Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

12 November 2014

Natrapik sa Maglalako

11/11/2014 05:01:09 PM

Talk about fatherly figure and at the same time, raketero.

Isang traffic enforcer ng MMDA ang pinarangalan ng dahil sa isang pambihirang gawain: pagtitinda ng kanyang kakanin sa oras ng... trabaho at nakauniporme?

Back Out!

11/11/2014 02:53:55 PM

O, may umatras. Ayaw na niya sa debate. Ayaw niya ng isang verbal na altercation sa eere sa national television sa Oktubre a-27.

11 November 2014

Debate Kamo?!

11/10/2014 05:59:47 PM

(Ang pyesang ito ay isinulat bago pa man nagdesisyon na magback out si VP Jejomar Binay noong umaga ng Martes, Nobyembre 11, 2014)

Sige, magdebate kayo. Tama yan. Ubusin niyo ang oras, salapi at iba pang resources ng Senado para sa jeskeng debate na yan.

Confessions of a Not-Kitty

11/9/2014 11:37:37 AM

Kamakailanlang, nagdiwang ika-apat na dekadang annibersaryo ang batikang cartoon character na ito.

Tama, si Hello Kitty. 40 years old na siya. Astig, ang SANRIO charcter na nga na iyan ay nagdiwang pang isang malaking convention nun.

Pero, dalawang buwan ang nakalilipas, naging isang malaking rebelasyon naman ito: Hindi raw tunay na pusa si Hello Kitty.

Ha?! What?! So ang sa lagay ba ay naglolokohan na lang ba tayo dito?

10 November 2014

Mga Bagay Na Dapat Mong Isipin Bago Ka Lumandi...

5/13/2014 6:43:46 AM

Wala na tayong magagawa. Ito na ang panahon na kung saan ay mas mananaig pa ang mga makamundong bagay kesa sa mga bagay na makapagpapabuti sa kanila. Mas mahalaga pa nga sa kanila ang mag-selfie kesa sa kumain eh.

Pero siyempre, hindi lahat ng kabataan ay magkakatulad. Parang mga lalake sa manloloko, at mga rakista, hip-hopista o alinmang miyembro ng underground society sa pagiging tirador ng ganja at takaw-away. Ang alinmang akto ng pag-gegenralize sa kanila ay isang malaking katarantaduhan, este, mortal na kasalanan hindi lamang sa aspeto ng pormal paglalahad at journalismo, kundi pati na rin sa personal na pananaw.

Chasing MISSteryosa

11/1/2014 3:10:05 PM

Isa kang kakaibang nilalang. Hindi ka ordinaryo. Bagkus isang espesyal. Espesyal sa mata ko, at hindi ito pagkain o ni produkto. At lalong hindi sa kamalaya ng ninuman (maliban na lang siyempre sa iyong mga kaibigan at magulang). Kung bakit ganun? Aba’y ewan —Hindi ko rin maipaliwanag.

Sino ka ba? Anong klase ka bang tao? Sa linis ng budhi mo, mapapagkamalan na kitang buhay na santo. Napakabait na nilalang, sa mundong punong-puno ng mapagsamantalang hangal. Siguro nga isa ka sa mga “totoong tao” na aking hinahanap.

09 November 2014

Mas Matakot Ka sa Buhay Kesa Sa Patay

11/1/2014 2:48:39 PM

Real talk lang. Bagamat minsan naniniwala ako namay mga bagay na napakamisteryo na hindi basta-basta maipaliwanag ng siyensiya.

Pero sa totoo lang, hindi ako ganun kapanatiko ng mga nakakatakot na palabas, telebisyon man o pelikula.

Bakit? Ito ang isa samga pinaniniwalaan ko: “mas matakot ka sa buhay kesa sa patay.”

Alaala Ng Sembreak

11/2/2014 2:18:59 PM

Semestral break, ang panahon na nagsasaya ang estudyante. Panahon ng panasamantalang bakasyon, at sana’y tumagal pa nun, dahil bitin ang isang linggo para sa elemtary at high school; samantalang sakto lang sa kolehiyo.

