Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

17 May 2013

Halos Tapos Na Ang Eleksyon. E Ano Naman Ngayon?


12:31:54 AM | 5/17/2013 | Friday

Tatlong araw ang lumipas at matatapos na rin ang bilangan ng boto sa halalang ito, ang 2013 Midterm Elections. Ang kaso, e ano naman ngayon? May nabago ba at may mababago ba sa sistema ng ating bansa?

16 May 2013

Rewind: Upakan

5/9/2013 4:00:00 PM

Maiba naman tayo. Let’s go back to the 1970s with this parody track mula sa trio na wala na yatang ginawa sa kanilang musika kundi ang patawanin tayo sa pamamgitan ng kanilang Tough Hits.

Upakan, mula sa trio nila Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon, spoof mula sa kantang Usapan ng isang 70s group na Sing Sing.

Isang Pasaring Sa Mga Tangang Mamamayan.


11:48:49 PM | 5/15/2013 | Wednesday

Mga minamahal na kababayan, bakit ang tatanga n’yo? Noong mga nagdaang taon, noong panahon na naghari ang korapsyon,  naghahangad kayo ng pagbabago. Nitong mga nagdaang araw na’y dumating na ang eleksyon, ni hindi naman kayo bumoto. Puro kayo reklamo. Anak ng puta naman, ano ba talaga ang gusto n’yong mangyari sa lipuanng ginagalawan n’yo?

Oo. May bumoto nga naman. At noong dumating na ang eleksyon, laging paalala sa inyo na bumoto ng wasto. Pero ano ang ginawa mo? Winaldas ang pagkakataon. Nagpasilaw sa kasikatan nila, kahit wala namang kakwenta-kakwenta o ni substamsya ang kanyang ginawa, basta may pangalan, sige lang. Parang mga gago lang na nagpadala sa kandidato porket may sarili siyang palabas at pera. Kahit walang kilos at puro lang boka. Ay, nakakaloka.

15 May 2013

Gatas O Gin? (Just My Opinion: 2013 PBA Commissioner’s Cup Finals)


11:42:30 AM | 5/15/2013 | Wednesday

Gatas o Gin? Ito ang matimbang na tanong sa ngayon, dahil Game 1 na ng PBA Commissioner’s Cup finals ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ayos. Parang classic rivalry noong 90s lang ha? Noong panahon na nagkaroon ng Grandslam ang Alaska at ang kaharap nito ay ang.... *drumroll, please?* ang crowd favourite na Ginebra, may mala-Twin Tower na line-up sa pamamagitan nila EJ Feihl at Marlou Aquino. Mantakin mong ang isa sa mga mas matayog ang lipad nun ay si Johnny Abarrientos?

Pero fast forward tayo sa 2013.

14 May 2013

PlayBack: Ilusyon

5/14/2013 10:58:20 PM

Balik sa eksena ng rap sa Pilipinas. Sa isang artista na patuloy na namamayapgpag maliban pa kay idol Gloc-9. Oo, at hindi itong isang pseudo-love song o sabihin na natin na isang malaromantikong tema (ganyan ang pagkaintindi ng karamihan sa mainstream e) na tulad ng “Gayuma.”

Pinoy Na Pinoy Ang Summer


12:56 AM | 03/21/2013

Ang pamagat ng post na ito ay may halaw na inspirasyon at konteksto mula sa “Pinoy Na Pinoy” segment ng programang “The Disenchanted Kingdom” na umeere noong 2009 hanggang 2012 sa 99.5 RT

Miyembro ako ng isang Facebook group ng isang dating programa sa radyo. Bihira nga lang ako magpost dun. At maalala ko pala, sa palatuntunan din na iyun umeere ang segment na kung tawagin ay “Pinoy na Pinoy.” Dito pinag-uusapan ang ilang mga bagay na nakakarelate sa bawat Pinoy.

As in Pinoy na Pinoy lang. At dahil summer na, ito ang iilan sa mga senyales na summer na sa Pilipinas.

Dissing To My Dismay


12:04:09 AM | 5/14/2013 | Tuesday

Naalala ko lang ang kantang “Mga Putangina N’yo” ni Batas. “Nagkataon lamang na ang dami n’yong nabenta dahil sobrang daming Pilipinong ubod ng tanga!”  Alam ko, masyadong harsh ang linyang yan. Pero sa totoo lang kasi, Ang daming mali e. Napakaraming mali. Isang nakakadismayang gabi.

Hay, naku. Siguro, kaunti lang ang nakapansin na mangyayari pala ito. Sa aking pagsbuaybay sa resulta ng botohang naganap nitong araw lamang, ang mga taong hindi deserving sa mata ng iilan na tulad ko ang siyang naging patok at naging kabilang sa mga nangunguna sa bilangan ng boto.

