1/23/2014
3:17:29 PM
Siguro,
kung may isang tao na kailangan sa Pilipinas ngayon – ito ay ang mga katulad ni
Davao City Mayopr Rodrigo Duterte. Oo, seryoso.
Tinaguriang
“The Punisher” ng Time Magazine, pero isa sa mga pinakatauhan sa likod ng pagbabago diumano sa pinakasikat
na lungsod sa Katimugang Pilipinas. Mula noong umupo siya, bumaba ang crime
rate nila, bagay na mapapansin mo lang kapag may laban si Pacquiao (noong
nananalo pa siya via knock out).
Alam ko,
aalma ka – “e sobrang haras ng ginagawa niyan eh.” Alam ko rin. Napakarahas. Sa
mata ng natural na kamalayan natin – baka barbaric pa ngang maituturing. Pero tignan
mo naman – epektib ang ginawa niya at halata na ito sa statistika at kasaysayan.
Kung may
nabubulabog sa kanila, siya mismo ang magsasalita at kikilos. Eh dito, kaya
bang gawin ba ng mga alkalde natin?