(Ang artikulong ito ay naisulat bago pa nailabas ang balitang Pacquiao vs. Mayweather sa darating na Mayo 2, 2015.)
War of Shits.
Ito lang masasabi ko sa salpukang
Pacquiao at Mayweather. Alam ko, maganda sana kung matutuloy ang
laban. Ito ang laban na tututukan ng mundo. Ito ang labanang titigil
ang ikot ng planeta. Ito ang salpukang magpapahinto ng sasakyan at
mga tao mula sa kani-kanilang ginagawa, makakapagpaluwag ng daloy ng
trapiko, makapagtitino sa lahat ng mga mokong na mahihilig gumawa ng
katarantaduhan at pagiging mapagsamantala sa kanilang kapwa.
Oo, ito nga. In your wildest dreams nga
lang.