Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

29 November 2013

"Open Letter"

11/29/2013 11:52:23 AM

Ayan, may nabuwisit na. May nagsalita na. Maliban pa yan sa mararaing butsi na pumutok dahil sa paghahabol ng BIR kay Manny Pacquiao.

Ano ang ibig kong sabihin? Ang open letter na mula sa isang Facebook post ni Ira Panganiban (kung ‘di mo siya kilala, hindi ka batang ‘90s).

Knocking Blow

11/28/2013 2:57:04 PM

Ang labo din ng BIR no?

Teka, malabo nga ba? Bakit ko nasasabi ang mga ito? Pansinin.

Wala pang bente-kwatro oras matapos ang kanyang mala-epikong pagbabalik sa eksena ng boxing supremacy ay may isang malaking knock-out blow na ipinutok kay Manny Pacquiao. At hindi ito usapin ng kung sinong mapangahas ang naghahamon sa kanya para sa kanyang susunod na laban. Ano ang tinutukoy ko? Ito lang naman: ang laban sa “buwis.”

28 November 2013

Alaala Ng Cubao

11/2/2013 4:18:02 PM

Sabihin na natin na medieval akong mag-isip. Pero nakakamiss talaga ang lumang Cubao, no?

Oo, sinasabi ko ‘to dahil malamang, maraming ipinagbago ang lugar na kinalakihan ko. Dati-rati ay nadadaanana at napupuntahan ko ‘to. Hindi na mabilang sa listahan o pahina ng encyclopedia kung ilang beses. Basta, halos bawat araw ay napapadpad ako sa Cubao, estudyante man, tambay, o nagtatrabahong nilalang.

27 November 2013

Must Die Or Must Exist?: Trending Words - Part 1

7/31/2013 10:42:46 AM

Ang mga tampok na salita na nailahad sa blog post na ito ay ang mga salita na naging uso sa kamalayan ng mga tao - sa personal man na approach o sa birtwal na mundo lang ng internet. Karamihan ay may kanya-kanyang panahon ng pagsibol. Tinatayang mula 2009 hanggang sa kasalukuyang taon ang itinampok rito.

Karamihan sa mga salitang nauuso ay maituturing na kabilang na kolokyal na lengwahe. Pero ang tanong ay may kabuluhan ba ang mga ito?

26 November 2013

Wala Na Ang PDAF. Eh Ano Ngayon?

11/24/2013 2:08:36 AM

Wala na raw ang PDAF? Ows?! Weh, hindi nga? Maniwala kayo d'yan?! 


Ni-rule out kasi ng Korte Suprema na “unconstitutional” di umano ang pork barrel. Ganon?


OO, pati nga sa Senado ay tinanggal na rin ang PDAF para sa susunod na taon.


Ang tanong… ano naman ang mangyayari sa ating bayan niyan?

25 November 2013

The Return Of The Comeback

11/25/2013 12:46:55 PM

Kumbaga sa basketball, rebound. Kumbaga sa element ng rap battle, rebuttal. At kung buhay ang usapan, kung may success, may failure. At kung may failure, meron ding... comeback. At hindi ko tinutukoy dito ang pelikula ni Pedro Penduko. Eh di ano pala kung ganun? Tulad na lamang ng ginawa ng Manny Pacquiao.

24 November 2013

Lessons From A Knockout Loss

11/24/2013 1:45:59 AM

Alam ko, sa oras na sinusulat ko ito ay ilang oras na lamang bago ang napipintong laban ni pambansang kamao Manny Pacquiao kay Brandon Rios sa kalapit-bansa lang na Macau.

Sa totoo lang, as long as gusto ko sanang makapaghanap ng panahon para i-playback ang kanyang huling laban kay Juan Manuel Marquez ay hindi ko na rin nagawa dahil sa obvious reasons – ang dami nang problema ng mundo, magpapakastress out ka pa sa resulta ng boxing nun?

Tinaguriang “biggest upset of the year” ang knockout win ni JuanMa kay Pacman. At kung die-hard Pinoy na fan ka niya, alam ko… na ‘yan ang isang video na hinding-hindi mo ilalagay sa koleksyon mo pag nagbigay na ng tribute ang media sa kanya. Oo, hindi kailanman. Kumbaga sa pagkain, siya yung pinakamapait ang lasa.

23 November 2013

Basta Pulitika Ang Pinairal, Sira Ang Sistema

11/20/2013 7:16:17 PM

“Basta pulitika ang pinairal, sira ang sistema.”

Alam mo, sa totoo lang, isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi makausad ang ating bansa. Maliban pa sa mga pagpatol natin sa mga kontrobersioya sa showbiz, at ang jeskeng nauusong palabas sa telebisyon na kung tawagin ay “teleserye.”

Bakit ganun? Siguro, dahil sa sadyang marumi ang pulitika sa ating bansa. Lahat nagpapatayan para sa isang mababaw na bagay na kung tawagin ay “kapangyarihan.” Lahat nakikipagbanggan para lang makamtan ang boto ng mayorya. Gusto nilang maupo sa isang pwesto na sa tingin nila’y magiging lider sila ng sambayanan kahit na sa totoo lang, ang dapat tawag sa kanila ay “public servant.” In short, yaya o  alipin dapat natin sila, at hindi tayo ang inaalipin nila. OO nga, ‘di ba sabi nga ng kuya mo ay “kayo ang boss ko?”

