Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

12 September 2013

Pwera Pera

09062013 | 0621PM

Pork barrel lang pala ang katapat n'yo e. Akala ko naman sa mga kontrobersiya sa showbiz lang ang specialty ng awareness n'yo. Kadalasan kasi ay sa mga ganung bagay lang nakikialam ang publiko, kaya wag mo masyadong asahan ang mga ito pagdating sa newscasts. Maliban siyempre, sa panahon (pag may bagyo), at laro sa sports kung saa'y nakasalalay ang ating national "pride."

Well, good sign na maituturing. Pero good nga ba?

Ano bang meron sa pork barrel at bakit ganun na lamang kataas ang interes ng publiko sa usapin ng pork barrel scam?

Pera. Oo, pera nga.

Nyai! Pera lang?

11 September 2013

Bago Taasan Ang Pasahe sa LRT at MRT...

09/07/2013 12:40AM

Alam n'yo, bago taasan ang pasahe sa MRT at LRT, dapat may mga bagay na ma-improve sa kalidad ng mga serbisyo at pasilidad ng mga naturang line rail systems. Bagay na siguro ay aasahan ng mga commuter sa mga susunod na taon.

Ang inyong lingkod ay isa't kalahating dekada nang ginagamit ang transportasyon na ito, papunta man sa eskwelahan, galaan, sa bahay ng kaibigan, o pag nag-aapply ng trabaho. At sa mga nakalipas na taon, marami akong naobserbahan. Mga bagay siguro ba kailangan nang baguhin at ayusin. Malay mo, ang fare hike na ito ay makatulong, maliban pa sa katotohanan na malaking halaga ang binabayad pa ng pamahalaan bilang sibsidiya.

Narito ang ilang mga bagay na dapat pag-isipan ng mga nanunungkulan bago magpatupad ng increase sa pasahe ng LRT at MRT.

Socio-Revolutionary Impact

09092013 | 1052AM

Gaano katindi ba ang kapangyarihan ng social media? Napakatindi lang. Sa isang simpleng post kasi, kaya nitong pasikatin ang isang tao o kaya rin nitong yurakan reputasyon nito. Make or break ba.

10 September 2013

Selfish?!

09062013 | 1126AM

Maikling pasada lang, ano?

Ayon sa isang pag-aaral, ang kasalukuyang henerasyon ay gastador daw. Kadalasa'y ang mga salaping natatanggap nila'y napupunta sa nagbabgo nilang lifestyle, partikular sa mga makamundong bagay tulad ng mga gadget, pag-shopping, at pagkain sa labas.

Ang Pa-Plastik N'yo! (A Friendly Tirada)

09/07/2013 11:07PM

May kasabihan: "Aanhin mo ang napakaraming kaibigan kung hindi naman sila totoo sa tapat mo?"

Hindi ako magpapaka-hipokrito. Sa dinami-dami ng mga kaibigan ko sa parehong birtwal at tunay na mundo, mas gugustuhin ko pa ring manatili bilang isang anti-social na tao.

08 September 2013

05 September 2013

Throwback: 13 in 35

08292013 | 08:42AM

Tracy McGrady, once a prolific scorer in the National Basketball Association, has officially retired from the league after 16 years.

As the said news item came out from his Twitter account, some sports pages asked: What it your favorite T-Mac moment?

And here is my answer: an epic clutch performance during the final 35 seconds against the San Antonio Spurs at the Toyota Center.

04 September 2013

Over-hyped?

9/4/2013 7:26:02 PM

“Balitang-balita sa radyong sira! Nahuli na si Janet-Napoles!” (switches dial)

“Mainit-init na balita! Nailipat na sa Fort Sto. Domingo si Janet Lim-Napoles!” (switches dial again)

“Bagong-bagong balita! Si Janet-Lium Napoles, nagkasakit!” (turned off my radio)

(Sabay lumabas ng bahay at lingon sa paligid)

“Uy, balita raw na si Napoles ay blah, blah, blah...”

May Bagong Sex Scandal! E Ano Naman Ngayon?

