millennium.

12 April 2013

PlayBack: BULOK – Sir Rex Kantatero

4/12/2013 5:54:13 AM 

Ah, BUKO pala ha? Siguraduhin mong hindi ka BULOK, ha? I mean, hindi ka nangangamoy bulok.

Dahil tayo ay nasa republika ng mga parodista, ito ang isang parody na nagustuhan ko. Sa panahon na sobrang apaw na ng mga romantikong ballad sa ating bansa, ito lang yata ang isa sa mga nakakatawang pamabsag-trip mula sa isa sa mga sikat na parodista sa panahon ngayon, si Sir Rex Kantatero ng iFM 93.9

Ang Problema sa Usaping Ratings: Be Careful With My Heart vs. Eat Bulaga


5:34:36 AM | 4/12/2013 | Friday

Maikiling pasada lang.

Sinasabing naungusan ng isang teleserye ang batikang noontime show kung ratings ang usapan. Hmm, ganun?

Pero sa tingin ko, hindi porket lamang ka na sa ratings e ibig sabihin ay maganda talaga ang programa mo.

11 April 2013

The Adventures: Torrijos, Marinduque

3:06:02 PM | 4/11/2013 | Thursday


Kay sarap lang baybayin ang dagat habang pasikat pa lang ang araw, tumingin sa bawat kalyeng madaaanan, masilayan ang mga batang naglalaro, mga nagtaasang puno at bundok sa gitna ng matatrik na kalsada, at ang baybayin na mas lawak pa sa isipan ninuman.

Ito ang aking kwento, ito ang aking byahe sa bayan ng Torrijos, sa lalawigan ng Marinduque.

Sa Ngalan Ng Kapangyarihan…


2:04:19 AM | 4/11/2013 | Thursday

Ikaw, Ginoong Juan dela Cruz, ano ang kaya mong gawin sa ngalan ng kapangyarihan?  Ano o anu-ano ang mga kaya mong hamakin, makamit mo lang ang inaasam na pwesto sa gobyerno? Bakit ikaw ang dapat naming ihalal, may ipapakain ka ba sa amin pag ikaw ay aming nilagay sa balota?

Ang dami kong tanong, no? Akala mo ang daling sagutan. Pustahan, kelangan mo ng sandamukal na mabulaklak na salita para lang maka-iskor sa aming boto. At kailangan mo ng mga abugago, este, abugado para lang pabulaanan ang mga interogasyon ko.

Pero ano nga ba talaga ang gagawin mo para manalo ka? Ano ang hahamakin mo sa ngalan ng kapangyarihan?

Replay Value: Ginebra Versus Meralco


3:15:24 AM  | 4/9/2013 | Tuesday

(This was apaprently a late post as Ginebra lost its last assignment at the hands of Alaska Aces just this Wednesday, April 10, 2013)


It was another Superball Sunday at the Big Dome as Ginebra faces off Meralco at the main event of the games last April 7, 2013.

09 April 2013

When The Dream For The Philippine Hip-Hop Turned Real.


4:19:46 PM | 4/9/2013 | Tuesday


Who would have thought that a dream like this will turn into reality? Yes, perhaps a lot of people will not take this thing seriously unless it is already stated on the papers and works on the internet. Well, gues what? It was written, already.

I used to spot these words in Konektado’s Facebook page a few years back: “Araneta Dreams.” A bunch of hip-hop artists performing at the Big Dome (yes, it will be at the Araneta Coliseum). Impossible as it seems in the first place, eh?

Hey, it’s not anymore as tonight they will conquer the world, and it will be possible. Artists from the hip-hop and other genre will be performing on stage. Gloc-9, Greyhoundz, Freddie Aguilar, Abra, Q-York, Quest, Mike Swift, Urban Flow, Ron Henley, Loonie, Mike Kosa... you name them, and there’s a whole lot more.

08 April 2013

Prank Call.


6:02:17 PM | 4/8/2013 | Monday

Isang video ang kumalat kamakailanlang sa internet – ang nagngangalang DearAteCharo sa YouTube ay gumawa ng serye ng mga prank call at inupload ito sa kanyang channel.

Tumatawag siya sa iba’t ibang kumpanya na tulad ng LBC, Pizza Hut, BDO, SM at iba pa, para makipag-usap ukol sa mga serbisyo nila na may halong pagbibiro ng naturang caller.

07 April 2013

Sino Ang Dapat Sisihin?: “Sabit”


10:20:34 AM | 4/7/2013 | Sunday

Babala: Hindi po ito true story.

Isang sitwasyon ang aking napuna habang ako’y nasa gitna ng byahe nun. Nasa isang kalye sa lungsod ng 
Pasig ang aking binabaybay na dyip, nang may mga grupo ng mga bata (as in wala pa sa wastong edad) ang sumasabit sa mga pampasaherong dyip. Malalakas ba loob nila? Maari, dahil hindi nila alam ang panganib na kayang idulot ng pagsabit. Napasigaw na ang drayber lahat-lahat para babalaan ang mga bata na bumaba sa kanyang sasakyan, pero hindi ito pinakinggan ng mga musmos na pasaway.

