Thor’s second movie was all about adventures on the dark
world, a follow-up sequel to the first American superhero movie in 2011 and the
cross-over The Avengers in summer 2012. Honestly speaking, I can’t tell you
much on how did the story rolled, except that Thor must face a vengeful medieval
force who threatened to turn the nine realms universe to darkness, and as well
as for the Mighty avenger to embark on the most perilous journey he could ever deal
with alongside the earthling Jane Foster and Loki, with desperation.
Reader Advisory
Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.
09 November 2013
08 November 2013
Bagyo Ka Lang!
11/8/2013
10:44:26 AM
Hindi
kailanman matitinag ang buhay na diwa ng mga Pinoy. At hindi ko sinasabi ‘to
dahil sa likas din na matitigas din ang ating ulo ha? (ops, ulo sa taas ang
tinutukoy ko. Para malinaw lang sa atin, ha?). May kasabihan, “The Filipino
spirit is WATERPROOF!” (na pinasikat pa sa isang episode ng interstitial ng
aking idolo na Word Of The Lourd).
07 November 2013
Bullshit!
11/7/2013
8:05:30 PM
Aba,
dumating na ang pinakahihintay ng lahat! Ang malaking pasabog sa kasalukuyang
usapin ng iskandalo sa pork barrel. Kumbaga sa mga istorya ng palabas, ito yung
climax.
Pero matapos
ang halos 6 na oras ng hearing sa Senado, at 7-8 oras ng media coverage, pucha,
wala naming nangyari eh. Hindi ko masasabing disappointed ako, dahil sa totoo
lang, inaasahan ko na rin na mangyari ang mga dapat mangyari sa pakikipagtunggaling
ito. Baka yung ibang nakatutok sa palabas na ito, oo, sobrang bad trip lang. Napapa-tangina
na lang ang mga bibig nila sa pagkadiskuntento at dismaya.
Parang
over-hyped lang talaga tuloy ang naging datingan.
06 November 2013
"Hirit" Pa!
11/6/2013
7:04:31 PM
Maikling
pasada muna tayo sa isa sa mga matutunog na birada sa nakalipas na mga araw.
Ang
interview na ito ay naging matunog na balita kahapon. Sobrang matunog lang ay
nagtrending pa siya sa Twitter sa lob ng dalawang araw (tama, kahit sa panahon
na sinusulat ko ito ay laman din s’iya ng mga trnending topics sa naturang
social networking site).
Porky Bits
11/5/2013
8:28:31 PM
Haharap si
Janet Napoles sa darating na Huwebes. Ang tanong, magsasabi ba s’ya ng totoo?
May malalaking pasabog bang magaganap? Pasabog na mas matindi pa sa 32 atomic
bomb na ibinagsak sa lungsod ng Hiroshima sa Japan noong World War II (at anong
konek nito? Yun daw kasi ang katumbas ng lakas ng magnitude 7.2 na lindol na
gumulantang sa Carmen, Bohol at sa malaking bahagi ng Central Visayas noong
isang buwan eh)?
05 November 2013
Tayuan Mo at Panindigan (The Tribute)
10/27/2013
6:05:43 PM
“Kung merong isyu, may
pag-aawayan, may pagtatalunan, hindi pwedeng wala tayong pakialam. Kailangan:
Tayuan Mo at Panindigan.”
Alam ko,
nauna na akong gumawa ng pagsusuri sa palabas na ito noong Mayo 2011 pa. Pero I
can't help it eh. May ginawa na nga akong draft na similar sa write-up na ito
kaso sa kasamaang palad ay nasira ang CPU ko (yung power supply n’ya, actually)
at sa mas masaklap na kapalaran, ‘di sya napasamas a mga file na naka-back-up
sa akin. Pero anyway, ito ang tribute ko sa programang “Tayuan Mo At
Panindigan.”
Out of
nowhere, ay nanood ako ng isa sa dalawang episode mula sa YouTube channel nila
(come on, 1 year ‘to off-air, pero 2 episodes pa rin ang laman ng account nila)
– bagay na nakakarelate pa rin para sa akin – ang kapalaran ng Batch 2011.