9/4/2013 5:08:50 PM

May bagong sex scandal na naman! Weh, ano naman ngayon?

Asus, ‘tong mga ‘to, parang hindi kayo nakakakita ng ganyan sa mga talambuhay n’yo? Aminin. Ang umangal ng sobra-sobra kung makapag-deny, halatang hipokrito.

Just My Opinion: Overpriced Flagpole?

9/4/2013 5:09:00 PM

7.8 million pesos para sa ating national flagpole. Tama. Nagkakahalaga ng tumataginting na pito-punto-walong milyong piso.

Overpriced nga bang maituring 'to?

Very Important Prisoner?

09022013 | 1109AM

Nahuli na si Napoles. Ano na? Bakit pa kayo nagmumukmok?


E may V.I.P. treatment e! Masyado espesyal!

Kunsabagay, parang ang espesyal ng dating e no? Isang corrupt na businesswoman sa mata ng nakararami ay sumuko kasi sa pangulo ng bansa.

Ganun? Porket sumuko na kay PNoy, special na kagad? 

30 August 2013

Nasaan Ka, Janet?: Ang Pagtatapos (!?)

08292013 | 01:25PM

The big pork is no more at large!

Weh! Talaga lang ha?

Sa wakas, natuldukan na rin ang malawakang manhunt ng tinguriang reyna ng anomalya na may kinalaman sa pork barrel. Alas-9:37 kagabi nang sumuko kay Pangulong Benigno Aquino III si Janet Lim-Napoles, ang negosyante na sinasabing utak ng 10 billion peso pork barrel scam.

27 August 2013

Bayanihan Noon.... Ano Na Ngayon?

8/27/2013 11:35:38 AM

Salamat sa Studio 23 para sa isang napapanhong TVC sa kabila ng martsa ng karamihan ukol sa pork barrel. Napanood ko ‘to habang nakatuned in sa aking lumang paboritong sitcom nun.

Kahapon ay araw ng mga bayani. Kaso, maliban sa “ano naman ngayon?” ay paano kaya kung buhay pa ngayon ang mga bayani na nakikita lang natin sa dating palabas ng ABS-CBN na Bayani, at mga aklat ng Kasaysayan, o HEKASI, o Sibika at Kultura?

25 August 2013

Suntok Sa Buwan

8/25/2013 10:46:44 AM

Abolish pork barrel? 

Nah, sa totoo lang, isa rin ako sa mga sumusuporta sa adhikaing ito ng mga netizens sa internet. Aba, ikaw ba naman ang maging kabilang sa kommunidad ng mga taxpayers ng lipunan (at mantakin mo na kahit bata pa na may binibiling pagkain sa tindahan ay maaring kabilang din dun), tapos malalaman mo na lang na ang binayad mo ay napunta lang sa bulsa ng mga gahaman?


Kaya sa lang, sa totoo lang, (reality bites ba), ang pagbuwag sa tinatawag nating pork barrel na may mabangong pangalan bilang “Priority Development Assistance Fund” (o kung magbabalik-tanaw tayo sa pagbabago ng lipunan, “Countrywide Development Fund.”) ay isang malaking suntok sa buwan.

Oo, napakalabong mangyari ke agaran man o long-term ang solusyon. Bakit ko nasasabi ang mga ‘to? Maraming dahilan, mga tol.

22 August 2013

This Is Where Your Taxes Go

 8/21/2013 4:34:52 PM

May kasabihan: Kung ano ang binayad mo, yun din ang dapat ang matanggap mo. “You get what you paid for,” ika nga sa Ingles. Ganyan sana ang kalakaran sa ating bansa pagdating sa buwis.

Pero bilang isang parte ng middle class, isang malalaking grupo ng mga tao na nag-aambag ng halaga ng salapi sa ating bayan, saan nga ba napupunta ang ating buwis? Dapat sana sa mga imprastraktura at proyekto ng gobyerno ‘di ba?

Mali. Sa totoo lang, sa mga bagay na ito napupunta ang ating buwis.