08 November 2014

EAT. SLEEP. RANT. REPEAT. (The Shirt Edition)

10/18/2014 1:02:44 AM

As much as I don’t really dig those Outfits of the Days, (I mean I don’t really flaunt my OOTDs unlike the present trend), I ended up sharing the shirt I personally conceptualized.

Yes, it all started as a cover photo which also uploaded on my Instagram account.

Four words: EAT. SLEEP. RANT. REPEAT.


07 November 2014

The Good Guys and Juan Flavier

11/1/2014 3:40:10 PM

Halos nakalimutan na yata ng mga Pilipino ang mamang ito…. Hanggang nung pumanaw siya noong isang araw (o isang linggo ang nakalilipas mula noong pormal kong inilimbag ito).

Photo credits: Rappler
Pero, bakit si Sen. Juan Flavier pa, na isa sa mga hinangaan na pulitiko at public servant? Lalo na noong dekada ’90 sa kanyang pamamahala sa Department of Health. Kung maalala niyo, siya ang nagpauso ng slogan na “Let’s DOH it!” (with matching thumbs up sign). Daig pa nito ang iba pang mga “Philippines 2000” public service announcement (PSA) na umeere nun sa Philippine television.
Isa rin siya sa mga taong nangampanya sa Yosi Kadiri. (May drawing pa nga nito nun eh)

06 November 2014

Balik-Tambalan

11/05/2014 08:30:47 AM 

Sa dinami-rami ng mga naglipanang balita noong nakaraang linggo, pasensya na kung magpapakashowbiz muna ako ha, pero ito lang yata nag pinakamagandang narinig ko: Jolina Magdangal balik-Kapamilya na, at magtatambal ng kanyang dating kaloveteam na si Marvin Agustin sa isang teleserye.

Oo, tangina, seryoso ako sa sinabi ko. Yan lang yata ang pinakamagandang balita narinig ko. Hindi dahil sa isa akong 90s baby na namulat ang kamalayan sa mga tulad nila ha? Pero ewan ko.

05 November 2014

Shutdown?!

11/2/2014 1:18:44 PM

Sa dinami-rami ng problema sa MRT line 3 mula sa teknikalidad ng mga riles, tern,at crowd control at kabuuang operayon, may ugong-ugong noon na kailangan raw ishutdown muna ito para lang maisaayos ang dapat maisaayos.

Ano, kelangan i-shutdown?

04 November 2014

Ang Bahaing Marikina River?!

9/21/2014 5:45:19 PM

Sinasabing ang lungsod ng Marikina ay isa sa mga mararaming lugar sa Pilipinas na palaging binabayo ng baha. In fact, dahil nga diyan ay nagkaroon na ng stigma ang mga Pinoy pagdating sa lugar na ito.

Pare 1: Saan kayo nakatira?

Pare 2: Sa Marikina.

P1: Pare, di ba binabaha dun?

P2: Oo.

Ang Istorya ng Katorpehan ni Jerry Maya (v. 2014)

10/02/2014 05:32:49 PM

(Ang pangalang nabanggit sa blog na ito ay pawang nagkataon lamang.)

As much as gusto kong mamasada sa mga napapanahong isyu, ay... teka, dumating na naman ang tropa ko after two years. Mukhang nanghihingi na naman 'to ng kasosyo sa bibilhing alak, para maglabas ng sama ng loob (ops, hindi ito tae, ha?) na parang two year ago lang ay ikinuwento niya sa akin.

03 November 2014

The Scene Around: Blogapalooza 2014

10/17/2014 11:16:38 PM

It was that time of the year once again as When In Manila, along with Our Awesome Planet, and principal sponsors Globe, Easy Taxi, and Chooks to Go, held the 2014 Blogapalooza – the biggest business to blogger event in the country.


It’s actually the second time I hit Blogapalooza, with the first one held almost a year ago also at the same venue. And after six months, I reunite with my friends from the team Powerhouse bloggers. Also, spotted at the event were the blogger I usually interact from Bloggers ng Pinas, Pinoy bloggers, and those who participate in comment exchange threads.