All of a
sudden tuloy, namiss ko ang palabas na ito. Sa ‘di ko malamang kadahilanan. Hindi
ko ma-explain. Ito ang dahilan kung bakit ‘di pa man ako gruma-graduate ay
nagiging puyatero na naman ako. Alas-10 hanggang 11 ng gabi yan umeere nun sa
Aksyon TV channel 41, t’wing Lunes hanggang Biyernes. Smooth run sila nun,
until nagkaroon ng time constraints ang mga programa na nauwi sa halos
palagiang pagputol ng show sa ere para bigyang-daan ang newscast ng Channel 5 na simulcast din sa 41. Bagay na
siyempre, nakakabad-trip.
04 November 2013
Crying Boy
11/4/2013
9:13:16 PM
Ang drama
talaga ng mga Pinoy no?
Kaya ‘di
kataka-taka na trending ang eksenang ito.
Ano ang
ibig kong sabihin? Panoorin mo ito.
Tama, ang
eksena ng pag-iyak ng batang si Honesto. Batang umiyak dahil napagalitan ng
nanay. Tumakas, este, may hinabol daw kasi. Bad boy ba? ‘Di naman siguro. Baka naman
nagalingan lang si direk sa kanyang pag-iyak (pero hoy, ang hirap kaya yan sa
parte nila).
03 November 2013
Rewind: Mata ng Kababalaghan
11/3/2013
10:35:57 AM
Malamang sa malamang, kung buhay ka na noong dekada ’90, ay alam mo ang palabas na ito.
Tama, ang “Magandang
Gabi Bayan,” umeere kada Sabado ng hapon o (mag-gagabi pa nga eh. kung hindi
ako nagkakamali, alas-5:30 o alas-6 ng gabi yan) sa ABS-CBN. Hindi lang siya signature
line ni “Kabayan” Noli De Castro sa bawat intro at extro niya.
Pero maliban
sa mga expose at malalimang pag-uulat, kilala ang Magandang Gabi Bayan sa isang
bagay na kahindik-hindik sa kamalayan – ang pag-expose sa mga kababalaghan sa
ating bansa. Ops, hindi ko tinutukoy ang alinamng uri ng katiwalian dito ha?
Iskandalo Sa Sementeryo - Part 1
Babala: Ang
sanaysay na ito ay naglalaman ng mga lengwahe at tema na hindi angkop sa mga
nakababatang mangbabasa. Wastong pag-unawa ang kailangan. Ang mga nagamit na
pangalan – tao man o lugar – sa akdang ito ay pawang koinsidensyal lamang.
Ito ang karanasan
ng minsa’y pagdalaw ni Raymundo Enriquez Anastacio sa sementeryo sa isang bayan
na kung tawagi’y Hacienda ni Don Carlos Buenavista. Sa puntod ng kanyang
namayapang kaanak, may nasaksihan siya na isang bagay na hindi niya inaasahang
mangyari. Ano ang mga ito? Basahin sa blog post na ito: http://definitelyfilipino.com/blog/2012/10/29/iskandalo-sa-sementeryo-part-1/
Iskandalo Sa Sementeryo Part 1 was written by slickmaster
and published at the community blog site Definitely Filipino on October 29,
2012.
© 2012, 2013 september twenty-eight productions
02 November 2013
In Defense To Mr. Against-The-Flow’s Ideas, And The Rest Of The Blogosphere Who Defies The Society’s Stupidity
10/31/2013 8:36:16 PM
"Readers can rant whatever they want, but they can never understand a writer's mind."
“You hate us? The fuck we care!”
Warning: READ FIRST BEFORE YOU REACT.
01 November 2013
Ang Buhay Ay Weather-Weather Lang
10/27/2013
10:01:35 AM
Ika nga ni
Kuya Kim Atienza (sa palagiang extro niya sa kanyang weather news segemnt sa TV Patrol), “sa bawat pagsubok ng
panahon, laging tatandaan na ang buhay
ay weather-weather lang.” Tama, weather-weather lang. Kanya-kanyang
panahon ng pag-usbong, kanya-kanya ring panahon ng paglubog. Hindi nga lang ito
tulad ng kasabihan na la ging iniuugnay sa mga bagay-bagay sa larangan ng pop
culture na “easy come, easy go.” One minute ay buhay pa ang kasama mo, the next
time around ay nasa morgue na siya o sa ataul. O baka maging kartero ka rin ni Douglas Ong kung sakaling pumalpak ang plano n'ya.
