Minsan, hindi lang katamaran ang ating pambansang sakit.
Alam mo kung ano? Kundi... “amnesia.” Oo, may sakit tayo na nakakalimot. Ika
nga ng isang dating interstitial na pinapanood ko, mayroon tayong “National
Amnesia.” Parang noong ika-25 anibersaryo ng People Power revolution lang. Kung
noong 1986 ay mas mainit pa sa alab ang ating damdamin na makalaya tayo,
ngayon, tila nakalimot tayo sa espiritu o ni pangalan ng EDSA. Dahil pag
sinabing EDSA ngayon, may karugtong na mura na dahil sa sobrang bigat ng daloy
ng trapiko.
Ngayon, hindi lang sa pulitika tayo nagkakaroon ng
pambansang amnesia. Saan mas higit na evident ito? Sa mundo ng palakasan o
“sports.”
Totoo nga naman, na pagdating sa mundo ng sports ay pustahan,
dalawang bagay lang alam natin: kung basketball, boxing. At dito nanalaytay ang
mga pangalan nila Manny Pacquiao, Brgy. Ginebra at ultimo ang Gilas Pilipinas.
Pero, pagkatapos nun, ano na? Wala.