Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

02 November 2013

In Defense To Mr. Against-The-Flow’s Ideas, And The Rest Of The Blogosphere Who Defies The Society’s Stupidity

10/31/2013 8:36:16 PM

"Readers can rant whatever they want, but they can never understand a writer's mind."

“You hate us? The fuck we care!”

Warning: READ FIRST BEFORE YOU REACT.

01 November 2013

Ang Buhay Ay Weather-Weather Lang

10/27/2013 10:01:35 AM

Ika nga ni Kuya Kim Atienza (sa palagiang extro niya sa kanyang weather news segemnt sa TV Patrol), “sa bawat pagsubok ng panahon, laging tatandaan na ang buhay ay weather-weather lang.” Tama, weather-weather lang. Kanya-kanyang panahon ng pag-usbong, kanya-kanya ring panahon ng paglubog. Hindi nga lang ito tulad ng kasabihan na la ging iniuugnay sa mga bagay-bagay sa larangan ng pop culture na “easy come, easy go.” One minute ay buhay pa ang kasama mo, the next time around ay nasa morgue na siya o sa ataul. O baka maging kartero ka rin ni Douglas Ong kung sakaling pumalpak ang plano n'ya.

Sa nakalipas na mga minuto, oras, araw, gabi, linggo, buwan, taon, o kahit dekada, malamang... minsan siguro ay napataka ka na kung “bakit siya pa?” as in “bakit siya pa ang kailangang lumisan sa mundo nating kinagisnan?”; “Bakit hindi na lang ako, o siya (sabay turo sa mga masasamang damo tulad na lamang ng mga gahamang negisytante, ganid na pulitko, abusadong mamayan at kawatang haling ang bituka) ang dapat kunin ni Lord?” kasabay ito siyempre ng paghagulgol o mahaba-habang panahon ng pagkabalisa.

31 October 2013

Halloween Na! E Ano Ngayon?

10/27/2013 4:26:59 PM

"Ang buhay ay parang HOLIDAY. Pag in-love ka, VALENTINES DAY. Pag marami kang pera PASKO. Pero 'pag tumingin ka sa salamin... Halloween na!" (At sa totoo lang, duda ako sa mga naglabasang post na sinasabing UNDAS ‘yun.)

Papatak na naman sa kalendaryo ang katapusan ng Oktubre. Bago mag-Todos Los Santos, may holiday pang ipinagdiriwang ang karamihan. Tama, malapit na naman kasi ang Halloween. At dahiul Halloween nga, horror na naman ang peg ng paligid. Tatakutin na naman ang sari-sarili sa mga horror movies at zombies at ultimo ang mga napapanahong jokes. Siguro mas papatok ang mga sinehan kung ipapalabas sa panahong ito ang Insidious 2 (bagamat may mga review akong nabasa at ayon na rin sa feedback ng mga tropa ko ay hindi naman siya nakakatakot e. Nakakagulat lang, o lamang lang ng drum na paligo sa mga tulad ng World War Z.)

Okay. Ang tanong: Halloween na nga, eh ano naman ngayon?

29 October 2013

Tirada Ni Slick Master: Butt Exposure

10/29/2013 5:26:40 PM

Ito lang ang ‘di ko maintindihan eh. MTRCB, uminit ang ulo sa butt exposure ni Mr. Bean?!? WHAT THE?!?!?!!  Ang babaw masyado noh? Pero yan kaya ang naging isa sa mga headlines sa entertainment section ng isang pahaygan. Well, editor’s pick pala yun.

LeBron or Kobe? 'Nuff Said!

7/26/2013 5:53:56 PM

Two superstars, they used to square up against each other on that 96 x 50 feet basketball court for at least three times each year. They may have blocked shots, dunked, throw thee pointers and even pin-point passes against each other. Well… okay, now what?

I don’t see anything in this comparison. Why on earth these sports fans will compare these two guys against each other?

28 October 2013

Bakit Nga Ba Hindi Ka Pa Magsulat ng Libro?

7/24/2013 2:27:03 AM

Simula noong nagsulat ako sa aking mga blog, maramaing tanong ang bumulabog sa kaisipan ko. Maliban sa mga kritisimo ukol sa mga akda at punto ng mga sanayasay ng aking opinyon, ay tungkol sa direksyon ng buhay at karera ko naman ang mga tanong na ipinupukol sa akin.

At isa sa mga pinakatinatanong sa akin ay ito: “Bakit hindi ka pa magsulat ng libro?”

Oo nga naman, bakit nga ba hindi pa ko magsulat ng isang libro? Mantakin mo, mula noong 2010 ay mahigit 500 na ang mga artikulo mo sa sariling blog site. At nag-evolve na rin lang naman ang istilo ng pagsusulat mo, ‘di ba? At pakialam ba ng ibang tao na kini-criticize ang iyong gawa at pananaw sa usapin kung sadya namang against the flow ang tingin mo sa mga ‘yun, ‘di ba?

27 October 2013

Iboto Si Wisely!

10/27/2013 12:17:30 PM

www.keepcalm-o-matic.co.uk
Palagi na lang nating naririnig ang salitang ito pag panahon ng botohan: VOTE WISELY. Mula sa eleksyon sa pamayanan (barangay, local na komunidad man, o national – presidential man o midterm yan) hanggang sa mga reality shows na kinakailangan ng “audience participation” (siyempre naman, d’yan masusukat din ang “audience impact” ng isang kalahok at ang popularity factor ng isang palabas maliban pa sa ratings nito), usong-uso ang “boto.” Teka, baka naman sa election ng class officers ay maririnig mo pa ‘to ha? Pati ang election ng board of officers? Sabagay, kahit OA nga lang ang datingan.