Hanggang sa isang saglit matapos ang kanyang matiwasay na pagpapatakbo (as in sakto lang), napapreno bigla ang dyip at sa hindi inaasahang pagkakataon, nahulog ang mga bata. Napabitaw sa sinabitang dyip ang mga ito at nabagok pa nga ang isa sa kanila, habang ang isa ay muntik pang masagasaan ng kasunod na sasakyan.

05 April 2013

Ang Pakikipagsapalaran ni Calvin Baterna sa Lansangan – EP 2: Same Driver, Same Pedestrian Lane


5:18:23 AM | 4/5/2013 | Friday

Sa palagiang pagdaan ni Calvin sa kalye ng Esteban Ronquillo papunta sa kanyang eskwelahan, palagi siyang tumatawid sa pedestrian lane. Hindi niya gusto ang magjaywalk kahit medyo madalang dumaan dun ang sasakyan. At depende nga lang sa lugar na pupuntahan nya kung mag-jejaywalk siya o hindi.

At sa mangilan-ngailang pagkakataon, may isang bastardong tsuper sa kanilang lugar. As in lagi lang naman siya nagmamahneho na parang siya ang hari ng kalsada. Walang haharang, dahil tiyak na mahi-hit and run ka kung magkataon na ikaw ay kanyang mabangga.

04 April 2013

Just My Opinion: Kevin Ware's Injury.

5:40:40 PM | 4/4/2013 | Thursday



It was a simple jump that jeopardized his leg. 

Sometimes, no other opponent can stopped a man’s dreams and race for his passion to do something he loved, such as getting involved into sports like basketball. Only the so-called “injury” can do so for him, something that no one ever wished (unless you are a total hater) to happen.

Well, let’s hope that he can play again, even if it will take a long time for him to recover from that traumatic incident.

Perhaps this will fall as one of the worst injuries ever occurred at a sports activity.

Sensible Glock


4:56:13 PM | 4/4/2013 | Thursday

Wala akong anumang recorded material ng artistang ito. Ang tanging sandigan ko lamang sa kanyang musika ay ang internet, umaasa sa YouTube sa kanyang orihinal na music video o sa Myx pag naabutan ko pa ‘to na umeere sa Studio 23.

Marami naman akong hinangaan na artista sa larangan ng musika, maliban na nga lang sa panahon ngayon na kung saan ay saksakan na ng kababawan ang mga nilalaman ng karamihan sa mga napapakinggan.

Pero buti na lang, sa kabilang banda, may mangilan-ngilan na malulupit pa rin. Yung mga may sense ba ang kanilang musika. Of course, yun lang naman ang hanap ko sa buhay e. Tipong sensible music lamang ang nakapagpapasaya sa kamalayan ko. Tulad na lang ng isang ‘to sa larangan ng mainstream hip-hop ngayon.

First Quarter Storm – 4


4:46:09 PM | 4/4/2013 | Thursday

Ano ang mga in na balita? Alin naman din ang mga wlaang kaato-atorya? At sa aking pagratsada muli, narito ang aking pasada ng mga tirada sa ika-apat na installment ng aking pinamagatang First Quarter Storm.

Anti-Bullying Anthem.


6:44:27 AM | 4/4/2013 | Thursday


“Hindi lahat ng mahina, nananatiling mahina. Hindi lahat ng malakas, palaging malakas. Hindi lahat ng mahina, mananatiling mahina. Mata mo’y iyong buksan, bumangon ka’t makialam.”

Hindi ko mawari kung paano ako nabighani sa boses ni Zia Quizon sa pagkanta ng chorus part ng kantang ito. Pero mas namangha ako sa mensaheng dala ng mga rap ni Gloc-9. Naglalarawan ng mga masasalimuot na karanasan ng isang batang tahasanag nilalait, inaalipusta, o sinisindak ng kapwa niyang kamag-aral. Kung ano ang epekto nito sa kanyang buhay, at pakikitungo sa tao. Sa sobrang lakas lang ng pangtitrip sa kanya, ito ay maituturing na isang kaso ng bullying.

Basta ang alam ko lang ay may matitiding mensahe ang nilalaman ng kantang ito. Parang pakikibaka ba? Oo, pero isang matinding hakbang laban sa hindi matapos-tapos na pakikidigma sa kaso ng paninindak.
Nagsama ang dalawa para sa isang awitin na may pinaparating na mensahe mula sa isang organisasyon na may adbokasiyang labanan ang pangbubully.

02 April 2013

First Quarter Storm - 3


5:27:20 PM | 4/2/2013

Sa nakalipas na tatlong buwan, ano ang mga balita na masarap pag-usapan at ang mga balita na hindi na dapat pang umaalingawngaw sa ere? Narito na ang aking pasada ng mga tirada ukol sa mga maiinit at mallmig na kaganapan sa unang tatlong buwan ng taong dos mil trese. (In no particular order)