Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

20 October 2013

The Scene Around: This Is A Crazy Planets 2 Book-Signing Event

10/20/2013 1:33:20 PM

He’s back. He’s furious. And it may be a Saturday, but it was the day when the Lourd said for the second time around, “Let there be a second book!” And presto, Summit Books just produced another hell-of-a-book that consists of compilation of selected essays from that SPOT.ph blog “This Is A Crazy Planets.”


Yes, “The Best of This Is A Crazy Planets Book 2” was already in the circulation of the bookstores. And as per National Book Store’s list of bestsellers for Philippine Publication last month (September 2013), Lourd’s latest book was placed on the 8th spot.

So the stage was set on that National Book Store branch inside SM North EDSA, and that Saturday afternoon turned out to be a satirical one, as the man himself went up to his stage and desk, spoke a little about his latest read, and joked about the latest news on Freddie Aguilar.

18 October 2013

Blaming Game?

10/15/2013 2:49:44 PM

Okay. So olats ang mga Tigre, nang dahil sa kapalpakan ng isang manlalaro nila? Ang daling husgahan ang mga pangyayari no?

Sabagay, ikaw ba naman kasi ang magkaroon ng dalawang malaking pagkakamali sa mga huling minuto ng laro e. Ikaw na nagmintis ng tira sa duluhang bahagi ng fourth quarter kaya umabot sa overtime. E libre ang bine-buwenas na si Jeric Tengpara i-panalo ang laban. At ikaw din ang nagbato ng isa sa mga pasa na hindi nasalo ng kakampi niya sa huling mga segundo ng overtime.

At ikaw rin ang maging subject ng mga ganito: ang sigaw ng pagkadismaya ng coach mo, ang pagkabadtrip ng crowd ng mga Tomasino sa iyo, at ang maging subject sa pangbabash nila sa Twitter.

17 October 2013

Tirada Ni Slick Master: Religious Basher

10/15/2013 3:21:46 PM

Isa sa mga pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang mga tao ay ang hindi marunong gumalang sa relihiyon ng kapwa nila. Don’t get me wrong, maraming ganyan sa hanay ng mga sekta. Minsan nga, pari pa nga ang may ganang gumawa ng ganyan e, maliban sa ilang mga atehista. Pero ito? Ang litratong ito? Naku, good luck na lang sa ‘yo sa pangbabatikos ng Pinoy patola mob.



16 October 2013

Shoot, Upload, and Copy-Paste

10/12/2013 12:42:33 PM

Kamakailanlang, umalingangaw na naman ang balitang may kinalaman sa plagiarism. At hindi ito usapin ng copy-paste ng artikulo o talumpati na ginawa ng isang senador noong nakaraang taon, ha? Ang tinutukoy ko sa puntong ito ay ang pag-nakaw diumano at pag-angkin ng isang “scholar” ng mga litrato na sinasali niya sa mga patimpalak.

Matapos pumutok ang isyu ng pag-plagiarize ni Marc Joseph Solis sa isang litrato (na nanalo pa) bilang entry niya sa Smiles For The World Competition, ay nabuklat din ang kasaysayan ng kanyang gawain. Aniya, lumahok ang naturang Public Administration graduate sa 7 photo contests, at 3 sa mga ito ay nakakuha siya ng mga parangal. Hindi para sa best plagiarizer ha? Kundi sa pagkapanalo.

Tama. Pitong patimpalak at pitong nakaw na litrato. Nakagugulat ba? Ayon yan sa fact-finding committee na binuo kasunod ng nasabing insidente na ikinasangkutan ng isa sa kanilang mga “iskolar.” Sabi ng dean ng UP National College for Public Administration (NCPAG) yan: “He submitted pictures that were not his despite the rules of the contests that the person should be submitting original work.”**

15 October 2013

14 October 2013

Book Review: The Best of This Is A Crazy Planets Book 2

9/30/2013 3:32:53 PM

So… the planets have gone crazy again, eh?



One hell-sick-noisemaker in the name of Lourd de Veyra has a lot more to tell, and it’s all in his second book – the book 2 of This Is A Crazy Planets (With no pun intended, but the last word was spelled right even if you argue on the grammatical structure of the entire title).

This Is A Crazy Planets is the Radioactive Sago Project frontman-slash-TV5 personality‘s blog section at the lifestyle website SPOT.ph; and selected articles from the said blog site (dated from 2011-2013) were the main content of his second book: From foodie to selfie; from offending religious feelings, to the “baby” informal settlers; from knockout losses to Palito and Dolphy’s death; from all the rants-against-the-stupidities-of-our-society to his cute puppy dogs.

13 October 2013

Don't Hate. Appreciate.

10/13/2013 10:57:05 AM

Since it is a Sunday (well, as of the time I am writing this piece), try to do this: let’s do patch things up on a good, lighter note. Shall we? Yeah, let’s go the other way around since I have been noticing that most of my posts in this blog site of mine are already bunch of not-so-bad ones.

“Love is what NOT the world really needs. It should be APPRECIATION.” I used to wrote that on my personal refection article “69 Things in Life, According To Me.”

12 October 2013

Ang Ma-PR Na Sibling Rivalry

10/7/2013 5:36:40 PM

Wow, ang lakas ng drama nila ah. May aksyon, may twist, may trash-talking spiels, at eksena sa korte ah. At take note, ilang take na rin sila kahit sabihin pa yata ni Direk na “CUT! PERFECT!”