Tama, VOTE WISELY nga ang palaging paalala ng mga station voiceover sa kani-kanilang mga promo ad; at pati ang mga graphic designer at copywriter sa kani-kanilang mga print ad. Dito lang ako nagtataka – ang tanong: Sino si WISELY?

“Liquor Ban” Your Face!

10/27/2013 11:04:05 AM

Laging uso ang liquor ban na ito ‘pag dumarating ang  eleksyon, barangay man, local, o national. Ang tanong, nasusunod naman ba ang “liquor ban” na ito?

26 October 2013

Playback: History Of Rap

10/26/2013 4:39:22 PM

Hey, wait a second. Let’s clear this for a while, folks (yes… before you complain about my content): We are not talking about music and history here yet, huh?

Damn it. I am not fan of Jimmy Fallon (I don’t even have a clear reception of channels 21 and 29 – which is Solar News Channel and 2nd avenue, respectively – to watch any foreign late night shows). And being an avid J.T. listener brought me here… in these 4 segments in an 18-minuter flick. By the way, forgive me for being a late-bloomer in terms of having such fascinations to several mainstream shits – like this.

Tales From The City Lights: Sleepless Nights at Eastwood City – Free Concert.

9:58:29 AM | 4/29/2013 | Monday

Para sa isang maralitang mamayan na tulad ko, ang musika ang aking tanging libangan. Ang problema lang, kung wala kang datong, hindi ka rin makakabili ng album at ang tanigng sandigan mo lamang ay ang radyo. E paano kung hindi naman lahat ng kanta ay ineere sa radyo o pineperfrom sa TV? Sa conert lang yata ang natitirang pag-asa. E paano kung mas mahal pa sa isang linggong pagkain mo ang ticket para lang makapanood ng concert? Hahanap ka ng libre o at least, mas cheap, ‘di ba?

Ang mga lugar na tulad ng Eastwood City ay madalas na nagsisilbing libangan ng iilang mga music lovers para makapanood ng libreng concert. Bagay na minsan ay tinatambayan ng inyong lingkod kasama ng ilang mga nakatatandang kamag-anak.

24 October 2013

Just My Opinion: Janet on Senate?

10/24/2013 9:08:21 PM

Okay, so mukhang malaking pasabog ang magaganap sa Nobyembre a-7 ah. Yan ay kung... sisipot s’ya.
Tama, ang puno’t dulo ng prok barrel scam na ‘yan – na wala nang iba pa (sa ngayon) kundi si Janet Lim-Napoles – ay ipinapatawag sa Senado sa petsang ‘yan.

23 October 2013

Airport's Worst The Second Time Around?!

10/18/2013 3:41:09 PM

O, may nagsalita na naman. May humusga na naman. “Worst airport in the world” raw ang Ninoy Aquino International Airport terminal 1?

Eh ano naman ngayon? May bago pa ba sa balitang ito? Parang minsan na rin tinag ang naturang airport sa kaparehong titulo ah. Maalala na noong 2011 ay tinag din ng isang travel website "The Guide to Sleeping in Airports" bilang world’s no. 1 worst airport ang NAIA 1.

22 October 2013

Para-Paraan ‘Din ‘Pag May Time!

10/22/2013 9:44 PM

Para-paraan nga ano? Walang pinipiling panahon ang pananamantala. Tama, kahit lumindol pa.

Desperate calls for desperate measures, ika nga. Ang tao, gagawa ng paraan kahit sa karimarim na pamamaraan, makakuha lang ng ”relief goods.” As in kung sa ordinaryong araw – makakain lang ang kanyang nagugutom na sikmura. Dito mas applicable ang mga salitang “kapit sa patalim.” At kung tutuusin, hindi na bago ang pagkapit sa patalim. Dahil kahit anong kalamidad pa yata ang tumama, may mga bugok na lalamangan pa rin ang kapwa nila – dahil iniisip nila ang sarili nila. Ang mga gagong ‘to, parang kayo lang ang binayo ng delubyo ha? Parang kayo lang ang dapat hatiran ng tulong ha?

Bakit ko nasasabi ang mga ito? Pansinin:

60 In A Relationship With 16

10/18/2013 9:04:13 AM

Isang satirical punchline nga muna tayo, na 'di ko malaman kung sino ba ang unang nagpasimuno, pero credits pa rin tayo sa kanya, ha? Alam ko, walang kwenta 'to pag binasa mo lang, kaya ayus-ayusin mo na lang ang pag-deliver mo n'yan para 'di ka magmukhang corny.

Tanong: Anong chord ang paborito ni Freddie Aguilar?
Sagot: 'e di A MINOR!

Okay, so may malaking pasabog na naganap sa katatapos lang na 5th Star Awards for Music. Ang isang batikang mang-aawit, may karelasyon na... bata?! Tama, si Ka Freddie, may nadale pang binibini!

Eh ano naman ngayon?

Ang 60 anyos na si Freddie Aguilar, na ginawaran ng lifetime achievement award sa naturang  patimpalak, ay umamin na ang bago niyang ka-relasyon ay 16 anyso pa lamang. Halos malapit ang tunog no (sixty, and sixteen)?

21 October 2013

Flick Review: Metro Manila

10/18/2013 10:51:38 AM

Noir poetry is on the roll, and one of its biggest fruits was the movie known as “Metro Manila.” Nah, we should not be wondering on why the metropolitan has always been the subject of this type of artwork. Seems like poverty porn has always been a part of our cultural identity, eh?

It’s nice to notice though that Metro Manila was the British filmmaker Sean Ellis’ entry to the 86th Academy Awards for Best Foreign Language Film. Yes, pang-Oscars nga ang pelikulang ito, considering that it can actually be a convergence of Filip