11/20/2013
7:16:17 PM
“Basta
pulitika ang pinairal, sira ang sistema.”
Alam mo, sa
totoo lang, isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi makausad ang ating bansa. Maliban
pa sa mga pagpatol natin sa mga kontrobersioya sa showbiz, at ang jeskeng
nauusong palabas sa telebisyon na kung tawagin ay “teleserye.”
Bakit
ganun? Siguro, dahil sa sadyang marumi ang pulitika sa ating bansa. Lahat
nagpapatayan para sa isang mababaw na bagay na kung tawagin ay “kapangyarihan.”
Lahat nakikipagbanggan para lang makamtan ang boto ng mayorya. Gusto nilang
maupo sa isang pwesto na sa tingin nila’y magiging lider sila ng sambayanan
kahit na sa totoo lang, ang dapat tawag sa kanila ay “public servant.” In short,
yaya o alipin dapat natin sila, at hindi
tayo ang inaalipin nila. OO nga, ‘di ba sabi nga ng kuya mo ay “kayo ang boss
ko?”
Pero bakit
nga ba nasisira ang isang adhikain ng isang personalidad sa pamahalaan nang dahil
sa pamumulitika? Tignan mo ‘to: sa kasagsagan ng pagtulong ng mga lupon ng mga
tao sa mga biktima ng kalamidad ay may mga ganitong eksena.