10:37:23 AM | 4/14/2013 | Sunday
Babala: Ang tema ng
blog post na ito ay napaka-bayolente at ang mga masasapul sa sulatin na ‘to at
titira pabalik sa awtor ay malamang, mga hindi maka-amin sa mga kabobohan nila.
At lalo na huwag mong seseryosohin ang mga nakasaaad, dahil hindi naman talaga
galit ang may-akda. Sinasabi ko lang, baka madala ka bigla e.
“Gangster ka? Mukha mo, iba na lang lokohin mo. Matapang ka
lang ‘pag hawak mo ang PC mo e.”
Paalala lang sa mga nagpapaka-mangmang na tao sa YouTube,
Twitter at Facebook. Mga taong ang aangas pero nagtatanga-tangahan naman d’yan.
Mga taong nagtatapang-tapangan d’yan pero nagtatago naman sa hindi mo
maintindihang mga pangalan at sa halatang trollface na larawan. Mga gagong
umaagaw ng atensyon mula sa mga bagay na dapat mag-trend, pero kapag may may
nag-rant na taliwas sa kanila, akala mo kung sinong superhero kung
makipagdigma, dumepensa, at mang-bash.
Hindi porket may computer at internet ka ay magmamatapang ka
na. Hindi kami (at lalo na hindi ako) gago para maniwala sa mga salita mong
mababaho na sinamahan mo pa ng litrato mong mukhang paa (ay mukha pala yan? Bakit
ang dami yatang kalyo at paltos?).