Pero bakit nga ba nasisira ang isang adhikain ng isang personalidad sa pamahalaan nang dahil sa pamumulitika? Tignan mo ‘to: sa kasagsagan ng pagtulong ng mga lupon ng mga tao sa mga biktima ng kalamidad ay may mga ganitong eksena.

21 November 2013

Chronicles Of A Radio Kid – Life and Death (November 8, 2010)

11/8/2013 9:35:53 PM

Sa nakalipas na labing-isang taon, isa akong bata na tagasubaybay na sa buhay at pakikipagsapalaran ng mga istasyon ng radio sa ating kamalayan. Oo, walang halong biro.

At sa isang pambhirang pagkakataon, eksaktong tatlong taon mula sa panahon na isinusulat ko ito, may mga pangyayari na nagbigay-signipikasyon sa kasalukuyang kultura ng mga Pinoy. Ang isa ay pagkamatay, at ang isa naman ang pagkapanganak, o pagkakaroon ng buhay (hindi siya resurrection o rebirth eh).

20 November 2013

Anong Pinaglalaban Mo?

7/26/2013 5:36:01 PM

Ito lang ang hindi ko maintindihan. Ang daming problema ng Pilipinasna sinosolusyunan at patuloy pa ring sinosolusyunan ng ating pamahalaan. Pero ilang administrasyon na ang nagdaan, bumuti naman ang mga bagay na tila wala nang lunas noon, pero bakit nagngangaw pa rin ang mga ‘to?

19 November 2013

Practice What You Preach

11/19/2013 7:14:39 PM

“People killin', people dyin', children hurt and you hear them cryin'. Can you practice what you preach? And would you turn the other cheek?” – Where is the Love, Black Eyed Peas

Practice What You Preach. Yan lang ang masasabi ko sa mga taong nagkukumento sa mga napapanahong post (ke negatibo man ang laman o positibo) na may kinalaman sa bagyong Yolanda. Mabuti sana ang intensyon ng mga salita kung ginagamit lang ito sa wasto, at hindi sa pagyayabang ng mga taong wala namang ipagyayabang.

Oo, practice what you preach. Ibig sabihin, gawa bago salita; o better yet, gawin mo yang sinasabi mo. Patunayan mo sa kilos ang mga salitang binibitawan mo.

Tumulong na lang kayo? Siguraduhin n’yo na kayo mismo ay ginagawa niyo yan ha? Baka naman yang “tumulong na lang kayo” na remark na iyan ay ginagawa mo lang pang-sam comment sa mga Facebook page whenever na may makikita kang di magandang post.

Tigilan n’yo ang paninisi?! Tama yan. Yan ay kung hindi ka mismo namumuna o naninisi sa kapwa mo.
Hindi kayo nakakatulong? Bakit, kayo ba mismo ay tumutulong? Kung oo, maiintindihan namin ang argument mo. Kung hindi, e gago ka pala eh. Sa halip na mamuna ka d’yan...

Walk your talk, ika nga.

18 November 2013

"Selfies" And Other Side-Shits.

11/15/2013 4:53:24 PM

"Porket nag-selfie, insensitive na kagad? ‘Di ba pwedeng tanga ka lang talaga?"

Hmm, maangas ba masyado? Ito kasi 'yan eh.

"Hindi lahat ng nagse-selfie ay walang pakialam sa mundo."

Pero may napansin lang ako: Bakit nga ba tinamaan ang mga nagse-selife sa panahon na ito ngayon? Ano meron, nasapul ba sila ng isang artikulo na naglalaman ng mga social networking tips sa panahon ng typhoon Yolanda?

17 November 2013

Anderson Vs. Korina

11/14/2013 8:23:24 PM

Sinabi lang naman ni Anderson Cooper ang kanyang naiulat ah. Anong meron? Bakit may nagagalita yata mula sa media?

Ay, sorry, mukhang may natamaan kasi.

Iskandalo sa Sementeryo - Part 3

Babala: Ang sanaysay na ito ay naglalaman ng mga lengwahe at tema na hindi angkop sa mga nakababatang mangbabasa. Wastong pag-unawa ang kailangan. Ang mga nagamit na pangalan – tao man o lugar – sa akdang ito ay pawang koinsidensyal lamang.

Umiinit silang dalawa. Pero ano bang laban ni Raymundo sa siga ng sementeryo. Hindi na nga ginalang ang lugar ng mga patay, may gana pa siyang pumatay.  Sumabat pa ang mga kasamahan ng parehong kampo.  Tumindi ang drama at tila nasa isang maaksyon na pelikula ang mga sumunod na eksena. Hanggang saan hahantong ang kaangasan nila Raymundo at Mindo? Sino sa kanila ang malilintikan at tatamaan ng tingga?


Iskandalo Sa Sementeryo Part 3 was written by slickmaster and published at the community blog site Definitely Filipino on November 11, 2012.

© 2012, 2013 september twenty-eight productions

The Punk’s Revenge

11/4/2013 8:19:25 PM

I think he just got his revenge.

And this time around, vengeance came in full force.

I’m talking about Paul Heyman’s eventual defeat over the Best in the World CM Punk.

How did that happened?