Sa nakalipas
na mga minuto, oras, araw, gabi, linggo, buwan, taon, o kahit dekada, malamang...
minsan siguro ay napataka ka na kung “bakit
siya pa?” as in “bakit siya pa ang
kailangang lumisan sa mundo nating kinagisnan?”; “Bakit hindi na lang ako,
o siya (sabay turo sa mga masasamang damo tulad na lamang ng mga gahamang
negisytante, ganid na pulitko, abusadong mamayan at kawatang haling ang bituka)
ang dapat kunin ni Lord?” kasabay
ito siyempre ng paghagulgol o mahaba-habang panahon ng pagkabalisa.
31 October 2013
Halloween Na! E Ano Ngayon?
10/27/2013
4:26:59 PM
"Ang buhay ay parang HOLIDAY. Pag in-love ka, VALENTINES DAY. Pag marami kang pera PASKO. Pero 'pag tumingin ka sa salamin... Halloween na!" (At
sa totoo lang, duda ako sa mga naglabasang post na sinasabing UNDAS ‘yun.)
Papatak na
naman sa kalendaryo ang katapusan ng Oktubre. Bago mag-Todos Los Santos, may holiday
pang ipinagdiriwang ang karamihan. Tama, malapit na naman kasi ang Halloween. At
dahiul Halloween nga, horror na naman ang peg ng paligid. Tatakutin na naman
ang sari-sarili sa mga horror movies at zombies at ultimo ang mga napapanahong
jokes. Siguro mas papatok ang mga sinehan kung ipapalabas sa panahong ito ang
Insidious 2 (bagamat may mga review akong nabasa at ayon na rin sa feedback ng
mga tropa ko ay hindi naman siya nakakatakot e. Nakakagulat lang, o lamang lang
ng drum na paligo sa mga tulad ng World War Z.)
Okay. Ang
tanong: Halloween na nga, eh ano naman ngayon?
29 October 2013
Tirada Ni Slick Master: Butt Exposure
10/29/2013
5:26:40 PM
Ito lang
ang ‘di ko maintindihan eh. MTRCB, uminit ang ulo sa butt exposure ni Mr. Bean?!?
WHAT THE?!?!?!! Ang babaw masyado noh?
Pero yan kaya ang naging isa sa mga headlines sa entertainment section ng isang
pahaygan. Well, editor’s pick pala yun.
LeBron or Kobe? 'Nuff Said!
7/26/2013 5:53:56 PM
Two superstars, they used to square up against each other on
that 96 x 50 feet basketball court for at least three times each year. They may
have blocked shots, dunked, throw thee pointers and even pin-point passes against
each other. Well… okay, now what?
I don’t see anything in this comparison. Why on earth these
sports fans will compare these two guys against each other?
28 October 2013
Bakit Nga Ba Hindi Ka Pa Magsulat ng Libro?
7/24/2013 2:27:03 AM
Simula noong nagsulat ako sa aking mga blog, maramaing tanong
ang bumulabog sa kaisipan ko. Maliban sa mga kritisimo ukol sa mga akda at punto
ng mga sanayasay ng aking opinyon, ay tungkol sa direksyon ng buhay at karera
ko naman ang mga tanong na ipinupukol sa akin.
At isa sa mga pinakatinatanong sa akin ay ito: “Bakit hindi
ka pa magsulat ng libro?”
Oo nga naman, bakit nga ba hindi pa ko magsulat ng isang
libro? Mantakin mo, mula noong 2010 ay mahigit 500 na ang mga artikulo mo sa
sariling blog site. At nag-evolve na rin lang naman ang istilo ng pagsusulat
mo, ‘di ba? At pakialam ba ng ibang tao na kini-criticize ang iyong gawa at
pananaw sa usapin kung sadya namang against the flow ang tingin mo sa mga ‘yun,
‘di ba?
Subscribe to:
Posts (Atom)