Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

12 November 2013

Just My Opinion: Blaming Game?

11/11/2013 8:59:53 PM

Hindi ko ma-gets ‘to. Bakit kelangan pang manisi ng kuya natin?

Hindi na bago ang paninisi ni Pangulong Aquiono sa halos alinmang collapse na nagaganap sa bansa sa nakalipas na tatlong taon. Sablay ang pag-predict ang panahon? Sinisi ang PAGASA. Pag may katiwaliang naeexposed, sinisisi ang nakaraang administasyon. Kapag may taong loko-loko sa hanay niya, ni hindi yata magawa ang manisi. Pero kahit sa supernatural na kalamidad na tulad ng Typhoon Yolanda? Sinisisi ang pamahalaan ng Tacloban – yan ay sa kabila ng pagiging maagap naman ng mga gobyerno ng mga komunidad sa paghanda sa naturang bagyo.

Pero bakit kelangan ba niyang manisi? Dahil ba nag-hoard din ba sila ng mga relief goods? Nangurakot din ba sila tulad ng ilang mga negosyante at congressman?

11 November 2013

Desperasyon

11/11/2013 7:58:25 PM

Hindi ako sociologist, pero naniniwala ako na ang alinmang kilos ng tao, ke mabuti man o masama ang dulot, ay may hamak na "dahilan," tulad na lamang ng mga serye ng kilos na nagaganap sa aftermath ng bagyong Yolanda.

Iskandalo sa Sementeryo - Part 2

Babala: Ang sanaysay na ito ay naglalaman ng mga lengwahe at tema na hindi angkop sa mga nakababatang mangbabasa. Wastong pag-unawa ang kailangan. Ang mga nagamit na pangalan – tao man o lugar – sa akdang ito ay pawang koinsidensyal lamang.

Totoo nga ang hinala. Hindi nagkamali ang mata ni Raymond. May nagtatalik sa puntod ng kanyang kaanak. Sino ito? Ang sigang si Mindo. Pero paano nga ba kinompronta ng nabastos na si Raymond ang sigang si Mindo? Saan hahantong ang komprontasyong ito?


Iskandalo Sa Sementeryo Part 2 was written by slickmaster and published at the community blog site Definitely Filipino on October 30, 2012.

© 2012, 2013 september twenty-eight productions


10 November 2013

Tirada Ni Slick Master: Fuck Your Religion and Logic!

11/10/2013 11:47:17 AM

“Maraming namatay dahil hindi nagdarasal palagi? Fuck your logic and your religion.”

Ito lang ang nakakairita sa mga tao pagdating sa ganitong sakuna eh. At hindi yung mga racist na comment ang mga tinutukoy ko (as if naman mai-spell nila ang “Philippino” ng tama, ano?). alin? Ang mga ganito: yung mga tao na hinahaluan ng relihyon ang mga bagay-bagay. Pag may hindi magandang nangyari, sinisisi ang pagiging hindi madasalin.

Nag-Uulat Sa Gitna Ng Delubyo

11/10/2013 8:55:50 AM

Define JOURNALIST.

Hindi biro ang mag-ulat ng ganito. Delikado, malaking sugal sa kalusugan, at kung mamalas-malasin ay baka ‘di pa maganda ang kakahitnatnan mo, possible ka pang mapahiya kung sakaling pumalpak ka na magiging trending ka sa internet dahil dun. ‘Yan ay kung hindi ka mag-iingat sa gitna ng isang napakapeligrosong sitwasyon.

Ano ang ibig kong sabihin? Ang serye ng mga ulat noong nakaraang Biyernes ng umaga – sa kasagsagan ng bagyong Yolanda sa Leyte – ay isa sa mga tila “defining moment” ng role ng media sa kasalukuyang kabihasnan.