Hindi naman sa pagiging bitter o talangka. Pero anak ng pucha, bakit ako magngangawa na parang ganito? Siyempre, bumoto ako. Natural lang! Inexercise ko ang right of suffrage ko, no!

13 May 2013

PlayBack: Brod Pete’s Election 101

5/13/2013 11:50:08 AM 

Ito para sa education at enjoyment mo. Kung hindi ka pa nakakaboto ngayong araw, panooring mo ‘to. Nakakatawa sa unang tingin, pero matindi rin ang mensaheng nilalaman nito. Tuturuan ka lang naman ni Brod Pete kung paano ang tamang pagpili ng kandidato para sa iyong balota at iyong isipan.

Playback: KUNWARI

5/13/2013 10:49:53 AM 

Dahil eleksyon ngayon, ito lang yata ang natatanging post ko lang. Dahil sinulat ko na ang iba noong mga nagdaaang araw. LOL!

Maiba tayo. Pang-soundtrip ba. Baka itong kanta na ito  ay makatulong sa inyo para makapagdesisyon. Ang paglarawan nila Gloc-9, ng bandang Kamikazee, kasama sila Biboy Garcia at Manuel Legarda.

12 May 2013

Nasa Botante Na ‘Yan


5:44:52 PM | 5/12/2013 | Sunday

Sa totoo lang, tayo ang mas may hawak ng kapangyarihan sa ating bayan. Tayong mga mamayan na bumoboto sa kanila. Tayo ang gumuguhit ng ating sariling landas bilang isang lipunan. Kahalintulad nito ang kasabihang “You create your own destiny,” o ikaw mismo ang gumagawa ng sarili mong daan sa iyong buhay.

And We Meet Again for the Fifth Time


5:15:39 PM | 5/12/2013 | Sunday

Looks like another classic match-up will about to have an epic finale.

For some time lately I have been following this rivalry: Ginebra versus Talk ‘N Text. It’s the crowd favourite versus a perennial dynasty crew. It’s like the People’s champ going up against a solid title contender. And all that will happen tonight at the Big Dome. Do or die match.

It’s More “Ban” In The Philippines


1:53:49 PM | 5/12/2013| Sunday

Ang pamagat ng post na ito ay hango sa post ni Albay Governor Joey Salceda. (https://www.facebook.com/jose.salceda.92/posts/10151688310671756)

Since uso rin lang naman ang panahon ng eleksyon sa Pilipinas, uso din ang mga tinatawag na “ban." At sa sobrang uso nito, ang dami pa rin ang nagiging pasaway. Pero meron din naman ang umaalma sa sinasabing ban. Kunsabagay, may gun ban nga e marami pa rin ang lumalapastangan sa kanilang kapwa gamit ang baril na ‘yan e. What more pa ang “liquor ban,” and “money ban.”

Tirada Ni Slick Master: Like If You Love Your Mom?


12:59:59 PM | 5/12/2013 | Sunday

Babala: Basa-basa din bago magreact. Huwag manghusga kung tatanga-tanga ka rin lang naman at kung nasapul ka sa iyong kalokohan.

Napapanahon na naman ngayon ang pagpapkita ng pagmamahal sa kanilang mga ina. Walang masama. Well, sa totoo lang, wala sanang masama.

Kaso, maliban na lang kung ang mga kilos at galaw mo sa panahon ay nakabase sa mga post sa Facebook. Kung ang pagpapakita mo ng pagmamahal sa iyong ina ay pang-show off lang. Masabi na nakikisakay ka sa uso, pero hindi naman ito pinapatoo pag nag log-out ka ng iyong Facebook. Parang... ito.

ablogofmymusingsandramblings.wordpress.com

“Like If You Love Your Mom.”

11 May 2013

Dapat Tama


8:27:43 AM | 5/11/2013 | Saturday

Dapat tama. Isa sa mga tampok na mga salita o parirala ngayong taon, lalo na’t nalalapit na ang panahon ng eleksyon. Dapat Tama, isang patotoong salita, hindi lamang sa larangan ng pulitika, kundi sa lahat ng aspeto ng ating buhay sa lipunang ito. 

10 May 2013

Socio-Political Impact


11:54:04 PM | 5/9/2013 | Thursday

Matindi ba ang impact ng social media pagdating sa 2013 midterm elections? Oo naman.

Sa totoo lang, nagsimula ang ganito mula pa noong 2010 presidential elections, naging venue ng ilang kandidato ang mga social networking websites na tulad ng Facebook at Twitter.