8/2/2013 11:56:58 AM
Napag-iiwanan na nga ba ang basketball sa ating bansa?
Siguro, kung reality bites ang gusto mong kasagutan.
Oo, reality bite nga. Harsh reality bite ‘to para sa atin.
At sa darating na FIBA Asia, malaki man ang tiyansa para masungkit ang ikatlong
ticket para sa World Cup ng FIBA sa Spain. Pero dadaan naman tayo sa
napakaliit na butas ng karayom. Siguro, napaka-sure spot na yung makarating
tayo sa either quarterfinals o semifinals.
Paano ko nasabi ang mga ‘to? Ganito kasimple: Simula noong
nakalaya tayo, maraming bagay na ang unti-unting nawala sa atin – kasama rito
ang ating dominasyon sa international basketball. Noong 1986 ay dapat lalahok
din tayo sa World Cup ng basketball sa Espanya. Sa kasamaang palad, hindi tayo
natuloy dahil sa estado ng pulitika sa ating bayan. Ayon yan sa FYI segment ng
programang Reaksyon ng TV5.