Habang tinitignan ko ang mga special coverage ng mga news channels mula pa nong Biyernes ng tanghali hanggang kagabi, at ang pag-aanalisa ng mga video nila sa YouTube, aba, par aka naman yatang nakikipagpatintero kay Kamatayan kung ika’y napapalibutan ng matinding buhos ng ulan at sorbang bilis ng bugso ng hangin.

09 November 2013

The Review: THOR The Dark World

11/9/2013 10:20:51 AM


Thor’s second movie was all about adventures on the dark world, a follow-up sequel to the first American superhero movie in 2011 and the cross-over The Avengers in summer 2012. Honestly speaking, I can’t tell you much on how did the story rolled, except that Thor must face a vengeful medieval force who threatened to turn the nine realms universe to darkness, and as well as for the Mighty avenger to embark on the most perilous journey he could ever deal with alongside the earthling Jane Foster and Loki, with desperation.


08 November 2013

Bagyo Ka Lang!

11/8/2013 10:44:26 AM

Hindi kailanman matitinag ang buhay na diwa ng mga Pinoy. At hindi ko sinasabi ‘to dahil sa likas din na matitigas din ang ating ulo ha? (ops, ulo sa taas ang tinutukoy ko. Para malinaw lang sa atin, ha?). May kasabihan, “The Filipino spirit is WATERPROOF!” (na pinasikat pa sa isang episode ng interstitial ng aking idolo na Word Of The Lourd).


07 November 2013

Bullshit!

11/7/2013 8:05:30 PM

Aba, dumating na ang pinakahihintay ng lahat! Ang malaking pasabog sa kasalukuyang usapin ng iskandalo sa pork barrel. Kumbaga sa mga istorya ng palabas, ito yung climax.

Pero matapos ang halos 6 na oras ng hearing sa Senado, at 7-8 oras ng media coverage, pucha, wala naming nangyari eh. Hindi ko masasabing disappointed ako, dahil sa totoo lang, inaasahan ko na rin na mangyari ang mga dapat mangyari sa pakikipagtunggaling ito. Baka yung ibang nakatutok sa palabas na ito, oo, sobrang bad trip lang. Napapa-tangina na lang ang mga bibig nila sa pagkadiskuntento at dismaya.

Parang over-hyped lang talaga tuloy ang naging datingan.

06 November 2013

"Hirit" Pa!

11/6/2013 7:04:31 PM

Maikling pasada muna tayo sa isa sa mga matutunog na birada sa nakalipas na mga araw.

Ang interview na ito ay naging matunog na balita kahapon. Sobrang matunog lang ay nagtrending pa siya sa Twitter sa lob ng dalawang araw (tama, kahit sa panahon na sinusulat ko ito ay laman din s’iya ng mga trnending topics sa naturang social networking site).


Porky Bits

11/5/2013 8:28:31 PM

Haharap si Janet Napoles sa darating na Huwebes. Ang tanong, magsasabi ba s’ya ng totoo? May malalaking pasabog bang magaganap? Pasabog na mas matindi pa sa 32 atomic bomb na ibinagsak sa lungsod ng Hiroshima sa Japan noong World War II (at anong konek nito? Yun daw kasi ang katumbas ng lakas ng magnitude 7.2 na lindol na gumulantang sa Carmen, Bohol at sa malaking bahagi ng Central Visayas noong isang buwan eh)?

05 November 2013

Tayuan Mo at Panindigan (The Tribute)

10/27/2013 6:05:43 PM

“Kung merong isyu, may pag-aawayan, may pagtatalunan, hindi pwedeng wala tayong pakialam. Kailangan: Tayuan Mo at Panindigan.”

Alam ko, nauna na akong gumawa ng pagsusuri sa palabas na ito noong Mayo 2011 pa. Pero I can't help it eh. May ginawa na nga akong draft na similar sa write-up na ito kaso sa kasamaang palad ay nasira ang CPU ko (yung power supply n’ya, actually) at sa mas masaklap na kapalaran, ‘di sya napasamas a mga file na naka-back-up sa akin. Pero anyway, ito ang tribute ko sa programang “Tayuan Mo At Panindigan.”

