12/23/2015 12:51:59 AM
Minsan, ang
pulitika sa Pilipinas ay isang napakaboring na talakayan. Saka lamang ito
napapansin ng madla kapag may mga mahalaganag pangyayari gaya ng eleksyon.
At para sa
isang ordinaryong araw, isang elemento ang kailangan para maging laman ng mga
tao ang usapang-pulitika: kontrobersiya. Mga bagay na hidi basta-basta
nangyayari sa ganun-ganun na lamang. Yung mga tipong debate tapos Ingles pa ang
dayalekto nila samahan pa ng samu’t saing terminolohiya na tanging mga
dalubhasa at elitista lamang ang nakakaintindi? Masyado nang mainstream yan,
allo na kung gusto mong gumawa ng ingay at baka sakaling makakuha ka ng boto.