E ano naman? Hay naku naman, puwede bang tantanan na natin ang kadramahan ng mga Barretto sisters?

Matakin mo, ang daming problema ng Pilipinas na dapat pang pansinin, mula pork barrel scam hanggang sa sigalot sa Zamboanga, hanggang sa training ni Pacquiao hanggang sa pagiging patola ng mga netizens kay Devina Deviva. Pero bakit ito pa ang ginawang national item sa mga flagship newscasts ng mga malalaking network?

11 October 2013

When “Indie” Is “In.”

9/21/2013 8:53:26 PM

Sa nakalipas na mga buwan at taon ay tila umuusbong na ang industriya ng pelikula sa ating bansa. Pero hindi sa parte ng mga nasa mainstream ang tinutukoy ko. Alam mo kung saan? Ito lang naman – ang nasa larangan ng mga independently-produced films.

Kung may mainstream, siyempre may underground... bagay na tulad na lamang ng mga pelikula.

09 October 2013

Lessons From That OTJ Movie

10/5/2013 11:55:48 AM

Sa totoo lang, bihira lang ako makapulot ng mga aral sa mga palabas. Lalo na sa panahon ngayon na kung anu-anong kalokohan at kababawan na lang ang nakikita ko sa parehong mundo ng telebisyon at pelikula. As in hindi mo na siya mahanapan pa ng lalim, o ng kulay, o kung anu-ano pa na maaring maging kapaki-pakinabang.

Nabago lang ulit ang pananaw ko sa mga pelikula noong natuto ako manaliksik at manuri ng mga palabas. Salamat sa isang subject ko nung estudyante pa ako sa kolehiyo; at sa tila prebilehiyo na makakapanood na ulit ako sa sinehan dahil nagkatrabaho na ako. At mas lalo nabago pa ito noong pinanood ko ang pelikulang ito (sabay turo sa banner ng pelikulang On The Job).

Sa halos dalawang oras na nakatutuok sa malaking screen na ’yan, marami akong natutunan sa pelikulang On The Job. Anu-ano ang mga ‘yun? Huwag kang mag-alala, ike-kwento ko na siya rito.

08 October 2013

Tirada Ni Slick Master: Perilous Footbridge

10/8/2013 9:56:36 PM

Nakakatawa lang na may ganitong proyekto pala sa ating bayan, ano?

Hindi naman sa pagiging mataas at maangas, ha? Pero pansinin ang larawang ito na mula sa artikulo ng pahayagang Philippine Daily Inquirer.

Yung bagong footbridge sa bandang Commonwealth Avenue (o sa alternatibong pagkakakilanlan nito na Don Mariano Marcos Avenue). Ang isang bahagi ng naturang tawiran ay may nakahambalang na mga kable ng kuryente.

Photo credit: http://newsinfo.inquirer.net/501237/qc-to-dpwh-fix-perilous-footbridge

Ano, nakaiinit ba ng ulo? Tumaas ba presyon mo?

07 October 2013

Punk's Got Punked


9/21/2013 3:29:14 PM

I know. I’ve hated CM Punk for disrespecting the Undertaker’s man weeks before their over-hyped Wrestlemania match at New York.

But heck, he’s on the underdog side this time around. I mean the real “underdog” state of mind. He dueled up against the intercontinental champion Curtis Axel and his former friend Paul Heyman.

04 October 2013

Tirada Ni Slick Master: Worldwide Racial Slur

10/4/2013 1:38:44 PM

Photo credit: http://vincenton.wordpress.com/2013/10/01/devina-dedivas-bigoted-online-rants-should-shame-rps-politicians-and-protectionists/

O, may ayaw pala kay Megan Young. May ayaw sa pagkapanalo ng Pinoy. May ayaw sa nanalong Miss World 2013 na mula raw sa bansa ng mga alipin.

O eh ano naman ngayon? Bakit naman kayo pumatol sa bruhang yan? Totoo ba na mga yaya lang tayo dito?
Isang malaking joke ang lahat? Kung ganun, isa lang ang sagot ko: kung joke man sa mata mo ang manalo si Megan Young, e ang corny mo naman, gago!

Pero teka lang, ano ba ang kinaiinisan ng mga Pinoy dito? Yung “biro” ng pagkapanalo? O ang “racist remark” na “I did not know those maids have anything in them.” “Poor” and “smelly” pa nga e.

03 October 2013

Tirada Ni Slick Master: "Puppy Crush"

10/3/2013 9:57:14 PM

Supposedly sa ibang isyu ako titira. Kaso, teka lang, pasadahan ko muna ang kumakalat na videong ito sa internet. Sa Facebook to be exact, dahil sa malamang hindi papasa ito sa mga censorship ng YouTube e (unless makalusot).

Tatlong dalaga at isang tuta ang tampok sa 19 na minutong video na ito. Halos karamihan na yata ng mga Facebook pages ay ikinalat ito – pero hindi ito pinagpyestahan dahil sa pangkatuwaan lang. Shinare na ito at inupload ng sandamuykal na beses bilang pagkondena sa isang malagim na trip ng mga naturang babae.



Hmmm, disturbing ba? Nakababahala bang pansinin? Unless kung iba maitim ang budhi mo, at mas pinoproklama pa