Out of nowhere, ay nanood ako ng isa sa dalawang episode mula sa YouTube channel nila (come on, 1 year ‘to off-air, pero 2 episodes pa rin ang laman ng account nila) – bagay na nakakarelate pa rin para sa akin – ang kapalaran ng Batch 2011.

All of a sudden tuloy, namiss ko ang palabas na ito. Sa ‘di ko malamang kadahilanan. Hindi ko ma-explain. Ito ang dahilan kung bakit ‘di pa man ako gruma-graduate ay nagiging puyatero na naman ako. Alas-10 hanggang 11 ng gabi yan umeere nun sa Aksyon TV channel 41, t’wing Lunes hanggang Biyernes. Smooth run sila nun, until nagkaroon ng time constraints ang mga programa na nauwi sa halos palagiang pagputol ng show sa ere para bigyang-daan ang newscast  ng Channel 5 na simulcast din sa 41. Bagay na siyempre, nakakabad-trip.

04 November 2013

Crying Boy

11/4/2013 9:13:16 PM

Ang drama talaga ng mga Pinoy no?

Kaya ‘di kataka-taka na trending ang eksenang ito.

Ano ang ibig kong sabihin? Panoorin mo ito.



Tama, ang eksena ng pag-iyak ng batang si Honesto. Batang umiyak dahil napagalitan ng nanay. Tumakas, este, may hinabol daw kasi. Bad boy ba? ‘Di naman siguro. Baka naman nagalingan lang si direk sa kanyang pag-iyak (pero hoy, ang hirap kaya yan sa parte nila).

03 November 2013

Rewind: Mata ng Kababalaghan

11/3/2013 10:35:57 AM

Malamang sa malamang, kung buhay ka na noong dekada ’90, ay alam mo ang palabas na ito.

Photo credits: Facebook
Tama, ang “Magandang Gabi Bayan,” umeere kada Sabado ng hapon o (mag-gagabi pa nga eh. kung hindi ako nagkakamali, alas-5:30 o alas-6 ng gabi yan) sa ABS-CBN. Hindi lang siya signature line ni “Kabayan” Noli De Castro sa bawat intro at extro niya.

Pero maliban sa mga expose at malalimang pag-uulat, kilala ang Magandang Gabi Bayan sa isang bagay na kahindik-hindik sa kamalayan – ang pag-expose sa mga kababalaghan sa ating bansa. Ops, hindi ko tinutukoy ang alinamng uri ng katiwalian dito ha?

Iskandalo Sa Sementeryo - Part 1

Babala: Ang sanaysay na ito ay naglalaman ng mga lengwahe at tema na hindi angkop sa mga nakababatang mangbabasa. Wastong pag-unawa ang kailangan. Ang mga nagamit na pangalan – tao man o lugar – sa akdang ito ay pawang koinsidensyal lamang.

Ito ang karanasan ng minsa’y pagdalaw ni Raymundo Enriquez Anastacio sa sementeryo sa isang bayan na kung tawagi’y Hacienda ni Don Carlos Buenavista. Sa puntod ng kanyang namayapang kaanak, may nasaksihan siya na isang bagay na hindi niya inaasahang mangyari. Ano ang mga ito? Basahin sa blog post na ito: http://definitelyfilipino.com/blog/2012/10/29/iskandalo-sa-sementeryo-part-1/

Iskandalo Sa Sementeryo Part 1 was written by slickmaster and published at the community blog site Definitely Filipino on October 29, 2012.


© 2012, 2013 september twenty-eight productions

02 November 2013

In Defense To Mr. Against-The-Flow’s Ideas, And The Rest Of The Blogosphere Who Defies The Society’s Stupidity

10/31/2013 8:36:16 PM

"Readers can rant whatever they want, but they can never understand a writer's mind."

“You hate us? The fuck we care!”

Warning: READ FIRST BEFORE YOU REACT.